CHAPTER 53 : JUST TELL

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pinapakain ka ba ni Yaya Martha ng maayos? I was expecting you already have a body of a whale sa sobrang lakas mong kumain. Halos buwan buwan akong nagpapadala ng chocolates at ang balita ko ikaw lang ang umuubos ng mga iyon. So, care to explain why do you look so thin?"

Napairap ako. Talaga naman. Wala man lang sweet talk. May halo pang pang-aasar. Roy Marval everybody.

"Ang sweet mo talaga, Kuya. Wala man lang bang 'kamustahan' talk? May balak ka atang mang-asar agad."

Umingos siya. "Inaantok pa ako. Labas ka na. Yung mga pasalubong ko, iniwan ko sa baba." Humiga ulit siya at tinalukbong ang unan sa kanyang mukha.

Ang sweet niya 'no?

Natawa na lang ako sa pagiging suplado niya. Ganyan naman talaga 'yan kahit nung mga bata pa kami. Everyday may dalaw. Now, you know kung saan ko namana ang kasungitan ko minsan.

"Welcome home, Kuya. Sleep well." Lumabas na ako ng kwarto at hinayaan siyang matulog.

Sa lahat ng mga kuya ko ay kay Kuya Roy lang ako medyo sweet kasi pakiramdam ko ay obligado akong lambingin siya lalo na pag-inaatake siya ng kasungitan at pagka-suplado. Mahal ko naman lahat ng kuya ko. Nasanay lang ako na medyo lumalambing kay Kuya Roy. Pang-asar na rin kasi ayaw niya ng nilalambing siya. Lol. Alam kong banas na banas 'yon sa akin lalo na kapag nilalambing ko siya. Hindi niya lang ako masuntok dahil bubugbugin siya ng iba ko pang Kuya.

Naalala ko yung fashion show. Iyon ba ang dahilan kung bakit umuwi siya? Ang weird naman. Lalaking-lalaki ang kuya ko pero yung mga gano'ng klaseng event ang kinocover niya? Hindi naman siguro naging bading si Kuya sa New York kasi nakita ko yung likod niyang halos mapuno ng tattoo. Shems, gusto ko rin magpa-gano'n! Mukhang astig tignan.

Dinala ko lahat ng chocolates sa kwarto ko at halos mangiyak ako sa dami. May sariling paraan talaga si Kuya Roy sa pagpapakita ng sweetness.

Pero nangiyak na talaga ako nang maalalang kailangan kong magtiis para sa darating na fashion show.

"Di bale, apat na araw na lang, makakain ko kayong lahat." Sabi ko habang hinahaplos ang malaking box ng toblerone. "Shit naman. Ang tagal pa ng apat na araw." Napakagat ako sa aking labi.

Huminga ako ng malalim at paulit-ulit na pinaalala sa sarili ang diet ko at ang mga litanya ni Shai. "Kailangan mong maging slim, Rhea. Huwag muna magpadala sa temptation dahil hindi pwedeng madagdagan ang timbang mo ngayon." Tinapik-tapik ko ang aking pisngi.

Na-realize ko na ang hirap palang i-disiplina ang sarili. Kawawa naman pala yung mga nilalang na nagbabalak mag-diet. Mamaya pagtitirikan ko na lang sila ng kandila.

Tinago ko ang mga chocolates at kahit tempt na tempt na akong kumagat kahit isa lang, hindi ko na lang ginawa. Ini-imagine ko kasi ang mukha ni Shai na nagtatransform into dragon pag nalaman niyang kumain ako ng matamis. Napaka-istrikta pa naman ng isang 'yon ngayon.

Nakatanghap ako ng text mula kay Shai na magkita kami sa mall. Siguradong balak na naman niyang mamakyaw ng mga damit.

Hindi ko muna nireplyan ang huling text ni Delgado at Coby. Naisip ko kasi na kung isa lang ang rereplyan ko ay unfair sa isa. Naalala ko yung sinabi ni Delgado na gusto niya ng patas. Okay. Eh di, patas.

Nagpahatid ako sa driver. Nando'n na raw si Shai at naghihintay sa DQ. Nasa loob na ako ng mall nang makasalubong ko si Artemis.

"Oh, my gosh! Rhea!" Kumaway siya at agad na lumapit sa akin. Napangiti ako nang yumakap siya sa akin. "Long time no see!"

"Oo nga, eh. Kamusta?"

"Okay naman. Nakakamiss ka, girl. Ano nga palang ginagawa mo rito? Magsha-shopping ka rin ba?" Nagniningning ang mga mata niya na parang umaasang sumagot ako ng 'oo.'

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon