Chapter 2: I'm back

26 1 1
                                    

Hello Philippines!

Hayy.. It's good to be back! Wait I need to change my language since I'm here.

Kinuha ko na lahat ng gamit ko at naglakad palabas ng airport. Nakita ko yung sunod ko, Paano? Ibalandara ba naman yung malaking banner nakalagay "Here Ms. Parker! Welcome back!" di niyo ba yun manonotice agad? Buti Parker nilagay dun at hindi Florestine. Nako babanatan ko itong mga toh.

"Hey you! Ibaba mo na nga yan! Nakakahiya kayo, Tss oh eto na mga gamit ko paki lagay nalang sa likod." At pumasok na ko sa loob ng sasakyan. I miss this place. Huli kong punta dito kasama ko pa si Mommy. How sad? Psh.

Sinaksak ko yung earphones ko sa tenga ko at tumingin sa window nalang. Philippines, polluted as ever but I love it here.

Umidlip lang ako saglit.

"Young lady, we're here." Minulat ko ang mga mata ko. Woah! Laki pala ng bahay ng Lolo ko? Mas malaki pa sa bahay namin sa US!

Ginala ko yung tingin ko. May olympic size swimming pool, may malaking garden para isa tong malaking hacienda. Pwede na din. I'll survive this..

"Oh isn't this amazing! My wonderful grand daughter is here. Hi Margarette!"

Or not. Tsk!

I smiled at him. Margarette's fake smile to be exact. Parehas talaga sila ni Dad. Mag-ama nga talaga letse.

"Hi my awesome grandfather who is also the reason why mom died. Yeah I'm here so what? Tsk." Nilagpasan ko siya at dumeretso sa loob ng MANSION.

"Hey you!" Sigaw ko dun sa isang katulong na parang kaedad ko. Tumingin siya tapos tinuro yung sarili nya parang sinasabi nya kung siya ba. "Yeah you, stupid! Sino pa ba tinatawag ko? Tss where's my room?"

Inirapan nya ko. Aba! Kapal ng mukha neto. "Nandun sa taas, sa may left wing yung may pinto na malaki. Nandun na rin yung mga gamit mo." Tapos pinagpatuloy nya yung ginagawa nya. This b*tch! Ugh! Di nya ba ko kilala? Palayasin ko kaya to?

Nilapitan ko siya and I pulled her hair. "Ouch! Let go of my hair b*tch!"

"Huh! You're the b*tch here missy. Di mo ko kilala. Mali yung binangga mo baka gusto mong mapalayas dito ng wala sa oras." Binitawan ko yung buhok nya. "Isa ka lang hamak na katulong kaya move out of my way b*tch!" Binangga ko yung balikat nya kaya natumba siya. Dapat lang sakanya yan. Hahaha!

Umakyat na ko sa kwarto ko. Buti hindi ako naligaw. Tsk nakakabadtrip yung babaitang yun. Sabihin ko nalang kay lolo na palayasin yun.

Wow! Laki ng room ko! Mas malaki pa to sa kwarto ko back at the US. Take note: Kulay violet. Haha my fav color! Yieee!

Humiga ako sa kama ko. Weeee! Ang lambot! Ok masyado na kong natuwa.

Naggala pa ko sa kwarto ko. May study table,my flat screen tv,my sariling computer at marami pang iba. Pero merong part talaga na naagaw yung attention ko. Lumapit ako sa may table malapit ng kama. Kinuha ko yung picture frame.

Tinignan ko yung picture. Ako nung bata pa ko tapos may kasama akong lalaki? Sino to? Ewan. Binalik ko nalang ulit yung picture.

Humiga ako sa kama at pinikit yung mata ko.

Papasok na pala ako bukas sa school. Ano kaya ang feeling na magaral sa isang school? Yung may makakasalamuha ka, yung may kasama ka sa mga kalokohan, yung mga ganun ba. Home school kasi ako kaya never pa ko nakaexperience makapasok ng school. Rich kid eh dagdag mo pa sikat na dyosa ako hahaha!

Bumangon ako tapos may kinuha sa bag ko, isang brown envelope.Nandito lahat nakalagay ng personal files ko. Yung birth certificate,passport, etc. Nga pala lahat yun hindi Margarette Florestine ang gamit kong pangalan kundi Margee Parker. Bakit? Gusto ko nga ng normal life dba? Psh. To sum it all up, tinatago ko ang tunay kong pagkatao. Ayokong malaman nila kung sino talaga ako. A normal life I want, a normal life I get.

Makapagpahinga nga muna. Kaantok kaya yung biyahe. Iisipin ko nalang yung mangyayari bukas sa first day of school.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Idol in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon