Untitled Part 30

2.4K 107 4
                                    


SA ISANG orchard sa Quezon City ginanap ang kasal ni Ralph. At sa pagkagulat ni Sari, batang-bata pa ang bride ng lalaki. Tantiya niya ay beinte-uno lamang. Simpleng-simple ang suot nitong wedding gown at ang mga bulaklak na tangan ay mukhang kapipitas lamang sa hardin. No ribbons, no frills. Just flowers in their purest. Like the bride, aniya sa sarili.

"She's so young!" bulalas ng isang ginang sa kanan ni Sari.

"Kaya nauto ni Ralph," tugon naman ng lalaking katabi niyon.

"She's in love." Nasumpungan ni Sari ang sariling sinabi iyon. Sapagka't ang naaalala niya ay ang sarili noong ikasal sila ni Aldon.

She was eighteen and so in love. Tandang-tanda niya kung paano niya pinigil ang mapaiyak. Lalo na noong isuot sa kanya ni Aldon ang wedding ring at hinding-hindi niya makakalimutan ang tula ng judge na nagkasal sa kanila. An old man, a very romantic old man.

"Your wedding ring will wear thin,

and summers won't be few;

changes will be seen, cares and pleasures too,

and you will remember this day,

when your wedding ring was new...

Griefs will be together borne,

whatever the future brings,

heart unto heart still true,

as when your wedding ring was new..."

Awtomatik na napatingin sa kanyang kamay si Sari. Empty. She was never married. Iyon ang nakasaad sa annulment papers. Itinago niya ang kanilang wedding ring sa isang kahon. Kasama ng annulment papers. Gusto niyang itapon, ngunit hindi niya magawa.

Natigil sa pag-iisip si Sari nang maramdamang naging tense at excited ang atmosphere. Nagkaroon ng bulungan, sapagka't lumapit na sa unahan ang groom at ang best man.

Aldon... bulong ng isip niya. Hindi siya makapaniwala sa nakita. He was thin. At tila malaki ang itinanda. He was smiling at the guests. But he looked so sad. Like someone who had nothing to live for. Tila wala ring buhay ang mga mata nito. But they were alert, puna ni Sari. As if he was looking for...

He caught her eyes. Pinilit niyang ngumiti. Ngunit hindi niya magawa. Ganoon din si Aldon. Nakatingin ito sa kanya na para bang hindi naniniwala sa nakikita.

I've changed. Hindi marahil makapaniwala doon si Aldon na malayo na siya sa Sari na nakilala nito. Ngunit hindi na siya sigurado roon, because she was feeling the same way kapag tinititigan siya ni Aldon noon.

Hindi makatagal si Sari. For five years, she had strived to build a new self. Ngayon, pakiramdam niya ay gumuguho ang lahat ng iyon. Revealing her old self at hindi niya mapapayagan iyon.

Lumipat siya ng upuan. Doon sa malayo sa altar. Malayo sa paningin ni Aldon. Pumailanlang ang wedding march, ngunit malabo iyon sa pandinig ni Sari. Ang naririnig niya ay ang tinig ni Aldon. I'll take care of you, Sari.

I'll take care of you. Iyon ang pangako ni Aldon nang pakasalan siya. Hindi 'I will love you.'

Naramdaman na lang niyang nagsitayo ang mga bisita. Tumindig din siya at huminga nang malalim. This was Ralph's day. Hindi dapat siya nagpapakalungkot. Dapat ay masaya siya... if only for her friend.

"We are gathered here today in the eyes of the Lord and the sight of this congregation to join this man and this woman in holy matrimony..." umpisa ng pari.

Nang bigkasin ng bride ang kanyang vow, marami ang napaiyak dahil umiiyak ang bride. Pati si Sari ay basa ang mga mata. At nang si Ralph na ang sumumpa sa harap ng altar, tuluyan nang napaiyak si Sari. At the same time ay tumatawa. Dahil nanginginig din ang tinig ni Ralph at panay ang lunok at sinok. Hindi matapus-tapos ang sinasabi. Kaya naman pumapalakpak na ang mga tao kahit hindi pa tapos ang kasal.

Nang ibigay ng pari ang blessing at mahagkan ang bride, gulat ang lahat nang maglabas si Ralph ng gunting at kay Aldon iyon unang ibinigay.

Nakangiting lumapit si Aldon sa kaibigan at walang salitang ginupit ang mahaba nitong buhok. Pagkatapos ni Aldon ay ang mga sponsors naman ang isa-isang gumupit sa buhok ng groom. Pati ang ilang bisita ay nakigupit na rin. Kinuha ni Ralph ang mikropono ng pari at tinawag si Sari.

"It's your turn, pal!"

Lumapit si Sari sa unahan. It was a happy event. Ngunit hindi niya lubos na ma-enjoy dahil aware siya sa titig sa kanya ni Aldon.

"What's this supposed to mean?" tanong niya kay Ralph. Trying hard to ignore the tall figure on her right.

"My wandering days are over!" announce ni Ralph sa mikropono. Nagpalakpakan ang mga tao. Nayakap ni Sari ang kaibigan.

"I'm so happy for you, Ralph." Kasunod naman niyang niyakap ay ang bride. It was like embracing herself. Embracing the dream that would always be a dream. "Take care of your wife, Ralph. Love her for always..." aniya at tumalikod. She couldn't make it to the reception.

"Never let her go," wika ni Aldon kay Ralph at sinundan si Sari. Pasakay na sa kotse niya ang babae. Ngunit natigilan si Sari nang marinig ang tawag ni Aldon.

"We need to talk," anito nang makalapit sa kanya.

"I-I'm not feeling well. Excuse me..." Muli niyang hinila ang pinto ng sasakyan. Ngunit hawak ni Aldon ang isa niyang braso.

"Huwag mo akong iwasan, Sari. Marami na tayong panahong sinayang. Mag-usap tayo." Naroon ang authority sa tinig at anyo ni Aldon. Ngunit hindi maipaliwanag ni Sari kung bakit nararamdaman niyang tila nagmamakaawa ang lalaki.

"Walang panahong nasayang, Aldon. Those were the most productive years of my life," mariin niyang sinabi and she tried to smile, but she couldn't. She wanted to curse herself. She wanted him to see her as others saw her—confident, smart and successful. So far, looking ridiculous lang ang nakayanan niya.

"Sari, we need to talk. So much to say—"

"There's nothing more to say, Aldon." Ibinuhos niya ang lahat ng willpower para tuluyang makasakay sa sasakyan at hilahin pasara ang pinto. Sa pagmamaneho niya maibuhos ang galit. Hindi para kay Aldon kung hindi para sa kanyang sarili. Bakit para siyang tumatakas? Why was she running away? Ano ang dapat niyang katakutan? Hindi naman siya ang nagkasala.

It wasn't my fault! paulit-ulit niyang sinasabi. Ngunit hindi niya maintindihan ang sinabi ni Aldon. Bakit nasabi nitong maraming taon ang nasayang? Bakit kailangan nilang mag-usap?

And why wasn't it easy talking to him after all these years? Puwede naman siyang maging sibil man lamang sa lalaki. Bakit hindi niya magawa, gayong may utang-na-loob din naman siya rito? At tinupad naman nito ang pangakong aalagaan siya at hindi pababayaan?

He took care of me! He provided her with all the things she needed. Why was she mad at him?

Pinilit niyang huwag maging emosyonal. At bago siya pumunta sa kasal ni Ralph ay buo na ang loob niya na pakikiharapan niya si Aldon nang maganda. After all, they should be friends.

I can't be his friend! I can never be his friend. I can't even try to be friendly with him!

Semper FidelisWhere stories live. Discover now