“Maiwan ko muna kayo…” wika ni Miyasaki at mabilis na lumabas sa silid. Magtatanong na sana si Tristan kung bakit at anong nangyari sakanya ngunit bigla nalang syang lumabas bago pa man makapagtanong si Tristan. Nagkibit balikat nalang si Tristan at umupo sa tabi ng asawa. Nakangiti nya itong tinitignan at nang hawakan nya ang kanang kamay nito may kung anong sumaksak sa puso nya.

Mabilis syang tumayo’t umupo sa mismong kamang hinihigaan ni Margaux at hinalikan ni Tristan ang malamig nitong kamay. Sa ikalawang pagkakataon o higit pa… heto na naman sya mararanasan na naman nyang yung sakit na naranasan nya ilang daang taon na ang nakakalipas.

“Mahal… hahaha…” tawa ni Tristan sabay tawa pero yung tawa nayun ay naging hagulgol na, na para syang inagawan ng paboritong laruan. Iyak lang sya ng iyak sa tabi ng kanyang asawa at minsa’y hinahalikan nya ang kamay, labi, pisngi, noo, mata, ilong ng asawa.

*INSERT SONG: Kay Tagal by: Mark Carpio*

*Akala ko’y di pa handang
Muling tumibok ang damdamin
Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko

“Mahal… naman eh… gumising ka jan… gumising ka jan eh… hindi ko pa nga nasasabi sayo ng harap harapan kung gaano kita kamahal… tapos tutulugan mo ko…  mahal… hoy… mahal naman eh~ ang buong akala ko… ang buong akala ko hindi na titibok pang muli ang puso ko dahil kasabay ng pagkamatay ng lobong mahal ko noon ay sya ring pagkamatay nito… kaso eto eh… ikaw yung dahilan kung bakit pa ako lumalaban tapos… gumising ka na kasi…” nakapikit sya’t hawakhawak ang kamay ni Margaux habang lumuluha’t nagmamakaawa.

*O kay tagal kitang hinanap
O kay tagal ko ring nangarap
Na makapiling ka
O aking mahal…
Pangakong hindi ka iiwanan
At hindi pababayaan
O anong saya ang nadarama

“Mahal… please Mahal… kung ano man ang nasa panaginip ko… please don’t let that happen… ayokong mangyari yun… ayokong mawala ka sakin ulit katulad nalang ng pagkawala nya ng harapharapan… ang tagal kong nangarap na masilayan kong muli ang mga ngiti nya na madalas kailangan pang paghirapan… yung bawat galaw nya… yung mga titig nya na hindi ko mapaliwanag kung ano… at ang lahat ng sakanya… ngunit ako pala yung iiwan nya…” wika ni Tristan habang natatawa ngunit hindi na nya mapigilan ang luhang kusa nang tumulo sa kanyang mata.

*Di kailangang magpangap
Walang kailangang baguhin
Sadyang ginawa para sa isa’t isa
Di kailangang magmadali
Buti nalang ‘di pinilit
Alam ko naman na ikaw ay darating

“I thought you are my Misaki… but… unfortunately you’re not… because you are Margaux… my wife… my beautiful and loving wife… at first ang buong akala ko talaga may kasintahan ka na at worse ikakasal ka na nung unang pagkikita natin sa parking lot ng mall… but I was wrong because all along sakin ka… sakin ka itinadhana…” wika nya’t hinalikan ang labi ng asawa’t muling umupo sa kanyang kinauupuan.

“Ang akala ko noong una sya yung kakambal ko…” napabaling si Tristan sa kanyang likoran nang marinig nya si Miyasaki. Dahan dahang pinunasan ni Tristan ang luha nya.

“Hindi pala…” pagpapatuloy ni Miysasaki sa kanyang sasabihin at umupo sa sofa di kalayuan sa kama.

“Ikaw ba… napagkamalan mong sya si Misaki?” tumalikod lang si Tristan bilang sagot. Totoo na napagkamalan nya si Margaux na si Misaki noong una pero may iba sa kanila na madidistingush na malalaman mo kung sino ang sino at mayroon ding pagkakapareho sa dalawa. At yung pagkakapareho nun ay yung pagtibok ng puso nya.

“I know it’s really hard for us, especially for you dahil alam kong mahal na mahal mo ang kakambal ko noon… at ngayon na nakikita kung gano mo kamahal si Margaux. Hindi bilang Misaki kung hindi bilang Margaux…” napangiti nalang si Tristan.

“I love her… I love Misakui… but I love her too… don’t get mad at me pero mas mahal ko si Margaux sobra at sobra sobra akong natatakot na baka sa pagkakataong ito mawala na naman sya sakin… katulad nalang ni Misaki…” napangiti nalang ng malungkot si Miyasaki sa sinabi ni Tristan.

“May mga bagay talaga na kailangan mawala dahil it’s either bad or good… parehas na kailangan nilang mawala for better to best outcome sa isang buhay,” hindi nalang sumagot si Tristan at ngumiti nalang sa bangkay ng asawa.

“Best… will be worse…” bulong ni Tristan.

Isang lingo na ang nakakalipas pagkatapos ng pangyayari sa palasyo at nakatitig lang sa malayo si Tristan. Iniisip ang mga nangyari sa nagdaang lingo. Nasa terrace lang sya ng kanilang kwarto at ipinapahinga ang kanyang utak sa mga bagay bagay na nangyari sa nagdaang isang linggo. Isang linggo narin ang nakakalipas nang mapagdesisyunan nya na sa kanilang bahay nalamang ilagay ang katawan ni Margaux sa mismong kwarto nila. He uses his power para hindi ganoon kadaling maagnas ang katawan nito.

“Bro…” nilingon naman nya ang tumawag sakanya.

“Cai… anong ginagawa mo dito?” walang gana nyang tanong.

“May dinala lang akong mga mahahalagang dokumeto para pirmahan mo… hindi ka na naman kasi pumasok,” tumango lang si Tristan at uminom ng wine. Napansin naman iyon ni Caiden at napailing nalang sya. Hindi na sya nagulat pa nang makakita sya ng kakaiba sa kwarto lalong lalo na ang mya yelong nakabalot dito.

Sa loob ng isang linggo ay naging CEO na si Tristan kapalit ni Margaux at dahil narin sa tulong ni Caiden ay naupo sya sa bilang CEO at maging sa kumapnya ng Lolo ng asawa. Mas pinili nalang ni Caiden na maging sekretarya o maging personal secretary ni Tristan upang magabayan ang kaibigan at mabantayan narin sya kung sakali mang balakin na naman nyang patayin ang sarili nya.

“Hinahanap ka ng mga board at ng iba pang investors…” nagkibit balikat nalang si Tristan at uminom na sa bote ng wine. Wala naman syang pake kung hanapin man sya o hindi.

“Nandito lang pala kayo…” sabay silang dalawa na tumingin sa nagsalita.

“Ikaw pala Miya… may kailangan ka?” tanong ni Caiden pero umiling lang si Miya bilang sagot. .

“Doon tayo sa salas may inihanda si Mama …” nagkibit balikat nalang si Caiden at tumingin kay Tristan na nakatanaw lang sa malawak na hardin habang umiinom ng mamahaling wine.

“Sumunod ka nalang sa baba, bro…” hindi na hinintay pa ni Caiden na sumagot si Tristan at sumunod na kay Miyasaki.

Inubos na muna ni Tristan ang kanyang inumin bago pumasok sa loob ng kanilang kwarto. Pagkahiga ni Tristan sa tabi ng asawa ay hinalikan nya na muna ito sa labi. Nababaliw na nga talaga sya o dahil sa kalasingan ay naramdaman nyang tumugon ang asawa hanggang sa nakatulog na sya sa tabi ng asawa.

Naalimpungatan si Tristan nang may humahaplos sakanyang pisngi. Papungaypungay nyapang idinilat ang kanyang mata ngunit parang biglang nawala lahat ng antok na nararamdaman nya ng makita nya ang asawa na nakangiti sakanya.

“Good morning…” nakangiti nitong bati sakanya. Napaupo naman ng maayos si Tristan at pinagkatitigan ang asawa. Natawa nalang si Margaux sa inakto ng asawa.

“I said good morning…” ulit nito. Para namang naputulan ng dila si Tristan at hindi ito makapagsalita. Nailing nalang si Margaux at hinalikan ang pisngi ng asawa. Parang doon nakumpirmani Tristan ang tanong sa isip nya. Bigla nalang nyang niyakap ang asawa na syang ipinagtaka ni Margaux.

“Hey… what’s the matter?” umiling lang si Tristan bilang sagot. Nakumpirma lang naman ni Tristan na buhay ang asawa dahil sa mainit nitong hininga, sa mainit nitong palad at sa mainit nitong katawa. Hindi masabi ng deretcho ni Tristan ang totoong dahilan dahil baka hindi ito maniwala sakanya.

“Tara na doon sa baba… sabay na tayong magbreakfast…” sgad namang bumitaw si Tristan sa pagkakayakap nito sa asawa at mabilis na binuhat ng pabridal style na ikinatili ni Margaux pero ikinatawa rin naman ng huli.

Nakayakao lang si Margaux sa leeg ni Tristan at humahagikgik kasi nakikiliti sya sa balbas nito na nararamdaman nya sakanyang braso. Ngunit nang makbaba sila ng hagdan ay nagsimula nang magtunog daing ang mga hagikgik nito.

“Mahal?” nagaalalang wika ni Tristan. Inilapag naman nya ang asawa sa sofa ngunit bigla syang nabato sakanyang kinaluluhuran nang makita nyang punong puno ng dugo ang sofa pati narin ang sahig. Nakangiti si Margaux sakanya.

“Huli ka na…” wika nito bago tuluyang baiwan ng buhay.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now