Pag aaway

2.6K 87 8
                                    

Bea/Biya

"Sino ka?!" Sigaw ng magandang nilalang na ito sa akin.

Nawala ang paghanga ko dito nang sumigaw ito sa akin. Walang sino man ang may karapatan na sigawan ako.

Kaya naman hindi ako magpapatalo kahit teritoryo pa niya ito.

"I'm the only one to say that. Who are you?!" English ko sa kanya.

Napataas na naman ang kilay niya pero ganun pa man maganda pa din siya.

"Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi!" Sigaw niya sa akin.

"Bakit ba ang hilig mo sumigaw?! relax ka lang." Masyado naman itong high blood.

"Sino ang hindi sisigaw, sinira mo ang aking yaman." Giit nito.

Napakunot naman ako ng noo sa sinasabi nitong yaman.

"Anong yaman ang sinasabi mo?!" Tanong ko sa kanya. Nababaliw na ba siya wala ako matandaan na may sinira akong yaman dito pero wait?..

"Okay hindi ko naman sinasadya na masira ang mga bulaklak dito. Kaya sige babayaran ko na lang." Mayabang na sabi ko dito sakto lang.

"Paano mo babayaran ang mga bulaklak na iyong sinira, kaya mo bang ibalik ang buhay nila!" Sigaw na naman nito sa akin.

"Over Acting mo naman. Buhay agad? Hindi naman iyan tao. Halaman yan!" Giit ko dito.

"May Buhay pa din ang mga kahit hindi sila tao, may buhay pa din sila!"

"Babayaran ko na lamang ng pera! Kaya wag ka na mag over acting dyan. Sabihin mo sa akin kung magkano babayaran ko!" Habang kinakapa ang aking short nguni't wala ako makapa pera lagot!

"Sinabi ko na hindi mo mababayaran ng pera ang aking yaman, Upang mabayaran mo ito kailangan mo turuan ng leksyon." Pananakot nito.

"Don't tell me na sa..saktan mo ko?" Utal na Sabi ko dito.

"Ang alaga ko na ang bahala sayo." Sabay turo sa lion niya. Na akala ko nakaligtas na ko yun pala hindi.

"No! Nagbibiro ka lang right?!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Hindi ako nagbibiro." Pagkatapos sabihin niya ay umalis na ito sa harapan ko, kaya naman ang pumalit dito ang lion!

Ang lion na nakangiti sa akin siguro sa isip nito masarap ako. Masarap naman talaga ako pero dapat hindi ko sabihin sa kanya iyon.

"Lion, stop please I'm not yummy. I'm not delicious but I'm sexy lang." Pero hindi ito nakinig sa akin kaya naman umatras ako habang papalapit ng papalapit ito sa akin pero ng wala na ko maurungan dahil puno na ito.

Sinubukan ko tumayo pero hindi ako makatayo kaya naman wala na ko choice mukhang kakainin na ko ng lion na ito. Nakakainis talaga yung magandang nilalang na iyon pinabayahan na lamang ako.

Napailing na lang ako hindi siya maganda! Kaya pumikit na lamang ako at Hintayin na kainin ng lion na ito!

Naramdaman ko ang kanya dila na dumila sa akin pisngi gosh!

Minulat ko ang aking mga mata. Nakangiti na lion ang bumungad sa akin habang dinidilan niya ko.

Pero imbes na mandiri o magalit sa lion na ito.

"Hahaha." Tawa ko dahil nakikiliti ako sa ginagawa nito sa akin.

Naalala ko tuloy ang alaga kong aso na si Heaven na ipinangalan
ko sa last name ko.

"Good boy ka naman pala lion eh." Sabay haplos sa balahibo nito.

Lalo naman ito naging malambing sa akin ginawa.

Na mukhang ikinaingit ng amo nito.

"Wag mo nga hawakan ang aking leyo." Sabi nito sa akin.

"Ang damot mo naman hahawakan lang eh." Sabi ko.

"Kahit na tara na leyo wag ka na lumapit dyan sa babaeng maitim."  Parang ako na bingi sa sinabi nito.

"What? What did you say? maitim ako?"

Ako yata ma high blood sa mga sinabi nito.

"Oo maitim ka naman talaga!"

"Hoy! Para sabihin ko sa iyo hindi ako maitim. Kayumanggi
ako tulad ng isang Dalagang Pilipina.." sabay pose "Dalagang Pilipina, yeah.." pose sa kanan "Isang Dalagang
Pilipina." Nakita ko ang pagtaas na naman ng kilay nito pero pinagpatuloy ko lamang ang pag kanta ko "May nakita akong isang babae.."

Hindi ko na tuloy ang kanta ko ng sumabat ito "Baliw ka ba?!" Sigaw nito sa akin.

"Me? Baliw?" Sabay turo ko sa akin tumango naman ito bilang sagot.

"How dare to say that?! Over my sexy body and my beautiful face sasabihin mo ko ng baliw ha?!" Frustration na Saad ko.

Hindi na ko nito pinansin nito at tumalikod na sumunod naman ang alaga nito.

Bastos talaga! Kaya naman tumayo na ko at akmang maglalakad ng kinatumba ko kaya naman napapikit ako nguni't may sumambot sa akin na malambot na bisig.

Pagmulat ko ay mukha ng magandang nilalang ang sumalubong sa akin. At ang lapit ng aming mukha.

La Isla De Ulan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon