CHAPTER 3: The Unusual Change

1.2K 42 32
                                    


CHAPTER 3: The Unusual Change

CHAPTER 3: The Unusual Change

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ASH


"Hey." Pagpasok ko pa lang sa bakuran ng mga Montecaztres ngayong tanghali, ay siya namang baba ni Uno sa kotse niya.


Lumingon siya sa direksyon ko. "Hey."


"Hindi mo kasama si Skye?"


"Nasa opisina. May kailangan lang akong kuning dokumento. Babalik din ako sa office," sagot niya bago kumunot ang noo. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"


"Pinapunta ako ng Mama mo," simpleng sagot ko lang. Ayokong manggaling sa 'kin kung bakit ako pinapunta ni Ninang Miles.


Tumango lang siya bago sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan namin si Ninang Miles na abalang-abala sa pag-aayos ng buong mansiyon kasama ang ibang kasambahay.


"Sobrang busy n'yo, Ninang," sambit ko para makuha ang atensiyon niya.


Lumingon siya sa direksyon namin. "Isabelle!" Lumapit ako at nagmano sa Mama ni Uno. Kumunot naman ang noo niya nang makita ang katabi ko. "Uno? Ang aga mo namang umuwi."


"May kukunin lang po ako. Babalik din ako sa opisina." This time, it was his turn to crease his forehead. "Bakit nagge-general cleaning kayo? May okasyon ba, 'Ma?"


Her smile widened and her eyes even lit up in delight. "Yes. Uuwi na ang kakambal mo," masayang anunsiyo ni Ninang Miles.


Nang tingnan ko ang mukha ni Uno, mababakas ang bahagyang pagkagulat doon, pero nang makabawi, ngumiti siya. "That's good news, 'Ma. What did you say to make him come back? Ayaw niya pang umuwi, 'di ba?"


"Sinabi kong 'wag na niya 'kong kakausapin kung hindi pa siya uuwi. Mukhang natakot naman siya."


"Hindi ka naman niya matitiis. Kahit ako ang takutin n'yo nang gano'n, siguradong mapapauwi rin ako agad. Besides, it's time for him to be back na rin. So, kelan daw ang balik niya?"


"Sa makalawa. Kami ni Isabelle ang susundo sa kanya sa airport."


Tumango-tango siya. Maya-maya pa, "What, 'Ma? Bakit ganyan kayo makatingin sa 'kin?" takang tanong ni Uno nang makahulugan siyang titigan ni Ninang Miles.

Twins Are In PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon