Chapter Seventy Four

Start from the beginning
                                    

Alam kong hindi dapat ako mangealam sa gamit ni Justin lalo na sa cellphone niya dahil personal na gamit niya yun pero di ko mapigilan ang sarili ko.

Nagdalawang-isip pa ako pero bago pa ako umatras pinindot ko na ang home button at biglang umilaw ang screen ng phone na hawak ko.

Nakita ko agad ang mukha ko na nasa wallpaper.

Guess what?

Ito yung kinuhanan niya ako ng picture kung saan pinaghubad niya ako para makita niya yung mga 'babies' niya.

Halos kamay ko lang ang nakatakip sa dibdib ko sa wallpaper na nakikita ko ngayon.

Gulo-gulo ang buhok ko at halatang bagong gising dahil sa itsura ng mukha ko.

I looked like a mess.

My cheeks instantly flushed as a random thought run through my mind.

Paano kung makita ng ibang tao ang wallpaper niya?

Ano na lang ang iisipin nila?

Gosh, mukha akong porn star sa itsura ko dito.

Pambihira talaga tong lalakeng to.

Ano pa kayang mga pictures ang meron ako sa phone niya?

Gosh, meron kaya kaming scandal?

Bago ko pa icheck at puntahan ang gallery niya nagflash sa screen ang pangalan ni Ryan.

5 unread messages.

4 missed call.

Puro lalake ang pangalan at ang familiar lang sa akin yung pangalan ng bestfriend niya.

Binasa ko ito.

FROM: Ryan

Nalinis ko na yung pinatapos mo sakin kagabi. Handa na din lahat para sa lakad ng tropa mamaya.

Kagabi?

Magkasama ba sila kagabi?

FROM: Ryan

Yung pinangako mo saking sasakyan kagabi pre aasahan ko ngayong araw.

Pahabol nitong text message na kadarating lang na sumagot sa mga tanong ko.

Magkasama nga silang dalawa kagabi pero bakit hindi ko man lang namalayang wala na akong katabi?

Tas ngayon naabutan ko siyang mahimbing ang tulog katabi ko sa kama.

Itong hawak kong damit na may dugo.

Hindi kaya may ginawa sa akin si Justin kaya mahimbing ang tulog ko kagabi?

Inihagis ko yung damit sa laundry basket at ipinatong ang cellphone ni Justin katabi ng mga toiletries.

Kailangan ko siyang kausapin.

Pagbukas ko ng pinto may katawan ng nakaharang sa daraan ko.

His bare front was on display and his boxer's shorts hung dangerously low on his hip.

Tumingala ako at nakitang nakangisi siya sa akin.

Did I mention he looked freaking hot just by standing shirtless infront of me?

No, di niya ako makukuha sa ganyan lang.

Di ako magpapadistract sa nakikita ko.

He lean down as he gripped both of my hips pulling me towards his hard rock body.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now