Chapter 5 : Play my game

Magsimula sa umpisa
                                    

"Warn the others? For what to become suspects? To become town idiots?" Nagulat ako nang bigla na lamang hinawakan ni Kirk ang magkabilang balikat ko. Mas matangkad siya sa akin kaya bahagya niyang iniyuko ang likod niya upang magkaharap lalo ang mga mukha namin. "Listen to me, this town doesnt believe in teenagers like us. The whole town believes that the Crimson Ripper is dead and long gone. Warning the others wont do a single good thing. In fact, ikaw lang ang mapapasama kasi aakalain ng lahat na masyado ka lang praning at sinungaling. Stop giving a single fuck. Dont get involved. Stay invisible." Dagdag pa nito kaya lalo akong naguluhan.

"Pero kahit na! We have to do something about this!" Giit ko.

"I, Tamara. I have to do something about this. This isnt your fight. Don't interfere, don't intervene." Aniya.

Wait does that mean-- hindi  kaya lumipat siya dito sa Crimson Lake para huntingin ang Crimson Ripper? Omg! That would be so cool! He is so cool considering isa lang siyang teenager na gaya ko.

Hindi ko namalayang nakalayo na pala si Kirk mula sa akin. Dali-dali ko siyang hinabol kaso nakalabas na yata siya ng library. Ang bilis namang maglakad ng lalakeng yon. 

"Ms. Tamara Conception, please proceed to the Guidance Counselor's office." Bigla na lamang tumunog ang campus intercom at sa isang iglap, nakatingin na ang karamihan sa mga estudyante sakin. 

- - - - - -

"Ms. Consulacion, may gusto lang akong itanong sayo. Okay lang naman sayo yun diba?" 

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa pulis na kaharap ko ngayon. Akala ko si Sir Monterror lang ang kakausap sakin pero nagulat ako kasi pinapunta ako dito sa maliit na consultation room kasama ang isang pulis.

"M-may kasalanan ba akong ginawa?" Kinabahan ako bigla.

"Wala pero may kailangan lang akong itanong." Aniya kaya kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako.

Nagtaka ako nang bigla niyang inilabas ang isang tablet at pinakita sa akin ang video kung saan nagk-kwento ako tungkol sa mamatay-taong nakasuot ng kulay pulang raincoat. Shit, this is so not good.

"Base sa autopsy na isinagawa kay Joy Madrigal, nakasaad ditong sinakal siya gamit ang isang kadena--" Hindi ko na siya hinayaang matapos sa sinasabi niya. Agad akong napatayo at hinampas ang dalawa kong kamay sa kulay puting mesa na naghihiwalay sa aming dalawa.

"Stop. Alam ko na kung saan patungo ang usapang to. Wala akong alam. Hindi ko alam kung bakit magkapareho ang paraan ng pagkamatay nila at lalong hindi ko siya pinatay!" Giit ko bago pa man niya ako pagbintangan.

"Miss Consulacion, huminahon lang po kayo. Hindi ko po kayo pinagbibintangan. May itatanong lang ako sayo tungkol sa kwento mo." Mahinahon niyang sambit at inabot sa akin ang isang bottled water, "Walang nagbibintang o naninisi sayo. Sagutin mo lang ang itatanong ko okay?"

Napabuntong-hininga na lamang ako at bumalik sa pagkakaupo matapos makainom ng tubig. Masyado na talaga akong nate-tense. Kasalanan to ni Kirk.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon