CHAPTER 33: Back To Square One

Start from the beginning
                                    

'5 minutes.' Ungot ni Kathryn. Wala syang taping ngayon kaya kahit maglagi sya sa kama ng buong araw ay pwede. Bigla syang nagmulat ng mata. Nakalimutan niyang nay asawa at anak nga pala syang dapat pagsilbihan. 'Si Danilo?' She panicked.

Nakahinga naman sya ng maluwag nang makitang payapa pa rin itong natutulog sa kanyang crib.

'Ayan. Tulog uli. Nagising sya kanina lang, humingi ng mamam dede.'

Ngumiti si Kathryn.

'Thank you.'

Umiling naman si DJ saka ngumiti.

'Hindi. Ako dapat ang mag-thank you.' At hinalikan nya ang noo ng asawa. 'Bangon na. Ready na yung breakfast sa baba. Nandun lahat ng favorite nyo. Ni Mama Min, ni Kuya Kevin, ni Daddy Teddy..'

'Wow! Nagluto ka?'

'No. Ipinaluto ko kina Manang.'

Kath pouted.

'Akala ko ikaw ang nagluto.'

'Baka mapalayas ako nina Mama Min kung ako ang nagluto.' DJ chuckled. 'Lika na.' Kinuha nya ang kamay ni Kath at kunwa'y hinila ito. 'Pabantayan na lang muna natin dito si Danilo.'

'Karga.' Paglalambing ni Kathryn.

'Ha?' Hindi naman mapigilan ni DJ ang mapangisi.

'Kargahin mo ko.'

'Seryoso ba tayo dyan, Ba?'

Kath nodded, pouting.

'Ka-cute oy! Piggy back na lang? Pwede?'

Kath tilted her head as if thinking.

'Sige.'

'Ang sarap lamukusin ng mukha mo Ba.' DJ laughed as Kath climbed on his back. 'Ang cute mo e.'

'DJ.' Bulong ni Kath habang nakakapit sa balikat ng asawa.

'Hhmm?'

Hindi napigilan ni Daniel na magulat ng biglang hinalikan ni Kathryn ang leeg nya. Dahilan upang malaglag ito sa sahig.

'Aray!' Kath whimpered as she massaged her butt.

'Kasi naman Ba! Alam mo naman na...'

'Anong nangyayari dito?' Tila alarmadong tanong ni Min sa mag-asawa nang madatnan ang dalawa.

'Ma! Nihulog ako ni DJ!' Kath whimpered.

'Mama Min! Kasi, yung leeg ko po...' DJ tried to explain.

'Dyos ko! Akala namin kung ano na namang nangyayari sa inyo! Nagkukulitan na naman pala kayo! Hala! Tayo na dyan Kath! Para kayong bata!'

Umirap muna si Kath kay DJ pagkatapos nitong tumayo.

'Ba, sorry.' Agad namang lumapit si DJ sa asawa. Nag-aaalala ang mukha nito. 'May masakit ba?'

'Lapit ka..'

'Ha?'

Inilapit ni DJ ang mukha kay Kathryn at nagulat na naman sya nang kurutin ni Kath ang mga pisngi nya. Dali-dali itong tumakbo pababa pagkatapos.

'Kathryn! Baka madapa ka!' Sabay na sabi nina Min at DJ.

***********

Masusing pinagmamasdan ni Daniel si Kathryn habang magana itong kumakain. Pangalawang mangkok na ng bagoong rice ang nauubos niya at tila gusto pa nito. Nangunot naman ang noo ni Kath nang mapansin ang mga titig sa kanya ng asawa.

'Baket?'

'May kanin ka dito.' Tinuro ni DJ ang baba niya.

Kinapa naman ni Kath ang sariling baba at kinurot ang mumu ng kanin na tinutukoy ni DJ. Isinubo nya to pagkatapos.

'Yuck Ba! Table manners!' Reklamo ni DJ.

'Maka-yuck? Ikaw nga yung mga briefs mo iniiwan mong nakakalat dun sa floor ng CR! Take note, Ma! Naka-roll pa! O sinong mas kadiri sa amin?' Pagsusumbong ni Kathryn sa ina. 'Tapos, one time, yung jeans mo! Halos tumayo na mag-isa nung tinanggal mo! Ilang araw mo na ba yun inulit ulit?'

'Sumbungera.' And DJ stuck his tongue out.

'O e di umamin ka rin.'

'Kathryn...' Min reprimanded her daughter.

Maya maya pa ay nakarinig na sila ng iyak ng isang batang papalapit na sa kanila.

'Ma'am Kathryn, ayaw pong tumigil. Tata daw po.' Sabi ng kasambahay na binilinan nilang magbantay kay Danilo.

'O, Tata daw.' Kath elbowed DJ as she continued eating.

Tumayo si DJ mula sa upuan para kunin si Danilo. The kid stopped crying at once.

'Gutom na ba si Pogi?' DJ cooed. 'Kakain na ba si Pogi?'

'Tata...' Yumakap lang ito kay DJ.

'Oo. Oo. Tatay. Dito lang sa tabi ni Pogi si Tatay.'

Their attention were caught upon hearing the clanging of the utensils on chinaware.

'Tapos na po akong kumain.' Kath said as she stood up, leaving them with their mouths agape.

*********

****AUTHOR'S NOTE***

Mukhang meron si Nanay a. 😂

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Where stories live. Discover now