12

34 1 0
                                    

Hapon na pero hindi ko na nakita ulit si DJ. Ang team ang nandito pero wala si DJ at Andrew. Actually kanina pa ko balisa dahil don. Silang dalawa lang ang wala. Parang alam ko na ang nangyari.

At hindi na nga ako nagkamali. Pumasok si DJ na may mga band-aid sa mukha. He's wearing a jacket.

Team, nasa kabilang room na yung pina-order ni Sir Vladimir. Hihintay na niya kayo, ako na muna dito. - sabi niya ng hindi man lang ako tinitingnan. He's really mad.

Captain ano nangyari sa mukha mo? Meron nanaman ba? - tanong ni nung Andy

Lipat na kayo don. Naghihintay si Coach. Dali. - pag-iwas niya sa tanong

Lumabas naman sila. May mga takot sa mukha ng iba.

What do you want to eat? Hatid ko na lang dito. - tanong niya na nakatalikod sa'kin.

Anong nangyari sa mukha mo? - tanong ko

Pahatid ko na lang kay Andy after nilang kumain. - sabi niya saka naglakad papunta sa pinto.

Sagutin mo ko! - sigaw ko sakanya

Wala. Okay? - sabi niya saka humarap sa'kin

DJ ano ba! - sigaw kong sagot

Kristina, wag mo na lang pansinin. After kumain ng team, lalabas ako ulit. - sabi niya

Sino may gawa niyan? Racism Blood? - diretsong tanong ko

Paano mo nalaman yan? - seryosong tanong niya

Wag kang sumagot ng tanong din! Mygod DJ. - sabi ko

Oo na! Lumusob ako sakanila because of what they've done to you. They always don't play fair. - sabi niya tapos medyo lumapit sa bed ko.

Fudge! Dahil sa'kin.

Bakit mo ginawa yon? Mag-isa ka lang. Nag-iisip ka ba? - sabi ko

Wala akong magawa! Ni hindi mabura sa isip ko nung makita ko yung mukha mo ng mabaril ka. That's a freaking torture for me! - sigaw niya

I don't care kung mapatay nila ako or what. This is about you DJ! Are you out of your mind? Isusugal mo yung buhay mo just because of who? For me? Hindi magiging worth it ang pagligtas ng kuya mo kung mapapatay ka rin nila ng dahil lang sa'kin. - sabi ko

Importante ka sa'kin Kristina. No one can hurt you again. I swear. - sabi niya

Paano mo ko poprotektahan? Tingnan mo yung sarili mo ngayon? Lumaban ka ng hindi nagpaplano. That's pointless. - sabi ko

I just want them to know na hindi dahil tumigil kami sa underground battle ay ganun ganun na lang. No. Sinaktan ka nila! Magkakamatayan na. - sabi niya

Napupuno siya ng galit. Argh.

Pero DJ, I'm still here. Buhay pa ko oh? Wag mo naman akong unahan. Maraming nagmamahal sayo. Wag mo sayangin yung pangalawang buhay na binigay sayo ng kuya mo. Kumalma ka, please? - sabi ko

Hay.Okay okay. I'll try. - sagot niya

Can I hug you? - tanong ko

Comfort hug. I think.

Lumapit siya sa'kin. Tapos niyakap niya ko.

Gago ka! Wag mo ng ulitin yon ha? - sabi ko

Wag ka ngang magmura. - tapik niya sa balikat ko pagkatapos naming maghiwalay

Aba! *palo sa braso* Ang bossy mo nanaman. - sabi ko

Aray! - sabi niya

May something sa jacket nito.

Remove your jacket. - sabi ko

Why? Malamig kaya. Pati jacket ba naman? - kaila niya

Remove it. - sabi ko

Dahan dahan niyang hinubad, nakikita ko sa mukha niyang nasasaktan siya. Ang daming sugat pero nakagamot na dahil may gasa.

See? Ginawa mong chopping board yung sarili mo. Napagamot mo sa matinong tao yan? - tanong ko

Yup. Si Sir Vladimir pa. - sabi niya

Good. Now I'm hungry. - sabi ko

Oh. Nakalimutan ko. Teka ikukuha lang kita sa kabila. - sabi niya habang papunta sa pinto

DJ? - tawag ko

Yes? - sabi niya sabay harap

Thank you for everything. - sabi ko

My pleasure. All for you. - sabi niya saka lumabas

He's really amazing.

So Many QuestionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon