Part 2: WEDDING DAY.

14 1 0
                                    

GAB'S POV

"Ang swerte niyo naman po sa boyfriend niyo madam." Komento ni ate Sheenalyn na make up artist ko.

"Ano ka ba hindi na niya boyfriend, asawa na niya yun no. Ilang oras nalang ikakasal na sila." Komento naman ng aking hairstylist ko na si Rebecca.

Napangiti nalang ako sa sinabi nila dahil sa tuwa nang marinig ko ang salitang asawa.

Ang sarap sa pakiramdam na yung pinapangarap mo lang noon ay makakamit mo na ngayon.

Bigla naman akong nalungkot ng naisip ko bigla ang sinabi ng ex boyfriend ko noon na wala ng ibang magkakagusto sa akin at tatanda nalang akong dalaga kapag iniwan ko sya.

"Ay sis, bakit ka umiiyak? Araw mo ito diba dapat masaya ka?" Ang sabi ni ate Sheenalyn.

Bigla naman akong napatingin sa salamin at totoo ngang umiiyak ako.

"Baka tears of joy bakla. Syempre ikaw ba naman na maikasal sa napaka gwapong nilalang hindi ka ba naman maiiyak sa tuwa. Diba?" Ang sabi naman ni Rebecca habang nakatitig sa'akin.

"Oo, tears of joy nga ito. Pasensya na ate Sheena. Nagulo ko pa ata ang make up ko dahil sa pag iyak ko." Nahihiyang sabi ko sakanya.

Ngayon napatunayan ko na sa ex ko na mali siya.

Kahit ano pa man ang nakaraan mo, meron parin tatanggap sayo.

Meron parin mag mamahal sayo ng totoo na walang hinihiling na ano mang kapalit.

At yun ay si Jeremy. At laking pasasalamat ko sakanya dahil tinanggap niya ko ng buo kahit na may nakaraan akong hindi katanggap tanggap.

"Osya bakla tama na yang pag iyak mo. Baka mag mukha kang zombie sa kasal mo." Pagpapatahan sakin ni ate Sheena.

Dahan dahan ko naman pinunasan ng tissue ang aking pisngi para hindi masira ang make up ko.

"Ayan tapos na tayo. Pwede na tayong pumunta sa Munisipyo at kanina pa naghihintay doon si prince charming." Dagdag pa nito sakanyang sinabi.

Dali dali na nga kaming tumayo para lumabas ng kwarto.

Pagkalabas namin ng pinto ay bumungad sa akin sina papa at ang mga pinsan ko na nakagayak na din.

Simple lang naman ang gayak nila, naka dress lang ang mga babae at polo naman sa mga lalaki.

Malaking ngiti ang ibinungad agad sakin ni papa.

"Napakaganda naman ng baby ko." Nakangiti nitong sabi.

"Ano ka ba tito, hindi na po baby si Gab no. Ikakasal na nga po siya ngayon eh." Natatawang sabi naman ng pinsan kong si ate Stephanie.

"Kahit na tumanda pa siya at umabot na ng 60 years old baby ko parin siya." Nakangiting sabi ni papa.

"Papa naman napaka tanda naman na non." Natatawang sabi ko.

Nagtawanan lang naman kaming lahat bago umalis ng bahay.

Pagkadating namin sa Munisipyo ay napaka daming tao ang bumungad sa amin.

May kasama pala kaming ikakasal din sa araw na to.

Natanaw naman ng aking mata ang isang napaka gwapong nilalang na nakangiti agad sa akin.

Siguro kung nakakatunaw lang ang tingin nito kanina pa ko tunaw sa kinatatayuan ko.

Lumapit naman kami kung saan sila nakatayo.

"Wow Gab hindi kita nakilala ah." Namamanghang sabi ni Kuya Anton kapatid ni Jeremy.

"Nambobola ka pa kuya eh." Natatawa kong sabi sakanya at sabay beso sakanilang lahat.

Oo nga pala. Wala nga pala ang mga magulang ni Jeremy ngayon dahil nasa Canada sila pareho.

Gustuhin man nilang umuwi pero hindi pwede sa kadahilanang may trabaho silang pareho.

Ganun din ang mama ko. Nasa ibang bansa din siya at hindi din siya makakadalo sa araw na ito.

Nakakalungkot man ngunit naiintindihan din namin. Kailangan nilang kumayod para sa pamilya.

Iisipin ko nalang na nandito sila.

"Tara na? Mag uumpisa na daw in 5 minutes" nakangiting sabi ni Jeremy.

Naglakad na kami papunta sa second floor ng gusali dahil doon gaganapin ang kasal.

Pagkadating namin sa second floor nandito na din ang kasama namin na ikakasal din.

Puno ng tawanan at kwentuhan ang kwarto na ito habang hinihintay namin si Mayor.

Pagkalipas ng 5 minuto dumating na din si Mayor.

Nakangiti niya kaming sinalubong.

"Tumayo po tayong lahat at tayo muna'y mananalangin sa pangunguna ni Ms. Gomez bago natin umpisahan ang kasalang ito." Ani nito.

At tumayo na nga kami at sinimulan na ni Ms Gomez ang panalangin.

"You may now kiss the bride." Napangiti ako sa sinabi ni Mayor Dizon.

Humarap naman sakin si Jeremy na may ngiti sa kanyang labi habang ako naman ay nahihiya.

Ang dami kasing tao hindi kasi ako sanay sa PDA hahaha.

"O bakit ka nahihiya mahal?" Pagtukso nito sa'akin.

"Ang dami kayang tao mahal." Nahihiyang sabi ko sakanya.

"Hayaan mo sila mahal kasal natin to diba? Kiss mo na ko dali." Patawang sabi ni Jeremy.

Dahan dahan ko na ngang inalapit sakanya ang aking mukha takda na hahalikan ko na siya sa labi.

Ganon din ang kanyang ginawa at unti unti na ngang lumapat ang labi niya sa labi ko.

"Oh bakit ka namumula mahal?" Natatawang sabi ni Jeremy.

Bigla ko naman hinawakan ang pisngi ko at bigla nalang akong pinagpawisan.

Tinawanan lang ako ng loko.

"Congrats to both of you." Masayang pagbati ni Mayor Dizon sabay nakipag shake hands ito sa amin.

Masaya naman naming inabot din ang aming kamay upang pagbibigay ng galang sakanya.

"Maraming salamat po mayor." Nakangiting wika namin.

"Walang anuman. Osya mauna na ako at madami pa akong aasikasuhin sa opisina. Naway tandaan niyo ang mga sinabi ko sainyo kanina. At maging maligaya nawa ang pagsasama ninyo."

"At kung may problema man ay pag usapan niyong dalawa. Magmahalan nawa kayo hanggang sa dulo." Masayang wika ni Mayor Dizon sa amin

"Maraming salamat po mayor." Pasasalamat naming mag asawa.

Nag picture picture lang kami pagka alis ni Mayor Dizon at papunta na din kami sa reception upang kumain na.

----------------TO BE CONTINUE-----------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LIFE OF BEING A WIFE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon