29.

2.2K 35 9
                                    

            "NAKITA mo ba 'yung pamangkin mo?" nakakunot ang noong tanong ni Martin kay Blaire. Kanina pa kasi niya hinahanap ang anak niya pero hindi niya makita kung nasaan iyon. "Kanina ko pa hinahanap. Baka mabugbog na 'ko ni Jessica," dagdag ni Martin.

            Hinarap ni Blaire ang pinsan at natatawang sinabing, "Alin sa kanila? Ang dami kong pamangkin, Kuya." Sa dami ba naman kasi ng pamangkin niya'y dapat maging specific na sa word na "pamangkin" ang mga tao sa paligid niya.

            "Caitlin," sagot ni Martin.

            "Oh. She's with Exequiel. She cried when Exequiel rode the car to pick up Benjie's cake kaya sinabi kong isama na lang. I told Jessica to tell you," sagot ni Blaire.

            "She didn't tell me," asar na sabi ni Martin. "Alam pala niya 'tas natatakot pa 'kong masapak niya," dagdag nito na ikinatawa ni Blaire nang malakas.

            "So, I heard from Michael that you invited Xavier," nakapamulsang sambit ni Martin bago pumirmi ng tayo sa tabi ni Blaire at pareho nilang pinanood ang mga tauhan ni Blaire na ayusin ang mga lamesa sa backyard ng nabiling bahay ni Michael.

            "The kids miss him kaya ginawan ko ng paraan," sagot ni Blaire kay Martin.

            "The kids or you?" natatawang tanong ni Martin at hindi sumagot si Blaire, bagkus ay tinawag niya ang isa sa kanyang mga tauhan para ituro ang lamesang hindi niya nagustuhan ang pagkakaayos.

            Martin waited. Hindi niya lulubayan ang kanyang pinsan dahil minsan lang naman niya ito asarin. Kaya lang ay siya si Martin. Kapag nang-aasar pa man din siya'y palaging may napipikon agad. "So?" tanong ni Martin nang matapos si Blaire sa pakikipag-usap sa tauhan nito.

            Tumaas ang kilay ni Blaire at sinabing, "You're still here?"

            Natawa si Martin at sinabing, "Aminin mo na kasing na-miss mo siya kaya mo siya inimbitahan. You're letting him back into your life again—"

            "Ever since I met him, he has already been a part of my life. I am not letting him back because he never left, Kuya," malamig na sabat ni Blaire. "Please lang, if mang-aasar ka, huwag naman ngayon because I'm not in the mood."

            "Woah!" sagot ni Martin at itinaas ang dalawa niyang kamay as a sign of surrender. "Okay! Okay! Sorry. Hindi ko sinasadyang asarin ka nang ganyan. Hindi nga ako mabubugbog ni Jessica, si Exequiel naman ang bubugbog sa'kin 'pag naabutang ganyan ka."

            "And hindi ko siya pipigilan," sagot ni Blaire sabay irap sa kanyang pinsan.

            "Isang utos mo lang naman do'n, susunod 'yun sa'yo," natatawang sagot ni Martin.

            Blaire chuckled and said, "Hindi siya under the saya sa'kin. May sariling utak 'yung tao 'no. Besides, mas under the saya si Exequiel sa Sweetie niya. Talo ako ro'n."

            "Malamang talo ka ro'n. Sino ka ba? You're an ex and she's someone special to him," pang-aasar ni Martin na ikinatawa na lang ulit ni Blaire.


            INAYOS ni Blaire ang pagkaka-plating ng Thor cookies ni Benjie sa glass platter sa kanyang harapan at iniabot iyon kay Carlo pagkatapos. Si Reneth at Zandro nama'y mga abala sa paglalagay ng icing sa ibabaw ng mga cupcakes na binake ni Reneth.

            "Hey," bati ni Exequiel kay Blaire at hinalikan niya sa noo ang dalaga bago ilapag ang dala-dalang dalawang boxes ng cake sa ibabaw ng kitchen counter kung saan nagple-plating si Blaire.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon