Chapter 2

1 0 0
                                    


"Uy Max!" Bigla akong napaatras ng tmunghay na yung lalaki at laking gulat ng mapag tanto kung sino iyun.

"A-altair?" Pagtatama ko kase baka nagugulimihanan lang ako. Lumapit Ito sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat at niyugyog ako.

"Max" tawag uli nito sakin. At napagtanto kong tunay na nasa harapan ko na si Altair.

Magkahalong kaba, saya, at pagtataka ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil diko alam ang gagawin ko. Saya kase diko maipaliwanag na nandito muli sya sa harapan ko after 2 years. Pagtataka dahil bakit sya nandito at pano nya nalaman na dito ako nakatira?

"B-bakit?" Mautal utal kong tanong sa kanya. Diko alam kung anong sasabihin ko. Naba-blanko ako ngayon at di ko alam ang sasabihin.

"Pwede bang pumasok muna tayo sa Bahay mo?" Sabi nito at kinuha ang mga paper bags na dala ko para mabuksan ko ang Bahay.

Nagtataka man pero nag punta na ako sa harapan ng pinto at kinuha na yung susi sa loob ng bag ko para mabuksan iyun. Sumunod narin sya sa loob. Medyo maliit lang ang Bahay na Ito at kasya lang talaga para sa isa o dalawang tao. Kase pag pasok mo higaan na agad ang bubungad sayo na nasa gilid tapos cabinet, study table at Salamin. Nasa pader din ang flat screen TV na 32'inch. Tapos sa kabilang pinto nandun ang banyo at kusina.

"M-maupo ka m-muna" pinaupo ko sya sa silya na nasa study table. kinuha ko ang paper bags sa kanya at inilapag iyun lahat sa kama ko.

"Salamat Max" pagpapasalamat nito sakin at inayo naman nya ang maleta nya.

"Ano nga p-palang ginagawa m-mo rito?" Takang tanong ko habang nakaupo sa kama ko.

"Ihh kase... Ano.... U-umalis ako n-ng Bahay n-namin" nakatungong sabi nito na parang nahihiya pa.

"At dito mo gusto na manatili muna?" Tanong ko rito habang inayos ying kama sa Tas. Double deck kase Ito at para sa dalwahang tao ang kwarto na Ito.

Tumango-tango Ito "g-ganun n n-nga" nahihiyang tugon nito.

"Pano mo pala nalaman na dito ako nakatira?" Halos maging maayos n ang pakiramdam ko kase magiging kumportable na ako sa presence nya.

"Tinanong ko Kay Ella. Nung makita ko sya kanina lang sa school mo" sabi nito sakin. Tumingin ako sa kanya at lumapit naman ako sa cabinet  kumuha ng pamalit.

"Sige na. Inayos mo na muna yung gamit mo para naman makapag pahinga ka na din. Dun ka sa Tas at ako sa baba" turo ko sa higaan. Nag punta na akong banyo para mag palit.

Pagkatapos ko ay kinuha ko na yung echo bag na may lamang grocery food at inayos iyun sa cabinet sa kusina. Nagluto narin ako ng hahapunanin ni Altair kase paniguradong gutom sya. Busog pa naman ako dahil madami din ang nakain ko nung nag Jollibee kami ni Kuya.

"Bangon na uy" paggigising ko Kay Altair para makakain na sya bago nya ituloy ang pag tulog.

Bumangon naman Ito at bumaba sa kama nya. "Kumain ka na muna. Nagluto ako para sayo" sabi ko sa kanya at nag punta sa kusina kase naiilang ako na titigan sya.

Pag dating nya sa kusina may bitbit itong echo bag at ibinigay nya yun sakin. "Grocery food din ang laman nyan. Nakakahiya naman kung pagkain mo ako rito ay may trabaho naman ako" sabi nito at naupo na para magsimulang kumain

"Bakit ka nga pala umalis sa inyo?" Tapos na itong kumain at handa na para sa kanyang pag tulog habang ko kumakain lang ng tinapay habang nag gagawa ng lesson plan.

"Basta" sabi nito at nagtalukbong na ng kumot tapos humarap sa dingding.

Napatango tango nalang ako at nagsimula na muli sa ginagawa ko.

Si Altair ay ang highschool and college crush ko pero never syang nag crush back sakin tapos after naming maka graduate ay Hindi ko na sya nakita at nalaman ko nalang na nasa U.S na pala sila ng family nya. At ngayon, halos 2 years ko ring Hindi nakita ang gwapo nyang mukha. Parang bumalik lahat. Hindi man nya ako madalas na pinapansin sa school noon pag mapapadaan ako sa classroom nila Hindi parin maalis sa puso't isip ko ang isang ALTAIR SANCHEZ.

Napalingon muli ako rito na mukhang naka tulog na nga. Pinatay ko na lang yung main light at ang nagsisilbing ilaw ko ngayon ay ang lamp na nasa study table.

Antithesisजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें