Lalo akong napalunok ng sabay sabay ng sumugod ang natitirang lima! Yung dalawa, lumapit sa akin kaya naman napatakbo ako patungo sa swing na kinakalawang na!

"Natatakot ka ba?"-ngiting aso yung nagtanong habang yung isa masama angtingin sa akin.

"Huwag kang mag alala, magsasama kayo ng syota mo sa impyerno."

Syota? Sinong---yung damuhong yun? Syota ko daw? Mga ugok!

"Gago!"-minura ko siya at saka sinipa yung swing kaya naman natamaan yung alaga niya! Napasigaw ito sa sakit at napaupo pa.

Napangisi naman ako at tumakbo na naman nung habulin ako nung isa. Medyo nakaka pagod dahil takbo ako ng takbo. Minsan, natatawa ako dahil hindi ako maabot nung loko!

"Habol gago! Habol!"-asar ko at saka mas kumaripas ng muntik niya ako maabutan.

*boogsh*

"Sh*t!"-bulalas ko ng may sumuntok sa mukha ko kaya napaupo ako sa lupa!

"Huli ka!"-ngumisi sa akin yung humahabol sa akin kanina tapos yung sumuntok naman sa akin kinwelyuhan ako saka binuhat gamit ang isang kamay!

"Papatayin kita!"-nanlilisik ang mata niyang dinakma ang leeg ko!

"A-aray! B-bitawan---"-pilit akong kumakawala pero lalong humihigpit ang kapit niya sa aking leeg!

Napakagat labi ako ng bumalatay sa aking leeg ang sakit. Nahihirapan akong huminga! Peste! Kailangan ko ng tulong! Hindi ko na kaya!

*baaaag*

Nabuhayan ako ng pag asa ng mabitawan ako nung sumakal sa akin. Nanlalabo ang paningin at nanghihina ako. Umubo ako ng umubo at saka kumukuha ng hangin.

Napahawak ako sa aking leeg at ulo. Nahihilo ako at nanlalabo ang paningin, hanggang sa bumagsak na lang ako pero imbis na lupa ang sumalubong sa akin dalawang kamay ang nakasalo sa aking katawan.

"Ahlisha..."

..........................

"Oww my gawwwd!! Ahli!"-nagising ang natutulog kong diwa ng marinig ko ang matinis na boses ni ayna.

Nakapikit kong hinilot ang aking noo ko dahil ang sakit. Grabe, anong nangyari sa akin? Bakit ganito na lang kasakit ang ulo ko.

"Waaah! Gising na siya!"-sigaw pa ni ayna at ramdam ko ang paglapit niya sa akin.

Dahan dahan kong minulat ang aking mata at unang tumambad sa aking harapan ay ang mukha ni ayna. Ngiting aso. Katabi niya si rondrick habang yung kilay ay nakataas.

"Ano ba! Ang sakit na nga ng ulo ko, yan pang mga mukha niyo ang bubungad sa akin."-hinawi ko ang mukha nila at dahan dahang umupo sa kama.

Taka kong linibot ang paningin ko at nung magtama ang paningin ko sa nurse, nagulat ako.

"Bakit nandito ako sa clinic?"

O_O

"Ewan namin."-kibit balikat na sagot ni ayna. "May tumawag sa amin kanina at sinabing nasa clinic ka daw kaya naman pumunta kami ni rondrick."dagdag pa niya.

"Ano bang nangyari sayo? Akala namin nagtampo ka na ng layasan mo kami kaya hindi ka na namin hinanap."-rondrick.

"Ano bang nangyari?"-tanong ko rin sa kanila.

Tinignan nila ako na may nagtatakang tingin. Tapos nagsalita uli si ayna.

"Malay namin. Magkasama ba tayo kanina?"

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now