"Ah, eh..." Mukhang nagdadalawang isip pa rin ito.

"Please? Hindi talaga kita papatahimikin hangga't hindi mo ako tinutulungan."

Matagal siya nitong tinitigan bago napabuga ng hangin at napailing. "Alright. Tutulungan na kita."

"Talaga?" nanlalaki ang mga matang sabi niya. Daig pa niya ang tumama sa lotto sa narinig. "Salamat!"

Akmang yayakap siya dito nang iharang nito ang mga kamay sa harap.

"Wag kang lalapit sa akin, please lang! Huwag mo na ulit akong hahawakan."

Natawa naman siya. Umayos na sa upuan. "Thank you, Khiane. Thank you very much."

"Okay. Tigilan mo na ang pagte-thank you."

Umayos na rin ito sa harap ng manibela. Sandaling napatitig sa windshield pagkatapos ay ibinalik muli sa kanya ang paningin. Nang makita siya ay napangiwi ito at ipinilig ang ulo.

Kinabahan siya. Paano kung bawiin nito ang sinabing tutulungan siya?

Pero wala itong sinabi. Binuhay na lang ang makina at pinaandar ang kotse.

"Paano kita matutulungan," maya-maya'y sabi tanong nito.

"Simple lang, kailangan mo akong samahan sa kinalalagyan ng katawan ko. Naalala ko'ng sabi ni Constantino, hindi ako makakarating sa isang lugar nang hindi ka kasama. You know, sa'yo nakasalalay ang paglibot-libot ko."

"So, hindi ka makakapunta sa isang lugar nang ikaw lang? At ibig sabihin no'n, lagi kang nakabuntot sa akin?"

"Oo."

Napahinga ito ng marahas. "Great."

Napasimangot naman siya. "Hey, hindi ko rin naman gustong bumuntot sa'yo, ah! Never in my whole life na sumunod-sunod ako sa isang lalaki."

"Pero multo ka na ngayon so there's a difference."

Magpoprotesta pa sana siya pero inunahan na siya nitong magsalita.

"Paano kung nailibing na pala ang katawan mo?"

"That's the problem." Napayuko siya. Hindi niya maiwasang makadama ng pangamba.

"Ano'ng gagawin mo kapag wala na ang katawan mo?"

"Ayaw kong isipin 'yan pero kung ganoon man ang nangyari, isa na lang ang gusto ko. Ang malaman kung sino ang pumatay sa akin."

"Wala ka ba'ng idea?"

Umiling siya.

"Wala. Wala naman akong kaaway sa opisina o sa labas. Mabait naman akong tao at alam kong wala akong tinatapakang tao sa pamamalakad ko sa kumpanya. Wala silang dahilan para pagbalakan akong patayin."

"Kung gano'n, mahihirapan tayong isolve ang kaso mo."

Namalayan niyang iniliko nito ang kotse sa isang condominium building. Ipinasok nito iyon sa parking lot.

"Ano'ng trabaho mo sa kumpanya?" naalalang tanong niya dito.

"Photographer ako."

"Really? Hindi ko alam na nangangailangan ng photographer ang kumpanya."

"Madami daw ang projects. Let's go. I'm tired and exhausted." Dinampot nito ang camera at bag sa backseat at lumabas na sa kotse.

Siya naman ay lumagos na palabas ng kotse. Nakita pa niyang namumutlang nakamata ito sa ginawa niya. Pagkatapos ay nagkibit-balikat at nagpatuloy na sa paglakad.

Wala silang imikan. Hindi niya alam kung ano'ng iniisip nito. Siya ay pinag-iisipan pa rin ang paghahire dito bilang photographer. Ang alam niya ay may nakuha nang iba sa posisyon na iyon. Madami nga ang projects ng kumpanya pero sapat na ang photographer nila para suportahan ang projects na iyon.

MY DILEMMA By Syana JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon