Regina's POV
"Second chance for another heartbreak?" sabi ni Jaya.
"Wake up, Regine! May boyfriend ka na! Mahal ka ng boyfriend mo" sabi naman ni Lea
"Pero hindi ko siya mahal" halos ibulong ko nalang ang sagot ko dahil ayaw kong mabatukan ng dalawang mabibigat ang kamay
"Aray ko!" reklamo ko matapos nila akong batukan dalawa.
"Ikaw lang talaga ang nag-iisang kaibigan namin na tanga, ano?" sarkastikang ani Lea.
"Si Viceral din" biro ko.
"Dati lang yun! Damay mo pa ako" sabi niya at tumawa ng mahina.
"Eh basta wag ka ng tatanga-tanga. Nagsinungaling na siya sa'yo noon, hindi malabong gawin niya ulit sa'yo yun ngayon. Once a cheater, always a cheater" sabi ni Lea. Pero syempre, hindi ako nagpatinag at lumaban pa din ako.
"Eh kaysa naman mag-stay ako sa taong hindi ko naman mahal. Ang unfair--"
"Tanga ka pala e. Alam mo naman palang unfair bakit sinagot mo pa yung tao?! Makauwi na nga. Mag-usap nalang tayo bukas" sabi ni Lea at lumabas ng kuwarto ko.
"Ayan kasi. Bakit naman kasi sinagot mo pa eh mahal mo pa pala yung isa. Kalerkibels ka te ha? Sige see you tomorrow nalang!" sabi ni Viceral at humalik sa pisngi ko bago lumabas.
"Basta ako team shrek pa din ako" sabi ni Jaya at tumawa.
ВИ ЧИТАЄТЕ
The Man in My Dreams [COMPLETED]
РізнеPaano kung ang isang panaginip ay naging totoo? Kagaya nalang ni Regina na nagkaroon ng isang pambihirang panaginip at hindi niya inaasahang mangyayari ito sa totoong buhay. Paano ito nangyari? Paano niya nakilala ang taong nakasama niya sa panagi...