"Ano ba?!" Bigla niyang hinila ang braso niya, kaya napatingin ako sa kanya. Nasa likuran ko kasi siya, ganoong na lang ang pagkagulat ko ng mapansin ang mapula niyang braso.

"Ano ba ang problema mo?" Hindi ako makasagot sa tanong niya, nakatingin lang ako sa braso niya na namumula, bumakat din ang hugis ng kamay ko kaya nagiguilty ako. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin, pero ang gusto ko lang naman ay ang makausap siya in private.

"Kung may problema ka pwede mo namang sabihin!" Umalis siya sa harapan ko at tatakbong tinahak ang hagdan pababa. Hindi ko alam kung naiyak ba siya, pero ramdam kong galit siya sa akin.

.

.

.

.

.

"Ahm, Ma'am Jane kayo na lang po ang hinihintay sa event." Napatingin ako kay Caren, imbes na tumugon sa sinabi niya ay inirapan ko na lang siya. Wala ako sa mood makipag usap sa producer ngayon lalo na at mainit ang ulo ko.

"Ma'am Jane.....

Tumingin ako ng diretso kay Caren, na ikinatigil naman ng sasabihin niya. 

"Sige po." Umalis na siya at iniwan ako sa isang table kung saan ito yung kinauupuan ko kanina, hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang inaasal ko. 

Nagkaganito ako magmula ng marinig ko ang usapan nina Kai at Racel kagabi, nagseselos ako dahil ganoon na lang ang ngiti ni Kai nung nakausap niya si Racel. Ngiting mahirap makita sa kanyang mga labi, lalo na noong una ko pa lang siya nakikilala. Alam ko naman na nililigawan siya ni Racel, pero bakit yung mga pag amin ko sa kanya hindi niya pinapansin. 

Bakit palagi siyang walang sinasabi after kong umamin. Diba sinabi naman niya sayo na pwede naman niyang subukan, dahil wala namang mawawala sa kanya, diba? Tsaka don't worry di ka matitiis niyan. Napabuntong hininga na lang ako, kasi imbes na makisakay sa akin ang isip ko kinakampihan pa ang Kai na iyon. 

Isinubsob ko na lang ang ulo ko sa table, medyo nagugutom na ako, burger lang kasi ang kinain ko magmula kaninang umaga. Maya maya pa ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang nakaalala sa akin, pero pinatay ko na din agad iyon ng mabasa ang text ni Trisha. Mabuti na lang at hanggang ngayon hindi pa rin makasagap ng signal ang phone ni Kai, hay bakit ba napakaselfish ko? Oo nga pansin ko yan, isipin mo naman ang feelings ng iba. Tutya ng isip ko. E paano naman ang feelings ko, hindi naman ako selfish kasi mas iniisip ko nga ang iba kaysa sa akin. Sagot ko sa sinabi ng isip ko. Di ka sure, tanungin mo kaya muna ang iba or kahit si Kai, ewan ko lang sayo baka mas maiyamot ka. Napairap na lang ako sa sagot ng isip ko, heto na naman ako kinakausap ang isip ko gamit ang isip hay para na akong may saltik sa lagay ko ngayon.

"Hey." Napatunghay ako ng ulo ng marinig ang boses na iyon. Nakatayo siya sa may pintuan at nakangiti. Siguro ayos na sila ni Emily, and for sure nagkausap na sila ng maayos. Buti pa silang dalawa nagkausap na ng ayos, hays.

"Thank you." Ngumiti siya at lumapit sa akin, umupo siya sa harapan ng table.

"Aren't you going to join us?" Tanong niya, for sure siya ang pinakikiusap ni Caren para mapapunta ako sa event. 

"Sorry, I can't. Please I want to be alone." Sagot ko sa tanong niya, napansin kong napakunot ang noo niya, kanina ako ang nag aadvise sa kanya tungkol sa kanila ni Emily ngayon naman ganito ako at hindi ina apply ang mga salitang binitawan ko kanina.

"Jane."

"Please, I want to be alone." Muli kong isinubsob ang ulo ko, ang bastos ng pakikitungo ko sa lagay na iyon kasi kinakausap pa ako ni Naomi ay tumungo na agad ako. Narinig kong umusad ang upuan na kinauupuan niya, paalis na siguro siya kaya ipinikit ko na lang ang mata ko.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now