10

26.2K 813 178
                                    

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

AGAD NA PINUNTAHAN nila ang park na sinabi nito. Nagpatawag siya ng pulis para imbestigahan ang nangyari. Pambubully ang ginawa ng mga babae kay Yuka. Mga nasa twenty plus na ang mga ito kaya hindi siya papayag na hindi mananagot ang mga iyon sa ginawa ng mga ito kay Yuka.

"Ser, nakilala na namin ang sinasabi ni Miss Yuka. Pupuntahan na lang namin sa mga bahay nila at dadalhin sa pulis station."

Tumango si William, "Sige, hintayin ko ang update niyo ngayon. Gusto ko silang makaharap at kunin ang bagay na kinuha nila sa asawa ko."

"Sige ho. Mauna na kami."

"Salamat."

Nang makaalis ang mga pulis ay agad na inaya niya si Yuka pero ayaw nitong umalis.

"Kunin natin si Lily.. Ayaw ko uwi, wala si Lily.."

"Honey, hinahanap na ng mga pulis ang bahay nang kumuha kay Lily at sa alahas mo. Kaya sa bahay na lang natin hintayin, okay?"

"Ayaw ko.."

"Yuka, isa.. Sumunod ka ngayon sa akin dahil may kasalanan ka pa. Akala mo ba hindi ako galit sa ginawa mo?"

Napanguso ito na nagbabadyang umiyak kaya inakay na niya ito. Pagdating sa bahay ay agad na lumapit sa kanila si Yaya Pen.

"Yuka, saan ka naman nagpunta, ha? Lagi mo na lang pinag-aalala kami, lalo na ang asawa mo."

"Tampo po kasi ako kay William. Gusto ko play duyan, hindi naman niya tupad promise niya."

"Is that a good reason to go outside and let your life to be in danger again." mariing sabi ni William.

Umiyak naman si Yuka kaya agad na inalo ito ni Yaya Pen.

"William, 'wag mo naman pagalitan si Yuka."

"Yaya Pen, kung hindi ako dumating ay baka na-rape na naman siya ng hayop na lalake. Tapos binully pa pala siya sa park."

Tumingin naman si Yaya Pen kay Yuka na nagsusumiksik sa kanya.

"Yuka, totoo ba 'yon?"

Humihikbi na tumango ito kaya naman ay hindi mapigilan ni Yaya Pen ang mapaiyak.

"Anak, pasensya na pero tama ang asawa mo. Dapat hindi ka basta-basta lumalabas ng bahay kung nagtatampo ka. Hindi mo alam na mapanganib sa labas. Paano kung ano na ang nagawa sa 'yo ng masasamang tao sa labas? Ayaw lang namin na masaktan ka o mapahamak. Sana ay 'wag ka nang lalabas ulit."

"O-opo.."

Napahinga ng malalim si Yaya Pen at tumingin kay William na umalis. Inaya naman niya si Yuka sa kwarto nito at inayusan.

"Yaya, saan po punta si William? Iwan na po ba niya ako kasi bad ako? Huhuhu.."

"Sshh, hindi ka niya iniwan. May pinuntahan lang. Sige na, matulog ka na at mamaya ay baka bumalik rin agad 'yon."

Tumango-tango ito at pumikit. Hinaplos ni Yaya Pen ang buhok nito habang hindi niya mapigilan na maawa na naman sa alaga. Hindi talaga pwedeng lumabas ito ng bahay ng mag-isa. Palaging trinatrato ng ibang tao na parang hayop si Yuka.

Tumayo siya ng makita na nakatulog na ito. Lumabas siya ng kwarto at bumaba. Nakita niya si William na kakapasok lang at may dalang mga gamit.

"O, William, saan ka ba galing at ngayon ka lang? At saan mo gagamitin 'yan?"

Lumingon ito, "May binili lang hong materyales para gumawa ng duyan. Kasalanan ko rin kung bakit nagtampo sa akin si Yuka. Kung sana ginawan ko na siya ng duyan ay hindi siya lalabas ng bahay para magpunta sa park."

UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED)Where stories live. Discover now