Ang Tunay na Bayani

26 3 0
                                    

Isa?dalawa?lima?sampu?labing-isa?
Ilan na nga ba? Ilang taon na nga ba ang lumipas mula ng simulan natin ang isang yugto na kasama sila?
Ilang taon pa ba ang patuloy na lilipas ang kayang igugol nila?
Marahil ay wala.
Walang hangganan.
Maliban na lang kung hindi na kaya ng kanilang katawan.
Ngunit, sumuko man ang katawan,
Hindi ang puso't isipan
Sapagkat ang puso't isipan nila'y naiwan.
Naiwan sa atin kung saan buong buhay nilang ginabayan.

Naalala niyo pa ba?
Noong tayo'y mga bata pa?
Nasa edad pagitan ng apat at lima?
'Yung tipong puro laro pa ang nasa isipan?
'Yung tipong punong- puno pa tayo ng kalokohan at kakulitan?
At sa mga panahong iyan?
Sino nga ba ang nariyan?
Walang iba kundi ang ating pangalawang magulang.
Silang mga taong hindi nagsawa na tayo ay pangaralan bagkus pa nga ay pinagtiyagaan para lamang tayo ay maturuan at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Isa-isa at paulit-ulit hanggang sa maintindihan.

At ang kaalaman nga ay patuloy pang nadagdagan habang ang panahon din ay nagdaraan.
Hanggang sa magkaroon ng pangarap.
Pangarap na siyang nais nating makamit sa hinaharap.
At sino nga ba ang siyang tumulong, tumutulong at tutulong upang maabot ang pangarap na ito?
Walang iba kundi sila rin na nagturo kung paano mangarap nang galing sa puso.
Sila na nagpanatiling bukas sa mga pumipikit na mga mata sa tuwing nasa apat na sulok ng isang silid kung saan magsulat, sumagot, umintindi, magabasa at iba pa ang paulit-ulit na ginagawa.
Silang mga taong humubog ng kaisipan at nagtuwid sa baluktot na daan.
Na tulad ng isang magulang ay kabutihan ang siyang nais makamtan ng bawat sangkatauhan.

Marami ang bumalik.
Ngunit mas marami ang lumimot.
Ang iba pa nga'y hindi na muli pang lumingon nang ang pangarap ay naabot.
Ngunit hindi kami.
Hindi man harapang maisabi,
Hindi niyo man marinig sa aming mga labi,
Ang mga katagang tiyak na sa pagod niyo ay papawi,
Sa pamamagitan ng mensaheng ito'y nais naming iparating:
"Teachers, maraming salamat po sa walang sawang pagtuturo at pagtitiyaga sa amin.
Sa panahong inyong ibinigay, ibinibigay at ibibigay pa para lang kami ay may marating.
Baon namin ang lahat ng inyong paalaala sa lahat ng desisyong aming gagawin."

The Unsaid Words Inside My HeadWhere stories live. Discover now