Perfect 5: What's your fantasy?

Start from the beginning
                                    

Puro puno ang nakikita ko may mga bundok din ako na naaninag.Lumingon ako sa likod ko may mga kubo infairness up and down. Mukang wala pang mga gising sa oras na 'to tanging pagtilaok lang ng mga manok ang naririnig ko na ingay.

"Asan tayo?" I asked.

"Hulaan mo." Sagot ni Hunter sabay sara ng pintuan sa back car. 

Tinaasan ko siya ng kiilay "Ano ba wala ako sa mood makipag pinoy henyo sa'yo, okay?"

Hinawakan ako nito sa braso at hinila palakad palayo habang bitbit ang mga gamit namin. May ngiting sumisilay sa labi ni Hunter. Takte, ano ba 'to? Dito ba siya pinanganak? Kaya mukang excited yung pagmumuka niya?

Nalagpasan na namin yung mga ibang bahay kubo at dumeretso pa. Ilang hakbang lang nakita ko na yung mga tao na nagkukumpulan sa harap ng kubo na up and down. Sosyal 'di ba? Parang bang may fiesta ngayon dito dahil may mahabang lamesa silang sineset-up.

Bago pa 'ko makapagtanong ulit naglingunan na yung mga tao ng maramdaman nila ang presensya namin ni Hunter. Isa isang nagsilakihan ang mga mata nila napayakap naman ako sa sarili ko ng bitawan ako ni Hunter.

"Hunter! Ala eh! Hindi mo man lang sinabi na paparito ka ngayon sa iyong kinagisnan!" Excited na sambit nung matandang lalaki at tumakbo papunta kay Hunter at niyakap ito.

"Tatay Andoy." Masayang bati dito ni Hunter niyakap din ng mahigpit.

"Ala eh, mas lalo kang naging magandang lalaki, iho!" Sabi nung matanda. "Marya! Halika rito! Andito ang anak-anakan natin, aba! Kailangan natin magpakatay ng lechon mamaya!"

"Hunter! Jusko!" May matandang babae naman na patakbo na papalapit kay Hunter. "Anak, bakit hindi ka man lang nagsasabi na paparito ka?"

"Biglaan po kasi, 'nay." Sagot ni Hunter dito na kakamot kamot ng ulo.

Bigla naman napalingon ito sa 'kin at inexamine ang muka ko. Naconscious naman ako agad kaya kahit hindi ko alam ang gagawin ngumiti ako ng pilit. "Goodmorning po."

"Kagandang dilag!" Sabi nanaman nung Tatay Andoy. "Ito na ba ang iyong kasintahan, iho? Napakinis ng balat. Kutis porcelana ala eh, laking maynila!"

"Hindi po 'tay." 

"Opo hindi po. Di ko boyfriend 'yan." Singit ko din. Like duh? Bakit nila aakalain na boyfriend ko si Hunter?

"Eh kaano-ano ka ni Hunter, iha?"

"He's actually my body----"

"Katulong ko, 'tay. Kinuha nila papa para hindi na sila mag-alala sa 'kin."

WHAT. THE. FACT! Anong pinagsasabi ng lokong 'to?! Katulong niya daw ako?! Muka ba kong katulong?! Bwisit na bodyguard 'to! 

"Hoy----" Tinakpan agad ni Hunter yung bibig ko.

"Makisakay ka muna kahit ngayon lang." Bulong nito.

Tumawa yung Tatay Andoy. "Ala eh, parang hindi naman katulong ang isang 'to, mga kabataan talaga ngayon ayaw na ayaw umamin kapag magkasintahan na. Palibhasa ayaw dumaan sa tamang paraan ng pangliligaw eh."

Tumango naman yung Nanay Marya nila na kanina pa nakatitig sa 'kin.

"Poging Hunter!" Nagulat kami sa sigaw na yun.

Paglingon ko sa paligid halos lahat ng tao nakatingin samin halos lahat din sila nakangiti. Para bang pasko ngayon at kami si Santa Claus na regalo para sa kanila.

Tumakbo yung babaeng nakasumbrero at tumalon kay Hunter. "Hoy, gago! Namiss kita! Ngayon ka lang bumisita!"

"Andeng, magtino ka nga wag sa madaming tao." Suway dito ni Hunter. Napataas naman yung kilay ko. Andeng? Sino tong babaeng parang higad kung yumakap kay Hunter?

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now