Prologue

96 3 3
                                        

Prologue

Humikab ako habang binabasa ang pangatlong letter na natanggap ko ngayong araw. It's Valentine's day, and the moment I arrived at school, may nagsurprise na agad sa akin na isang college student na hindi ko man lang maalala anong pangalan. May natanggap din akong cakes, chocolates at bouquets of flowers. Every year ay ganito talaga lagi.

"Grabe Zaria ha! Quotang-quota ka na ngayong araw! Akin na lang itong isang chocolate cake!" Sabi ni Elina na kaibigan ko.

Tumawa lang ako. "Sige, sa'yo na yang isa. Hinde ko naman mauubos lahat ng yan."

"Magkaka-tonsillitis ka lang! Kaya kukunin ko na ang Ferrero chocolates na to!" Usisa naman ni Selene sabay lagay sa bag ang Ferrero Roacher.

Wala na kameng klase pero ayaw pa naming umuwi kaya nagpasya na lang kami tumambay dito sa school, pampalipas oras.

Hinde naman sa pagmamayabang, pero medyo sikat kasi ako sa campus. Aside sa kilala ang aking pamilya dito sa lalawigan ng Argovia, isa kasi ako sa mga babaeng kinahuhumaling ng mga lalake. Madaming nagkakagusto sa akin, although until now, NBSB pa rin ako.

Minsan na rin kasi nasabi sa akin ni mama na maswerte raw ang lalaki sa akin kaya dapat tiyakin ko rin na su-swertehin din ako sa lalakeng pipiliin ko. Nakakapressure nga minsan eh.

But I'm not in a hurry. Sa totoo lang, nag eenjoy pa ako. Yung tipong wala ka munang pro-problemahin. Bata pa naman ako kaya okay lang.

"Yo! Wazzup girls!" I rolled my eyes when I heard a familiar voice. Von, my cousin, is here to annoy us once again. Kasama niya ang kaibigan niyang si Lance.

"Ang dami naman nitong mga bulaklak," inakbayan niya si Elina, na bigla namang namula sa ginawa ng pinsan ko. "May patay ba?" sabay humagalpak sa tawa si Von. Pati si Selene at Lance natawa na rin.

"Ano na naman ba ginagawa mo rito?" pagmamaldita ko.

"Ang KJ mo naman. Pahingi nga ng chocolates!" sabay kuha sa isang malaking chocolate. "Alam niyo, hindi ko talaga ma-gets kung anong nagustuhan ng mga lalake dito sa pinsan ko."

"Parang hindi ka naman sanay diyan. Crush ng bayan yang pinsan mo." Natatawang sabi ni Selene.

"Ano bang pinakain mo sa mga lalake at talagang habulin ka?" Von teased.

I smirked at his remark and proudly said, "You perfectly know I don't need to do anything for them to like me." Sabay flip sa hair ko.

I am beautiful and I know it.

"Ang yabang mo naman!" Von said in disgust and pretended to gag, while my friends just laughed at him. Pati ako natatawa na rin.

"But I think there's one guy who won't ever fall for your charms, Zar." Lance said, joining the conversation. Usually, tahimik lang to si Lance. Kung anong ikinaingay at ikinapasaway ng pinsan ko, ganoon naman katahimik and mahiyain itong si Lance. They're the total opposites, kaya minsan hindi ko ma-gets paano sila naging bestfriends. And hearing his opinion now made me more curious.

"Sino naman yon, Lance?" Selene asked, curious as well.

Tinuro niya ang isang senior student tatlong kiosk ang layo sa amin. Bigla naman natawa si Von.

"Bullseye Lance! Imposibleng mahumaling yan kay Zaria, or kahit kaninong babae for that matter." Von agreed.

"Parang wala namang ibang interes yan maliban sa makakapal na libro niya." Natatawang sabi ni Selene.

Ang lalake naman kasing tinuro si Lance ay si Amos Arth Suarez.

Amos is well known as the biggest nerd in school, with his thick glasses and out-of-trend hairstyle na para bang dinilaan ng baka. Ang baduy din ng pananamit niya. Lagi siyang naka-tucked in na oversized polo shirt. He's always seen reading kung hindi sa library, ay sa kiosk. Infairness naman din sa kanya, he's always the top of his class. Ang usap-usapan nga eh siya ang makakatanggap ng highest award sa batch nila.

Umirap ako. Natamaan siguro ang ego ko kaya hindi ko na napigilan sabihin, "I can make anyone fall for me, even that nerd."

"Oohhh! Really now?" Von said, raising his eyebrows. "You can't fool all boys, Zaria."

There's a fire starting to ignite inside of me. From the tone of his voice, I can definitely smell a challenge.

Huli na nang mabitawan ko ang mga salitang sa tingin ko pagsisisihan ko...

"Wanna bet?"

The BetHistórias para pegar e não largar. Descubra agora