42.

2.4K 40 11
                                    

         "SIR?" tawag ni Ernest sa boss niyang kanina pa nakatulala habang nasa meeting.

         Nagising si Xavier sa kanyang pagkakatulala at bumungad sa kanya ang mga executives niyang nakatingin lang sa kanya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

         "I'll send my decision by tomorrow," sabi na lang ni Xavier sabay tayo at labas ng conference room.

         Naiwan sila Ernest at ang mga executives na nagtataka sa biglaang pag-alis ni Xavier at ang kawalan nito agad ng desisyong ibibigay sa kanila dahil hindi naman gano'n ang kanilang boss. Palagi itong may desisyon agad at hindi rin ito basta-basta umaalis ng meetings.

         "Paki-move na lang ang deadline, Mister Santibañez," sabi ni Ernest sa in-charge sa project na pinag-usapan.

         Tumango ang kausap at agad na sinundan ni Ernest ang kanyang boss.

         Pero hindi na niya ito naabutan.

         Pumasok ng elevator si Ernest at nakita niyang nakatayo sa loob habang nakapamulsa ang kaibigan ng boss niya. Nginitian siya nito at umusog nang kaunti para magkaro'n ng space si Ernest.

         "How's your boss?" tanong ni Derrick, ang pinakamatalik na kaibigan ni Xavier.

         "Halos isang linggo na ho siyang parang wala sa sarili," sagot ni Ernest.

         Tumango-tango si Derrick at sakto namang bumukas ang pintuan ng elevator. Pinauna ni Ernest si Derrick na lumabas at sinundan niya ito dahil pareho lang naman sila ng pupuntahan.

         "I haven't received the paperwork I asked from him. The deadline was two days ago," kuwento ni Derrick kay Ernest.

         Hindi sumagot si Ernest dahil maski naman siya hindi alam kung anong nangyayari sa kanyang boss.

         Pumasok si Derrick sa opisina ni Xavier. Hindi na siya kumatok.

         Nakita niya ang kaibigan na nakapikit habang nakasandal ang ulo sa upuan nito. Ilang beses din itong bumuntong-hininga.

         Anong problema nito? isip ni Derrick.

         "Xavier?" tawag ni Derrick sa kaibigan.

         Agad na nagmulat ng mga mata si Xavier at umupo siya nang maayos nang makita niya si Derrick na nakapamulsang naglalakad papunta sa kanyang lamesa.

         "What's up with you?" tanong ni Derrick.

         Umiling si Xavier at sinabing, "Nothing. I'm just tired."

         "Tired? Eh kahit naman pagod ka rati, you never miss a deadline. Even heard that you weren't able to make a decision for the next project immediately. They had to move it," sagot ni Derrick.

         Kumunot ang noo ni Xavier. Alam naman niyang wala siya sa sarili nitong mga nakaraang araw.

         Blaire's decision is making him confused.

         He can't lose Blaire. He can't lose a part of him again.

         But he can't afford losing Allie either. Alam niyang oras na pigilan niya si Blaire, Allie will hate him. He loves Allie. He can't afford losing Allie.

         He can't lose both.

         "Xavier?" tawag ulit ni Derrick sa kaibigan dahil napansin niyang nakatulala ito.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon