"Ah! Katulad ni Pogi na maraming baby. Ganoon din ako?"

Pinitik niya ito sa noo kaya napaaray ito at napasimangot.

"Ano ka aso? Ang sinasabi ko lang ay gusto ko ng maraming anak sa 'yo, hindi 'yung isang panganak mo ay marami ang lalabas."

Napahagikhik ito tila natatawa sa reaksyon niya.

"Laki butas ilong mo hihihi.."

Kiniliti naman niya ito kaya tawang-tawa ito. Hindi niya mapigilang mas sumaya kapag nakikita ang mga ngiti at tawa ni Yuka. Nakakagaang ng loob na para bang wala siyang maiisip na problema kapag titignan lamang niya ito.

Inaya na niya ito pababa at nagulat ito ng magpaputok ng confetti sila Yaya Pen na kinatuwa naman ni Yuka.

"Yehey! May party! Gusto ko din paputok ganyan." lalapit na sana ito kela Yaya Pen ng agad niyang pigilan ito.

"Honey, hayaan mo na sa kanila 'yon. May ipapakita ako sa 'yo."

"Huh? Ano 'yon?"

"Ito.."

Tinuro ni William ang kalangitan kaya napatingin doon si Yuka. Mas lumiwanag ang buong paligid ng umilaw ang kalangitan dahil sa makukulay na fire works na ngayon ay nakikita nila. May gumuhit din na salita sa kalangitan na kulay pulang fire works.

"I love you, Yuka and Baby." bulong ni William kaya napangiti si Yuka at humarap kay William.

"Mahal din kita, William." sabay yakap sa kanya.

Napangiti si William at tumingala sa kalangitan. Pinapangako niya na aalagaan niya pareho---si Yuka at baby nila. Alam niyang malaking pasubok ang lahat sa kanya, pero hindi niya susukuan at mas kakayanin lahat basta kasama lamang niya si Yuka.

Hinalikan niya si Yuka sa ulo at tumugon sa yakap nito na sinuklian niya ng mahigpit na yakap.

"Hihihi.."

HINDI MAPIGILAN NI Yuka na mapahagikhik dahil sa paghalik ni William sa tiyan niya. Minamasahe at pinag-e-exercise ni William si Yuka para mas maginhawa itong manganak kapag kabuwanan na nito. Nagbabasa siya tungkol sa mga pagbubuntis, kaya sinisimulan na niya ang tamang step sa pagbubuntis ni Yuka.

"Lumalaki na ang tummy mo. Dapat siguro ay magpalit ka na ng isusuot para makahinga si baby natin." aniya at hinaplos ang tiyan ni Yuka tatlong buwan na. Hindi niya akalain na napakabilis ng panahon, parang kailan lang ay sine-celebrate pa nila ang pagdating ng baby sa tiyan ni Yuka.

"Busog ako, e."

"Hindi ka busog. Si baby 'yan, kaya ingatan mo rin ang tiyan mo dahil baka masaktan siya."

Tinulungan niya itong bumangon at naupo ito sa hita niya kaya inalalayan niya ito. Humawak ito sa leeg niya at tinignan siya.

"Laro tayo."

"Hindi na pwede. Pwede kang maglaro ng mga doll mo, pero bawal 'yung mga tumatakbo."

Mula kasi na mag-tatlong buwan ang tiyan nito ay hindi na niya hinayaang magtatakbo. Bantay na bantay niya talaga ito dahil wala naman siyang ibang gagawin kundi iyon.

"Daya mo! Sabi mo laro tayo at gawa mo ako star city, e!"

Umiyak ito habang nagdadabog sa pagkakaupo sa kanya.

"Sorry, Honey. Next time na lang, ha?"

Sumimangot ito at umalis sa pagkakaupo sa kanya kaya napahinga siya ng malalim ng umalis ito ng kama.

"Yuka, saan ka pupunta?!"

Tumayo siya dahil lalabas ito ng kwarto. Hindi ito nagsalita kaya napahilot siya sa sentido at sinundan ito. Nakita niya na pumasok ito sa isang kwarto kaya napahinga siya ng malalim na sinundan ito. Kaso pagpihit niya ng pinto ay hindi niya mabuksan.

UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED)Where stories live. Discover now