"Okay. I'll wait for you here sa labas ng kuwarto mo" sabi ko at lumabas ng kuwarto niya.

"Hoy. Lika na. Teka nahihilo ako" sabi niya. Umiling ako at binuhat ko siya nang pa bridal style at bumaba na. Wala naman siyang reklamo at hindi naman siya naglilikot kaya madali kaming nakababa.

Tulad ng inaasahan, nakatanggap kami ng panunukso sa mga kaibigan namin lalo na kay Viceral na kakarating lang yata.

"Kayo ha. May balikan na yatang naganap e" pang-aasar ni Jaya.

"Gaga. Nahihilo kasi ako. Ibaba mo na nga ako dito" sabi ni Regine. Ibinaba ko naman siya at inupo sa sofa.

"Kanina ko lang nalaman na may past pala itong dalawang 'to. Kalerki" sabi naman ni Viceral.

"Lei, akala ko ba kasama mo jowers mo?" tanong ko kay Lea.

"Ah si Aga? Hayaan mo yun" tatawa-tawang sagot niya.

"LQ nanaman ba kayo? Napapadalas yan ha. Ayusin niyo yan nako" sabi sa kaniya ni Sharon

"Oo nga. Makinig sa nakatatanda. Makinig sa madaming experience sa pag-ibig" pang-aasar ko. Hinampas naman ako ni Sharon at tumawa silang lahat maliban kay Regine na nakangiti lang.

"Reg, are you okay? May gusto ka ba? Ah teka magluto muna ako para makakain ka na at makainom ka na ng gamot mo" nag-aalalang sabi ko at tumakbo papunta sa kusina.

I want her back. Pero.. Paano? Mahal ko pa rin siya kaya lang, parang wala naman na siyang nararamdaman para sa'kin.




Regina's POV

"Reg, are you okay? May gusto ka ba? Ah teka magluto muna ako para makakain ka na at makainon ka na ng gamot mo" halata sa mukha ni Ogie ang pag-aalala sa kalagayan ko ngayon. Agad siyang tumakbo sa kusina at napangiti naman ako sa iniasal niya.

"Kilig na kilig! Hindi naman siya mahal. Inaalagaan ka lang niya pero hindi ka niya mahal. Boplaks. Asa pa, Regina" pang-aasar ni Jaya. Tinignan ko siya ng masama at nagsalita.

"Tigil-tigilan mo ako Maria Luisa at baka itapon kita sa ilog. At puwede ba? Itikom mo 'yang bibig mo ha?" pagsusungit ko. Nakita ko ang pag-irap niya at bumulong pa.

"May sakit na nga sungit pa din" bulong niya sa tatlo. Bubulong nalang rinig na rinig pa. Minsan aangats angats din mga kaibigan ko e.

"Bubulong nalang yung maririnig pa. Tanga" pang-aasar ko. Humarap siya sa'kin at sinamaan ako ng tingin.

"Walang jowa" pang-aasar niya

"Walang ka din namang jowa" pang-aasar ko naman.

"Walang kilay!" sigaw pa niya. Gago 'to ah.

"Maitim!" pang-aasar ko. Magsasalita pa sana siya nang bigla naman itong siningitan ni Lea.

"You two are so loquacious!" sigaw ni Lea kaya napatahimik kami.

"Ha? Ano daw?" tanong ko kay Viceral.

"Delicious daw kayong dalawa" biro ni Viceral kaya nagtawanan kami.

"Loquiacous. Talkative. Noisy. Be quiet nga" pagsusungit pa ni Lea.
"Puwede naman kasing sabihin nalang na 'ang iingay ninyo!' Di yung may pa loqua-loquacious ka pang nalalaman diyan. Tsaka bakit ang sungit mo? Kung nag-away kayo ng Aga mo wag mo kami dinadamay ha? Masaya ang lablayp namin dito. Yung isa diyan walang lablayp pero masaya kasi may kalandian. Di ko sinasabing si Regine 'to ha? Pero parang ganun na nga" sambit ni Ate Sharon.

"Wow haba naman ng talumpati mo te" pang-aasar ni Viceral sa kaniya. Nagsitawanan sila maliban sa'kin na hindi makatawa dahil masakit ang ulo.
"Reg, kain ka muna para makainom ka na ng gamot mo" sabi ni Ogie na mayroong dalang tray na may pagkain at tubig.

"Kami walking puds?" tanong ni Viceral. Tinabihan ako ni Ogie at sinimulan akong subuan.

"Kuha nalang kayo sa kusina. Madami naman akong niluto" sagot sa kaniya ni Ogie. Kinuha ko ang kutsara sa kaniya at kumain.

"Ay akala ko pa naman kukuhanan mo kami. Iba talaga kapag si Regine. Nagiging gentleman si Ogie tsk" sambit naman ni Jaya.

"Kumain ka muna doon. Tawagan mo na din sila mama" bulong ko naman kay Ogie.

"Busog na ako. Tsaka madami daw silang kliyente ngayon. Sabay-sabay. Pumunta na nga doon sila mama at ate dahil ang dami daw talaga" sagot naman niya.

"Pumunta tayo doon. Tulungan natin sila. Sigeee na!" pangungulit ko.

"Regine, hindi puwede" seryosong sagot niya.

"Please?" sabi ko pa at ngumuso.

"Regina, no" seryosong sabi niya pero this time nakatingin kami ng deretso sa mata ng isa't isa.

"I want to go there" sabi ko pa at iniwas ang tingin

"Regina Encarnacion, I said, no" seryosong sabi pa niya

"But.." Nawawalan na ako ng isasagot ha.

"No buts. We'll stay here" aray ko po.

"Hoy! Tama na landian" sigaw ni Ate Sharon.

"Hindi naman kami naglalandian ah? Matigas kasi ang ulo kaya nagkakasakit e" pagsusungit ni Ogie at tumayo.

"Hoy. Saan ka pupunta? Akala ko ba we'll stay here lang? Iiwan mo nanaman ako?" malungkot na sabi ko at sumandal.

"Ang OA? Naiihi lang ako. Hindi na kita iiwan" sabi niya at kinindatan pa ako bago magpunta sa CR. Ok wala na akong sakit.

"Naks. Oh ayan na! Alam mo na kung ano pakiramdam ng inlove ha? 'Wag mo na ako matanong tanong ulit diyan" biro ni Viceral. Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang ako.

Am I still inlove with him? Am I falling inlove with him..again?

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now