"Uwaaaaaaa!!! Oo nga pala!!!!"

O_O

O_o

Nagulat kaming lahat sa biglang paghiyaw ni ayna. Bumalatay sa mukha niya ang pagsisisi na animo'y ngayon lang siya may naalala.

"Student, huwag kayong maingay dito."-saway nung nurse sa kanya kaya naman agad na nag peace sign ang loka loka.

Tsk.

-.-

"Ahli!"-mahina niyang sambit sa pangalan ko at patakbong lumapit sa akin.

Ano bang problema ng babaeng to at bigla bigla na lang sumisigaw. May saltik ata to eh. Bakit pa ako nagtaka? Matagal na palang may sira ang ulo neto.

"Ano ba! Ang kulit kulit mo."-kunot noo ko siyang tinignan.

"Si zadkiel pala! Nakalimutan kong sabihin sayo kanina! Naghihintay siya sa garden! Oh my god!! Ayyy forgatttt!!"-madamdamin pa niyang bulalas.

Mabilis naman akong napatayo sa kama at tinignan siya na may nanlalaking mata!

Bakit ko ba nakalimutan ang sinabi niya sa akin kanina kaya ako nahimatay?

PESTE!!!

"Teka! Teka, kayong dalawa ha. Sino yang zadkiel na yan?"-singit sa amin ni gelo at pumagitna dahilan para mahawi si ayna. Halos mapaupo pa.

"Ano bang pake mo ha. Nanunulak ka pa ah."-singhal na sumbat ni ayna.

Lumapit na naman siya sa akin.

"Bakit? Masama na bang magtanong?"

"Tsk. Yun yung bestfriend namin ni ahli noong grade 7 pa kami."

"Talaga?"-gulat na tanong pa nung ugok.

"Oo. Bakit mo natanong--"

"Yun bang mayaman na kine-kwento niyo noon?"

"Oo. Bakit---ay! Sabi na nga ba at may balak ka namang magpalibre dun! Uy mahiya ka naman gelo!"

"Bakit ba! Sabi niyo kaibigan niyo yun. Tara na, magpalibre tayo. Sa jollibee ha?"-ngingisi pa ang lintik.

"Kapal ng mukha mo tol! Ni hindi ka nga niya kilala."-sabat naman ni rondrick.

"Kayo ha, pinagtutulungan niyo ako."-turo niya sa mag syota. "Kapag ako ni libre nun, hindi kayo kakain ah? Hindi ko kayo bibigyan!"

"Mangarap ka ng gising!"-rondrick at ayna.

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin yung tatlo. Parang bigla akong nawalan ng wisyo dahil sa balita ni ayna sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti. Yung puso ko, parang sasabog na sa sobrang excitement.

Kaya naman, mabilis na akong tumayo at lumabas ng clinic.

"Teka naman ahli! Hindi ka naman excited noh? Hoy!!"-patakbo na ring sumunod sa akin yung apat pero hindi ko na sila pinansin pa.

"Student! Yung gamot mo!"-pahabol pa nung nurse pero hindi ko na rin nagawang pansinin.

Tumakbo ako ng tumakbo habang nasa likod ko lang yung apat na animong may hinahabol. Natatawa na lang ako dahil, nadadapa pa si gelo at nasasama naman si lester at rondrick kaya ang ending nababatukan ang loko.

Inaamin kong, ngayon na naman ako nakaramdam ng ganitong emosyon. Yung pakiramdam na masaya ka tapos medyo kinakabahan ka dahil matagal na kaming hindi nagkita pero kahit ganun lamang ang excitement ko.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now