Chapter 3

23.5K 931 106
                                    

"Gross discourtesy to a senior officer?" nanlalaki ang mga matang basa ni Dixie sa nakasulat sa Memo. "And you are dismissing me?"

Hindi inaalis ni Wolf ang pagkakatitig sa mukha ng Executive Assistant niya habang hinihimas ang papatubong balbas sa kanyang baba, nakapagkit ang gumaganting ngisi sa labi. Minasdan niyang mabuti ang EA, kontrolado ang panginginig ng boses nito pero ang pagtaas-baba ng dibdib ay senyales na nagpupuyos ang kalooban ng babae. "Yeah, your asshole of a boss can actually terminate your employment. Nagulat ka ba? Nagulat ako, eh. Akalain mo iyon?" nakakaloko niyang sabi, malinaw ang sarkasmo sa boses. "You are fired, Ms. Niola."

Pinatigas ng dalaga ang mukha. "I demand my right to due process. This is illegal Dismissal. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi tama ito, lalaban ako."

Naningkit ang mga mata niya. Ito ang unang pagkakataong may empleyadong ikinaskas sa pagmumukha niya na illegal dismissal ang gagawin niyang pagtanggal dito. Ano ang karapatan nitong hamunin ang katatagan ng desisyon niya? Gustong lumaban, despues ibibigay niya. He smiled wickedly at her, an almost devious look on his face. "By all means. Get a legal counsel or a lawyer. Whatever makes you happy." Pagkasabi niyon ay tahasan na niyang inignora ang presensya nito. Itinuon niya ang mga mata sa mga pinipirmahang dokumento. Nagulat na lang siya nang biglang hilahin iyon ni Dixie. Nagbabaga ang mga mata nito. He could tell that she was painfully mad.

"I am sorry for calling you an asshole," simula nito, bagaman walang himig ng pagsisisi sa boses.

He raised his brows at her, daring her to continue. Let the hellcat fight with all her might.

"But I think someone ought to tell you that you are an asshole, c*cksucker, chauvinist pig!" Her little mouth spewed out foul words.

Wolf could read 'profanity' across her beautiful face. Hindi naman pala ito ganoon ka-composed. Naubos din ang kontrol nito sa katawan. And he liked Dixie better in her savage mode. Imbes na magalit ay lalo lang siyang naaliw dito. Pinagkrus niya ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib at napapantastikuhang tumitig sa dalaga. "Correction, I don't suck c*cks, baby." Bumaba ang tingin niya sa katawan ng EA. "I eat p*ssy," he teased, at sinabayan iyon ng mapang-akit na kindat.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at halos suminga ito ng apoy. "Napakabastos mo!" hiyaw nito at inihagis sa mukha niya ang hawak nitong mga papeles. "Magfa-file ako ng kaso at sisiguruhin kong matatalo ka!" Pigil pa rin ang pangangatal at suwabe ang pagkilos na tumalikod ito at tuluy-tuloy nang lumabas ng silid.

Sa kabila ng mainit na sagutang naganap, ay napangisi pa rin siya. "Graceful." Hindi niya maalis ang tingin sa malapad na balakang at maumbok nitong puwit. He wondered how many men were willing to die just to touch her wonderful ass? Napailing siya at ibinalik ang atensyon sa mga pinipirmahang dokumento na halos lamukusin na ni Dixie kanina.


HINDI MALAMAN NI WOLF kung maiinis or matatawa siya habang binabasa ang natanggap na summon letter. Tinotoo nga ni Dixie ang banta nitong mag-file ng kaso. Inirereklamo nito ang ilegal na pagtanggal dito sa trabaho at sinisingil ang hindi nagamit na leave credits.

"You don't have to attend the conciliation conference, Mr. Gaston. Ako na ang bahala sa kasong ito," anang abogado ng kompanya, Si Atty. Cayabyab. Nasa kwarento y singko palang ang edad ng abogado pero manipis na ang bahaging tuktok ng ulo at inuuban na ang patilya. Minsan gusto niya itong bilhan ng blackening shampoo para sa mga naglilitawan nitong uban. Sa tingin niya rin ay masyadong payat si Atty. Cayabyab.

He smiled slyly. "Gusto kong dumalo, Atty." Madali niyang kinuha ang susi ng bagong bili niyang Honda Civic Type R, 2019 model. Nasa pinto na siya nang maisipang lingunin ang abogadong hindi na gumalaw sa kinatatayuan at nagtataka sa mga ikinikilos niya. Hindi nga naman normal na tila sabik pa siyang makita ang taong nag-file ng illegal dismissal laban sa kanya. Well, he couldn't help it, he wanted to see the little hellcat. "Atty. Cayabyab, tara na," tawag niya sa abogado. Tumango naman ito at sumunod na sa kanya. Tinawag niya ang kanyang temporary EA, si Fred. "Hey, Fred, you know how to drive?"

Sandaling napatunganga ang tinawag na Fred bago ito alanganing tumango. Naninibago ito dahil hindi niya naman ito madalas kausapin. Kinakausap niya lang ang lalaki kapag may gusto siyang ipagawa.

