Nakaramdam naman ng pagsisisi si Eric at napailing.
"Shit..." sambit niya.
Napatingin siya sa paligid. May kakaiba sa kanyang kwarto. Ang mga librong nagkalat ay nakaayos na, ang mga damit na nakakalat sa sahig ay nakaayos sa kanyang lalagyan. Maging ang mga bote ng beer ay wala na. Ang mga kahon ng pizza ay wala na rin. Malinis ang lahat, walang alikabok, walang dumi.
Dahan-dahan siyang tumayo at namangha sa ayos ng kanyang kwarto. Ang isang picture frame nila ng kanyang asawa ay nakaayos sa kanyang maliit na mesa. Malinis rin ang mga bintana at ang mga kurtina ay napalitan. Mula sa kulay itim ay napalitan iyon ng kulay dilaw.
________________________
Maayos na ang suot ni Eric nang bumaba siya sa hagdan ng kanyang bahay. Nag-iba ang ayos ng lahat, ang sofa ay natakpan na ng kulay asul na tela. Ang mesa ay malinis, nasa ayos ang lahat, walang makikitang kalat. Hindi gaya nang gabing umuwi sila sa kanyang bahay.
"My God..." bulong niya. Sa loob-loob niya ay natutuwa siya ngunit naaalala niya ang ayos na iyon. Ang orihinal na ayos ng kanyang bahay noong nabubuhay pa ang kanyang asawa.
"Okay. Mukhang nakuha niya pati ang dating routine ko...noong maayos pa ang lahat. Pero hindi dapat ganito," natutuwang naiinis na sambit ni Eric.
"Diana?" tawag niya. May kung anong ingay sa kusina kaya't dali-dali siyang nagtungo roon.
Sa kusina ay sumilip siya at nakita niyang abala sa pagluluto si Diana. Mabango ang hangin sa loob at natatakam namang inamoy ni Eric ang niluluto nito.
"Chicken curry?" bulong niya.
Mabilis kung kumilos si Diana. Naghihiwa siya ng ilan pang rekado at hinahalo ang kanyang niluluto.
"Ahhmm. Pasensiya na kung ginalaw ko na ang kusina," sambit ni Diana.
Tumigil siya sa kanyang ginagawa at muling kinusot ang magkabila niyang palad. Dahan-dahan namang lumapit si Eric at siniyasat ang niluluto ng prototype.
"Red curry? Pati ba 'yan kinuha mo?" tanong ni Eric.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Ang recipe na 'yan. Si Kristina lang ang nakakagawa niyan," paliwanag ni Eric. Napakunot ang kanyang noo at napapaiwas ng tingin.
"Nag-search lang ako sa routine mo...at sa mga paborito mong pagkain. K-kaya ko 'yan niluto. 'Yan kasi ang nakita ko. May mali ba ulit?" tanong ni Diana.
"Hmm. Wala. Na-miss ko rin ang lutong 'yan," wika ni Eric. Dahan-dahan siyang tumingin kay Diana at ngumiti ngunit pilit. Nagningning naman ang mga mata ni Diana at huminga nang malalim.
"Hehe. Sige...matatapos na ito. Pinapalambot ko na lang ang karne. Kung guto mo magkape ka muna. Baka lumamig na kasi," wika ni Diana. Nagpatuloy siya sa pagluluto. Si Eric naman ay dahan-dahang lumapit sa mesa. Naroon ang dalawang cubes ng asukal na nakapatong sa platito. Kulay itim naman ang kanyang kape.
YOU ARE READING
D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)
Science FictionMatapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kan...
Chapter 10: Memories
Start from the beginning
