Chapter 33

7.4K 182 25
                                    

     Sa bawat araw na pupunta sya sa lugar ay nag kakasya na lamang sya sa pag sulyap sa mga ito sa malayo, gustuhin nya mang makausap at mahawakan manlang ito pero alam nyang sobra ang galit nito sakanya.

Makokontento nalang siguro muna sya sa ganitong paraan sa ngayon pero hindi maaaring ganito habang buhay, gagawa sya ng paraan lalo na't may anak na pala sila. Hindi nya ito nasisisi kung di man nito ipinaalam sakanya ang tungkol sa bata at nararapat lamang talaga na ganito ang maranasan nya ngayon, lungkot at galit sa sarili.

"How I wish...

Di nya inasahan ang pag tulo ng kanyang luha habang naka tingin sya sa mag ina.


••••••




"Ma, san ka nanaman po pupunta? "-maotoridad na tanong ng batang maganda sa kanyang ina.

"Diba nga pupunta si mama sa shop at wag ka mag alala kase isasama kita para naman walang sasawayin ang nanay."-sagot naman ng ina.

"Ah okay po mama kala ko iiwan mo nanaman ako eh."-ngumuso naman ito sa kanyang ina na parang nag mamakaawa parin.

"Hindi ah, takot ko lang na iwanan ka. Luging lugi na ako kakapunta kay Jollimac eh. "-biro pa nito sa anak napa tawa pa ito ng konte.





Nasa kalagitnaan sila ng byahe papuntang shop nya ng biglang may tumawag, it's her tita Elda..

Di nya alam pero bakit bigla syang kinabahan?

"H-hello tita goo-

Napatigil sya ng marinig nya na parang umiiyak ito.

"Hello tita a-ano pong nangyari, b-bakit parang umiiyak po kayo?"-alalang tanong nya rito.

"A-anna, s-si Amara... Naaksidente sya a-and she's o-on coma."-hindi nya alam kung ano magiging reaksyon nya sa nalaman at bigla na lamang sumabog ang kaba at pag aalala sa kanyang sistema. Ipinahinto nya ang kanyang sasakyan sa gilid ng daanan at pilit na pinoproseso sa isip ang nalaman.

"Ti-tita are you serious?! Oh my god! Pupunta ako jan tita! Pupunta ako."-tumulo na ang kanyang luha sa nangyari sa kapatid.

Hindi na nakapag salita pa ang kausap nya sa kabilang linya at puro iyak nalamang nito ang kanyang narinig.


"Mama bakit ka po umiiyak?"-inosenteng tanong ng kanyang anak.

"Mama can't tell it to you yet baby, pupunta na muna tayong shop."-turan nya dito habang pinupunasan nya ang kanyang luha.

"Okay po."-pag payag naman nito na pero may pag aalalang naka ukit sa mukha.

Hindi na sya mapakali ng nalaman ang balita tungkol kay Amara at agad na pinakiusapan ni Anna ang kayang nanay rose at niko na sila na muna ang bahala sa kanilang negosyo dahil hindi pwedeng hindi nya puntahan at makita si Amara, ang kanyang bunsong kapatid na sobra nyang mahal, di man sila madalas magkita nito ay hindi mabawasan ang pagmamahal na meron sya dito at isa pa isa ito sa mga taong tunay na tumanggap at nag mahal sakanya.

Oh my god baby bakit?

"Mama pupunta tayo kela lolamy? Miss ko na kase sila eh saka ni aunt Amara gusto ko nang mag play ulit kami. "-napaka excited na turan ng batang walang ka alam alam sa nangyari.

'Lolamy' ang tawag ni Ammi kay tita Elda and tita find it sweet.

Amara wanted Ammi to call her Aunt kase mas prefer nya daw yun, she wants unique daw though masyado nang matured ang 'aunt' para itawag sakanya ni Ammi, nakakatuwa lang na sa bagay na yun hindi talaga sya umarte, she used to play with Ammi pag dumalaw sila kahit pa nagdadalaga na sya she still managed na makipag laro para lang mapasaya si Ammi.

The Bastard's DownfallWhere stories live. Discover now