"Pati ang sukat ng asukal. Pambihira," bulong niya.
Sa pagkakataong iyon ay natatawa na siya. May pagkamangha sa kanyang mga mata nang muli niyang tingnan si Diana. Nakikita sa kanyang balikat ang asul na ilaw sa loob ng kanyang balat dahil nakasuot lamang ito ng sandong itim. Itim rin ang kanyang pantalon na suot at siya'y nakayapak. Nakapusod naman ang kanyang mahabang buhok sa kanyang likuran. Napansin naman ni Eric ang nakapagandang hubog ng balakang ng prototype. Sakto namang nagsalin na si Diana ng chicken curry sa isang plato. Napansin niya ang kakaibang tingin ni Eric sa kanya.
"May problema ba?" tanong niya.
"Ahmm! Wala! Wala," sagot ni Eric. Namula ang kanyang pisngi at tumingin sa iba pang parte ng kusina.
"What were you thinking Eric?" bulong niya na lamang. Narinig naman niya ang pagngisi ni Diana.
"Bakit?" tanong ni Eric.
"Bumibilis ang pagtibok ng puso mo pero bumababa ang temperatura mo. may problema ba?"
"Binabasa mo na naman ang vital signs ko. Pwede bang bawasan mo 'yan?" sambit ni Eric. Napapangisi pa rin si Diana habang hinahanda ang pagkain.
"I mean it. Hindi na namin maco-control ang brain activities mo sa pamamagitan ng codes. Nasa isang test ka ngayon. Gusto naming malaman kung magre-respond ka through words. And I built you that way, Diana. Comprehensive," paliwanag ni Eric. Sa pagkakataong iyon ay naghahalo na siya ng kanyang kape. Lumagok siya ng kaunti at muling tumingin kay Diana.
"Masusunod po," sagot naman ni Diana habang yumuyuko nang bahagya.
"Thank you Diana."
Kinuha ni Diana ang pagkain, inumin at ang kanin at inilagay iyon sa isang pilak na tray. Ihinanda niya iyon sa harap ni Eric. Inayos pa niya ang mga kutsara, tinidor at kutsilyo sa gilid nito. Sa bawat galaw ni Diana ay naaalala niya ang pag-aasikaso ng kanyang namayapang asawa noong buhay pa. Napabuntong hininga na lamang si Eric ngunit sinubukang ngumiti nang tingnan siya ni Diana. Umupo naman sa kabilang dulo ng mesa si Diana sa kanyang harapan at hinihintay ang kung ano mang gagawin ni Eric.
"Hmm. Okay. Titikman ko na ah?" pagpapaalam ni Eric. Ngumiti naman si Diana at naghintay ng kanyang magiging reaksyon.
Kumuha si Eric ng manok at hiniwa iyon, sinabawan niya iyon ng sarsa at saka tinikman. Dahan-dahang nginuya ni Eric ang ulam na iyon. Pumikit pa siya na tila may inaalala.
"Ang sarap...ito 'yon eh," sambit niya. Matamlay ang kanyang boses at ang kanyang mukha ngunit kumuha pa siya ulit at kumain.
"Uhmm! Ito nga. Nakuha mo nga," wika niya. Matapos noon ay agad siyang nanamlay.
"B-bakit parang hindi ka natutuwa?" tanong ni Diana.
"H-hindi! Hindi sa gano'n. I mean...masarap nga talaga siya. Pero, alam mo namang asawa ko lang ang nagluluto nito 'di ba?" sagot ni Eric. Tila lalong mas naguluhan si Diana.
YOU ARE READING
D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)
Science FictionMatapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kan...
Chapter 10: Memories
Start from the beginning
