Mahirap Maging Gwapo

10 3 0
                                    

Sa una kala mo lang masaya magkaroon ng Sobrang biyaya. Pero hindi rin sa lahat ng pagkakataon.


Tulad ko...


...na nabiyayaan ng sobrang kagwapuhan (suklay sa buhok gamit ang kamay) Hays. Kala niyo ba ginusto ko 'to?


Well, minsan oo, pero kadalasan slight lang! Tangna talaga! Nakakasawa na ang pagiging gwapings kong 'to.


Kung minsan nga tinatanong ko si Lord kung bakit...


Kung bakit ako ganito kagwapo!


Na tipong gusto kong ibahagi ang kagwapuhan ko sa ibang nangangailangan pero wala akong magawa?


Shit namang kagwapuhan 'to. Gusto ko ng tahimik na buhay!


Gusto kong pumasok sa School at umuwi ng bahay nang hindi ako tinititigan ng mga tao na parang gusto na nila kong ibulsa at sambahin araw-gabi.


Gusto ko ring kumain sa mga pampublikong kainan nang hindi naaabala at napagkakamalan nang kung sino na kahit ang layo-layo ng mga mukha nung inaakala nilang ako ay pagkakamalan paring ako makalapit lang sakin! Quingina lang.



Madalas din akong mapa-away nang dahil sa kagwapuhan kong 'to dahil sa mga boyfriend ng mga babaeng kahit may syota na ay naglalaway parin sakin.



At ang pinaka-ayaw ko sa lahat.. Ay yung mababakla ang isa sa mga tropa ko nang dahil lang sa angkin kong kagwapuhan! Shet. I feel so harass!



Lagi rin akong tinatawag ng mga Babae't gay naming teacher sa klase na di malaman kung gusto lang ba akong makausap o ano. Isama pa ang mga Classmates kong kadalasan ay ako ang tinuturo pag kailangan ng partner sa mga etceterang pinapasagutan ng mga teacher.



Hindi ako ganon katalino, sobrang gwapo lang talaga kaya napag-kakamalan.



Alam ko namang since birth na ang ka-gwapuhan kong 'to. Tsaka anong magagawa ko di'ba? Si lord na ang nagbigay sa'kin, tatanggihan ko pa ba?



Pero hindi naman sa nagyayabang o ano, papatunayan ko lang...








...na Mahirap Maging Gwapo.



⚫⚫⚫

A/N: So hey guys! How's the first chapter of this story? I know it's short, but please WRITE DOWN YOUR THOUGHTS! I want to know what's on your mind whether it's positive or not, just write it down :)

Mahirap Maging GwapoWhere stories live. Discover now