Chapter Five

8.5K 115 2
                                    

Desery POV

Halos 6 hours rin akong nasa loob ng Operating room. Sa kasamaang palad yung isang baby lang ang naligtas namin. Yung lalaki at magulang ni SkyDark Berlin ay nagiiyakan. Napapaluha nalang ako.

Ginawa na namin lahat. Sadyang hindi na namin nailigtas yung dalawa. Bumigay ang katawan niya. Habang yung baby patay pagkalabas namin. Nakakaawa. Nakakalungkot na may namatay na bata.

May lumandas na luha sa mga mata ko. Hindi ko na mapigilan. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

Lumapit ako dun sa lalaki. Siya si Zach Xavier Sanchez. Ang ama ng bata. Ang kasintahan ng dalaga. At ang nagmamahal ng tunay. Alam ko na ang kwento nila.

"Ang sama ko. Kung hindi ko sana siya iniwan sana buhay pa siya ngayon. Sana buhay ang anak kong isa. Kung alam ko lang kalagayan niya. Hindi ko sana pinagbigyan ang hiling niya. Alam ko na may sakit siya sa puso pero hindi ko inaasahan na may Brain Cancer siya. At hindi ko alam na magkaka-anak na kami. Edi dapat masaya na kami ngayon.  Ang gago ko. Ang tanga ko. Ang sama ko." Naiyak siya. Bihira lang akong makakita ng lalaking naluha. Alam kong mahal na mahal niya talaga si SkyDark.

SkyDark sana nakikita mo siya ngayon. Masyado siyang nasasaktan ngayon. Sana nakasama mo pa siya ng matagal kung sakaling hindi mo siya naitaboy. Sana masaya ka ngayong lumisan.

"Sige na tumahan ka na dyan. Magagalit siya pagumiiya ka. Alagaan mo nalang ang natira niya sa iyo. Alagaan mo at palakihin ng mabuti ang anak niyo. Mananatili lang siya sa puso mo. At babantayan niya kayo." Sabi ko habang nakangiti. Ngumiti narin naman siya.

"Maraming salamat Desery. Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka na. Anim na oras ka rin dun sa OR. Wag ka magalala. Aalagaan ko ang anak ko. Maraming salamat." Tumango ako at naglakad na papaalis. Nanatili lang siya doon.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa hallway. It 6 pm.

Pumasok na ako sa opisina. Napakunot ang noo ko ng may makita akong paa sa kama. Sino naman yun? Panglalaki yung paa eh na mukhang pambabae. Wait kilala ko kung kaninong paa yan.
Paghawi ko sa kurtina. Nakita ko si Leon. Parang tuta na natutulog. Sobrang amo ng mukha. Aakalain mo na lalaki siya. 

"Hey Leon. Gising na." Inalog ko siya. Pero hindi siya magising. Mukhang pagod na pagod siya. Napabugtong hininga nalang ako.

Buti nalang at nasa tabi siya. Makakahiga ako. Ang hospital bed ay naging room bed na. Parang wala namang pinagkaiba yun.

Humiga na ako sa tabi niya. Antok na Antok ako. Niyakap ko siya bago ko ipikit ang mga mata ko. Nakatulog na ako.


MAY umaalog sa akin. At sagabal siya sa tulog ko kainis.

"Ryry gising na diyan. Malalim na ang gabi. Ryry 9 na. Hindi ka pa nakain." Boses yun ni Leon. Napaungol ako. Anong ginagawa ni Leon dito?

Ayy oo nga pala. Katabi ko siya matulog. Teka anong oras na daw? Sabi niya 9. The hell pupunta pa pala ako sa bar na pinagtratrabahuan ni Cherry. Hayss.

Bumangon na ako. Nakita ko si Leon na nakatingin sa akin.

"Good evening Honeypie. Wala na masyadong tao dito sa hospital. Bumangon ka na diyan. Kakain na tayo." Magiliw niyang sabi sabay taas ng jollibee na pagkain. Nanubig bigla ang bagang ko. Gutom na ako. Gutom na gutom na ako.

"Akin yan lahat?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin.

"Oo naman alam ko naman na matakaw ka eh. Sige kain lang." Binigay niya sa akin ang food. Agad ko naman itong nilabas sa balot ang jollibee. Nilantakan ko na agad pagkain. So sawap naman.

Kain lang ako ng kain. Uwahh sarap talaga. Nawala sa isip ko na may namatay na bata sa kamay ko.

Naubos ko na yung kinain ko. Tiningnan ko ang oras. Saktong 10 o'clock. Uminom agad ako ng coke. Kailangan ko na umalis. Baka mabatukan ako ni Cherry. Hayss. Masakit pa naman yun mangbatok.

Tiningnan ko si Leon na nakain parin.

"Leon alis na ako. May pupuntahan ako. Importante. Ilock mo tong office ha. Bye." Magsasalita pa sana siya pero tumakbo na ako palabas.

Ayoko malaman kong niya kung saan ako pupunta. Siguradong susunod yun. Kaya nga nagmamadali ako eh. Nagelevator na ako.

Nakarating na ako sa parking lot. Sumakay agad ako sa kotse. Pinaharurot ko ito paalis. Late na ako. Patay ako kay Cherrypie. Lagot ako.





Nakarating na ako sa bar. Pagpasok na pagpasok ko sumalubong ang amoy ng mga vape ,alak at sigarilyo. Ang amoy ng arouse at sex. The hell. I miss bars. Shit.

Nakita ko si Cherrypie na nagbabartending. Wow ang galing niya kahit hindi siya nagaaral ng bartending. Natural talent na niya ata yun.

"Yow Cherrypie." Bati ko sa kaniya pagkalapit na pagkalapit ko palang. Napatingin naman siya sa akin.

"Hello Deserytot. Inom ka. Kanina pa kita hinihintay."  Sinalinan niya agad ko ng inumin. Ininum ko na agad. I really miss you liquor. I miss the feeling of it sliding in my throat.

"Isa pa Cherrypie." Sinalinan niya agad ako. Habang natawa pa. Tsk baliw na cherrypie.

"Namiss ko talaga ang bar, Deserytot. Biruin mo yun. Dati araw na araw ka nasa loob ng bar. Ngayon himala 3 days kang wala sa bar. What a miracle." Natawa naman ako habang ininom ang isang shot. Malakas ang liquor tolerance ko. Kaya hindi ako madaling malasing. Makakarami ako ngayon.

"Ganon talaga. Busy sa hospital. Nagbakasyon nanaman ang magaling kong kapatid." Sabi ko. Natawa naman siya. Nagserve siya sa iba pang costumer.

"Hindi na ako nagtaka. Lagi naman na nasa bakasyon yang kapatid mo eh. Papasok ng ilang buwam then magbabakasyon ulit. Sino ba talaga panganay sa inyo?" Natatawa niyang sabi. Natawa naman ako. Isang dakilang tamad si Vincky. Kaya nga nasanay na ako.

"Sanay sanayan lang yan.Ganyan talaga siya eh. Give me another shot." Binigyan naman niya ako agad. Nilagok ko naman.



Nakakarami na ako. Nahihilo narin ako. Shit.

"Lasing ka na. Hindi mo naman sinabi na magbabar ka. Hayss. Sana nasamahan kita." Narinig ko ang isang boses na alam ko kung kaninong kanino yun.

"Pano mo nalaman na nandito ako?" Lasing na sabi ko. Nakarinig ako nga mahinang tawa.

"GPS honeypie. Hmmm." Hinalikan niya ang leeg ko. Napahalinghing ako.

The Gay's Sex buddyWhere stories live. Discover now