"Nope" sabi ko na ikinawala ng ngiti niya
"B-bakit? Akala ko ba m-mahal mo ako?" tanong niya
"Ganyan ba ang tamang pag-aya sa babae para maging girlfriend siya ng nililigawan niya?" seryosong tanong ko
Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo
"Sige na, magbihis ka na para makaalis na kayo ni taeha" sabi niya at lumabas ng kwarto
What was that?
Aish! Bahala siya! Ang gulo niya!
Pagtapos ko magbihis ay bumaba agad ako at naabutan ko naman si taeha na mukhang inip na inip na
Tumingin naman siya sakin "Finally!"
"Tara na" aya ko at lumabas na
*Yeonwoo's POV*
"Anak...." sabi ni mama at lumapit saka yumakap sakin
"Nakwento na ng kuya mo" sabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin
"I'm sorry...." dagdag pa niya
"It's okay ma..." sabi ko
"Okay ka lang ba?" tanong niya at humiwalay saka inayos ang buhok ko
Ngumiti naman ako at tumango
"Eto na ang pagkain niyo oh" sabi niya at binigay sakin ang isang burger
Kinuha ko naman yun "Thanks ma" sabi ko at kumain
"Nakasalubong ko sila kanina" napatingin naman ako kay mama ng magsalita siya
"Nagpasalamat siya sakin at sabi niya, hihintayin daw niya hanggang sa mapatawad mo siya. Pagtapos nun ay umalis na sila"
Tumingin ako kay kuya at ngumiti naman siya at tumango
"Hindi naman po ganun kadali gawin yun mama. Siguro po sa iba,oo madaling magpatawad pero mahirap makalimot" sabi ko at yumuko
"I understand" sabi niya
Ngumiti nalang ako at tumingin kay nancy saka hinawakan ang kamay niya
*tok*tok*tok*
Napatingin naman kami sa pinto ng may kumatok
Tumayo naman si kuya at binuksan yun
"Doc, pasok po"
"Yeonwoo"
"Doc?"
"Ngayon na ang operasyon mo, be ready" sabi ng doctor at umalis
Napatingin ako kay nancy at tumingin din siya sakin
Ngumiti siya sakin at niyakap ako
"You can do it" bulong niya at hinalikan ako sa pisngi
"Kaya mo yan anak" sabi naman ni mama at niyakap ako
Tumingin ako kay kuya na ngumiti lang sakin at niyakap ako
***
Habang papunta na kami ng operating room ay nakahawak lang si nancy sa kamay koNg makarating na kami ay niyakap ulit ako ni kuya at mama
"Mahal ko" tawag ko
Yumakap naman siya at binigyan ako ng halik sa labi
"Woah! Magaling na yata ako!" sigaw ko na ikinatawa ng mga nurse at nila kuya
Sinampal naman ako ng mahina ni nancy na ikinatawa ko
"Kidding,i love you" sabi ko at niyakap ulit siya
"I love you more"sabi niya at hinigpitan ang yakap sakin
![](https://img.wattpad.com/cover/195732571-288-k462276.jpg)
Chapter 14
Start from the beginning