Untitled Part 4

3K 110 1
                                    


"MALUNGKOT ka, Sari. And, oh, you're crying... on New Year's Day! Hindi magandang umpisa ng taon iyan!" Tinabihan ni Don Claro sa baitang ng hagdanan si Sari. Inakbayan siya. "Tell me about it," anito.

"Naaalala ko lang si Nanay ko, Lolo. Kasi kapag bagong taon, pinagsusuot niya ako ng polka dots na damit. Kaso hindi na kasya sa akin 'yung bestida ngayon," aniya. Pilit na pinipigilan ang pagsinghot.

Tumawa ang matanda. "You think you can fool me? This old man who had seen lies in all its glorious form? Tell me the truth," wika nito na kahit naglalambing ay puno ng awtoridad.

"Masama ba'ng maalala ang nanay ko?" aniya, padabog. At akmang titindig nang hilahin ni Don Claro ang bisig niya. Muli siyang naupo. Ngunit hindi makatingin sa matanda. "Nalulungkot ako, Lolo," aniya. At totoo naman iyon. Hindi lang siya sigurado kung nais pa niyang sabihin ang dahilan.

"How old are you when you first came here?" tanong ng matanda. At mentally ay binilang ang mga taon. "Nine, ten years. I can still see your curls cascading on your face. Hiding those big, round eyes and those missing two front teeth. And the rest, oh, my God! Parang ipen ng piranha!"

Napatawa si Sari. Siya man ay tandang-tanda ang araw na iyon nang dalhin siya ng kanyang Tiya Fe sa tahanan ng mga Latarde upang maging maid, sa edad na walong taon! Namatay ang kanyang ina na naninilbihan sa mga Latarde. Bilang kapalit, siya ang dinala doon ng tiyahin. Noon sila unang nagkakilala ni Don Claro.

Tinanggap siya ng anak nitong si Melina at ganoon na lamang ang galit ng matanda. Ngunit hindi na siya pinayagan pang bumalik sa kanyang tiyahin. Kinupkop siya ni Don Claro. Itinuring na tunay na apo. At ngayon nga ay disiotso anyos na siya.

"In those ten years, ngayon ka lang nalungkot nang ganyan. To tell you the truth, I don't think hinahanap mo pa ang iyong ina. Dahil noong bata ka pa ay ni hindi mo siya naaalala. Bakit ngayon lang? Besides, lagi naman tayong masaya kapag New Year, di ba? Mamaya lang, darating na sina Aldon—"

Lumakas ang hikbi ni Sari. Pakiramdam sa sarili ay naloloka na siya. Naaaliw siya sa sinasabi ni Don Claro, pero malungkot talaga siya.

"Bakit na naman? Akala ko'y tumigil na ang pagbuhos ng ulan, may kasunod pa pala. Ayusin mo ang sarili mo para pagdating nina Aldon ay hindi ka mukhang bruha."

"Hindi darating si Aldon, Lolo," aniya. Tuluyang napahagulgol na sinabayan naman ni Don Claro ng malakas na tawa.

Hindi man gustong sabihin ni Sari ang dahilan ng pag-iyak niya ay nalaman iyon ng matanda.

"Bakit naman?"

"Tumawag siya kagabi. Tulog ka na, Lolo. Sabi niya, hindi raw siya makakauwi ngayon dahil—dahil—" Sige siya sa pag-iyak.

"Dahil ano?"

"Dahil pupunta siya sa Bacolod. Tagaroon kasi ang girlfriend niya, doon sila magbabagong-taon."

"So, ano ang nakakalungkot doon? Okay lang sa akin 'yon, malaki na ang apo kong 'yon. Dapat lang na magkanobya."

"Hindi nga okay, Lolo! Naiinis ako. Minsan na nga lang siyang pumarito, tapos—tapos—"

"Tapos, crush mo si Aldon! Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala para kang aninong sunod nang sunod kapag naririto siya. Akala ko naman gusto mo lang ng kuya," natatawang saad ng matanda.

"Huwag mo naman akong pagtawanan, Lolo. Normal lang naman na magka-crush."

"Oo nga. Pero hindi naman normal 'yang humahagulgol ka sa hagdanan."

"Mahal ko siya, eh!" naibulalas niya. At huli na para bawiin ang sinabi. Naramdaman niyang pinisil ng matanda ang kanyang balikat.

"Sigurado ka ba?"

"Hindi ko alam. Basta, mahal ko siya. Bata pa ako ay mahal ko na siya."

Naalala ni Don Claro ang batang si Sari at ang noon ay teenager na si Aldon. Laging nakasunod sa binatilyo si Sari. At kung natatakasan naman ni Aldon ay laging nagsusumbong kung saan pumupunta ang lalaki. Tuloy ay parating napapagalitan ito ng ina. Na pagkatapos ay kay Sari isisisi. Na ikinatutuwa naman ng bata dahil napapansin ito ni Aldon kahit sa ganoong paraan.

"Do you want to marry him?" tanong ni Don Claro. Hindi na ito tumatawa. Bagkus ay seryoso na akala mo ay negosyo ang pinag-uusapan.

"Ho?!" Walang maisagot si Sari. Sa mga pangarap niya at ilusyon, asawa siya ni Aldon. Isang mabuting asawa, kontento sa buhay at lahat ng ginagawa ay para sa lalaki. Ngunit alam niyang pangarap lamang iyon. "Bakit n'yo naitanong?"

"If you love him, you'd want to be his wife. And if you became his wife, no more you. I'm giving you a choice, him or yourself?"

She was eighteen. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng pinamimilian niya. Para sa kanya, ang kaligayahan ay ang makapiling si Aldon, habang-buhay.

"Hindi ko maintindihan, Lolo."

"You're in college. Kapag nakapag-asawa ka ngayon, posibleng magbuntis ka. Kapag nagbuntis ka, hindi ka na makakatapos. Dahil kahit nakapanganak ka na, kailangan ka pa rin ng bata at ng asawa mo. Dalawa na silang pagsisilbihan mo, paano ang pangarap mo?"

Ang pangarap ko ay si Aldon.

"Hindi naman mahirap pagsilbihan at alagaan ang taong mahal mo, di ba? Si Lola Fidela ba, nagreklamo noong buhay pa siya?"

"Iba ang buhay para sa mga babae noong panahon namin ni Fidela, Sari. Pero siguro, hindi pa rin nagbabago ang lahat, lalo na ang puso. Laging pag-ibig pa rin ang sinusunod."

"Gusto kong maging kaparis ni Fidela, Lolo. She was a fulfilled woman. With a wonderful husband, good-looking kids. Aktibo siya sa mga charity causes. Mahusay siyang mag-entertain ng mga bisita—I want to be like her."

And she could see herself as another Fidela. Giving parties, attending social functions with Aldon, going shopping with her kids.

"Yes, Lolo! I want to marry him. I love him. I'll always be faithful to him. Semper Fidelis. Is it correct, Lolo? Semper Fidelis."

"Semper Fidelis. A beautiful promise. She had kept it until the day she died... and I love her." Gumuhit sa mukha ni Don Claro ang malalim na lungkot. And he looked as though he wanted to be where she was.

"I promise the same, Lolo. When I wed Aldon, I'll give him that promise." Lumulukso ang puso ni Sari sa matinding kaligayahan. Niyakap niya ang matanda.

"Always is longer than forever, Sari," anito.

"I know, Lolo. I know..."

Semper FidelisWhere stories live. Discover now