Chapter 3

0 0 0
                                    

"Oh bat parang puyat na puyat ka naman Jan?" Takang tanong ni Ella sakin habang nakain kami ng lunch.

Umiling lang ako rito at nag patuloy sa pagkain. Wala akong ganang mali pag usap lalo nat antok na antok pa ako. Nagpapakabibo lang ako para sa mga batang tinuturuan ko.

"Oo nga pala Max. Di kita maisasabay mamaya kase maaga aking uuwi. May family date kase kami kasama ang biyanan ko" sabi nito habang nag aayos na ng pinagkainan nito.

"Ahh Sige" sagot ko nalang at umalis na sa room nya. Magkatabi lang naman ng room namin kaya madali lang akong nakarating dun. Tapos ng kumain ang mga bata at inaayos nalang sila ng kanilang mga magulang.

Mamayang 5 pa ang uwi ko kase aayusin ko pa yung classroom namin. Ikakapit ko yung mga chart  na Binili ko kahapon lang.

"MAX, una na ako" sabi nito at nag wave pa bago umalis. Tumango nalang ako rito at sinimulan na ang pag iimis ng classroom. Kakauwi lang din naman ng mga bata na masayang masaya dahil madami silang nakuhang star.

*toot toot*

Napatigil ako sa pagkakapit ng mga chart sa pader ng biglang tumunog yung cellphone ko. Nilapitan ko Ito at form unknown number.

"Sino naman kaya Ito?" Kinuha ko iyun at binuksan ang message.

"Hi Max, agahan mo ang pag uwi. Nagluto ako ng meryenda mo. Si Altair to"

Hindi ko alam ang dapat i-ekspresyon. Matutuwa ba ako o kikiligin o Pagtataka dahil pano nya nakuha ang number ko? Haysss, hayaan na. Ang mahalaga Inaalala nya rin pala ako.

"Mamaya pa ang uwi ko"

*Message sent*

Inilapag ko na uli yung cellphone at bumalik sa ginagawa ko. Patapos na naman ako dahil 10 chart lang naman Ito. At ilang mga pan-design sa room. Tulad ng plastic flower, alphabet na naka hang sa kisame, at mga cube numbdaan

Habang nag aayos na ako may nakita akong lunch box sa cabinet ng mga bata. "Sus, Kay Zorav pala. Lagi nalang nya naiiwan yung lunch box nya. Tapos in the morning pag ipapaalala ko na Kay Zorav ay wala na. Anong magic meron kang lunch box ka? Nauwi mag isa sa gabi?" Natatawa kong sabi sa lunch box. Bumalik na ako sa ginagawa ko para makauwi na kase pagabi na at madilim na sa daan

"ANG lakas naman ng ulan" usal ko sa sarili ko habang nandito sa shed malapit sa school. Naisarado na din ni manong guard ang school kaya dito nalang ako nag iintay ng taxi sa shed.

"Holdap to Miss" kaba, takot, at pag iyak ang nararamdaman ko sa oras na mga Ito. Hindi ko maintindihan ng gagawin ko ng may lumapit na isang lalaki sakin at inaruhan ako ng balisong sa leeg ko tapos pilit na kinukuha ang bag ko. "Ibigay mo na ang bag mo kung ayaw mong masaktan" pananakot pa nito sakin pero Hindi ko bitawan ang bag ko. Kaya Mas lalo nyang idinidiin ang pagkakalagay ng balisong sa leeg ko sanhi upang mamula iyun.

"AHHHH" sigaw ng holdaper tapos tumakbo ako. Pilit akong tumakbo kahit naka heels ako, siniko ko kase ang tiyan nung holdaper para maka wala ako. "HUY BUMALIK KA DITO HINAYUPAK KAAAAAA~" sigaw ng holdaper at hinabol ako habang hawak nito ang tiyan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AntithesisWhere stories live. Discover now