"Great! Ipag-drive mo kami." Inihagis niya ang car key sa lalaki at maliksi pa rin ang kilos na naglakad palabas ng gusali.

Hindi mawala-wala ang ngisi sa labi niya habang daan patungong ahensya. He couldn't wait to see Dixie again and her favorite all-week outfit black slacks, black shoes. "Finally, we are here!" anunsyo niya. Once the car came to a stop, he jumped off the car. Napailing na lang si Atty. Cayabyab na nakasunod sa kanya papasok ng ahensya.

Namataan agad niya si Dixie at tama ang hinala niya. She wore an elbow length sleeve white turtle neck shirt, and her fave black slacks and shoes. Mahigpit ang pagkaka-bun nito sa buhok. He wondered if her head hurt with all that thick hair tied back so tight. Nakaupo ito sa isa sa mga nakahilerang upuan sa tapat ng silid kung saan gaganapin ang conciliation conference. May kausap itong nakabarong na lalaki na kasing-edad lang marahil ni Atty. Cayabyab. Payat din ito at may uban pero ang kaibahan lang ay malago pa ang buhok nito.

"Hi again, Ms. Niola. Kumusta ka na?" nakangisi niyang bati sa dalaga, nagkukunwaring maamo. Hindi umimik si Dixie at pinukol lang siya ng matalim na tingin. Wala pang limang minuto ay pinatawag na sila sa loob ng silid para sa mandatory conciliation – mediation.

Puno ng tensyon ang linya ng panga ni Dixie, pormal na pormal ang mukha nito, at derecho sa punto kung magsalita. "Tinanggal na lang ako basta-basta ni Mr. Gaston. Naniniwala akong hindi makatarungan ang pagkakatanggal sa akin. Walang due process. Ni walang in-issue sa aking termination papers. Kung naniniwala siyang may nagawa akong hindi umaayon sa polisiya ng kompanya, dapat ay binigyan pa rin niya ako ng karapatang maipaliwanag ang sarili ko. Walang notice of explanation, walang preventive suspension, walang hearing, walang legal na mga dokumento."

Napailing-iling ang opisyal. Pinag-aralan nito ang mga dokumentong inihain ng kampo ni Dixie. Nagtanong ito kalaunan kung may settlement offers ang partido nila. Ang gusto ni Dixie ay bayadan ng kompanya ang mga unused leave credits nito, ibigay ang prorated income tax return and 13th month pay, at bigyan ito ng maayos na separation pay. 

Holy cow, the nerve of this woman! Nasa probationary period pa lang ito at hindi pa nga tuluyang nare-regularize sa trabaho. If not for her wonderful ass, baka unang araw palang ay pina-terminate na agad niya ito. The woman was stiff! Oo at ayaw nga niya sa EA na supreme ang grado sa paglalandi, pero sobra-sobra naman ang kapormalan ni Dixie.

Hindi umayon sa settlement ang kampo niya. Tiyak na matagal bago matapos ang kasong iyon. Ano naman ang pakialam niya? Kung iniisip ni Dixie na makukuha nito ang gusto ay nagkakamali ito. He would never let her win. Isa pa, ano pa ang halaga ng isang mahusay na abogado kung hindi nito maipapanalo ang kaso? Si Atty. Cayabyab na ang bahala sa lahat. And he can get back to his business. Hindi si Dixie ang pag-aaksayahan niya ng oras.

Palabas na siya ng ahensya at lumulan sa kanyang sasakayan. He wore his luxury sunglasses and rolled down the window. Inabutan niya ng limang daan si Fred. "Get a taxi. Isama mo na si Atty. May pupuntahan pa ako," nakaismid niyang sabi. Hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang mamataan niya ang pamilyar na pigura ni Dixie, his ex EA. Nakatayo ito sa gilid ng kalsada at malamang ay naghihintay ng taxi. Pumarada siya sa kabilang gilid ng kalsada at pinanood ang dalaga. Tinted ang salamin ng kotse niya kaya komportable siyang panoorin ito. He watched her, contemplating. Iniisip niya kung susundan ba niya ito o hindi. At bakit nga naman niya ito susundan na parang siraulong stalker? For the record, hindi pa siya nasisiraan ng ulo.

He was about to press down on the gas pedal but changed his mind. Inis niyang hinampas ang manibela. Dixie was driving him insane! Nang sumakay ng taxi ang dalaga ay sinundan niya pa rin ito. Bumaba ito sa Alona pastry shop at nagkiskisan ang mga bagang niya nang makitang sinalubong ito ng lalaking lakas maka-korean idol ang porma—blue steel grey ang kulay ng buhok at naka-kulay kapeng trench coat. Kahit sa malayo ay natitiyak niyang singkit ito at mapula ang labi.

Ang lalaki ba ang sinasabi nitong boyfriend?

"Okay, f*ck, you win!" Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Atty. Cayabyab. "Attorney, please call Ms. Niola. I'll make her an offer she cannot refuse... reinstatement plus 500,000 pesos." Ibinaba na niya ang telepono pagkasabi niyon. Muli niyang pinukol ng masamang tingin ang pastry shop. "I want you, Dixie, I'll make you mine. And I don't care if things get messy and dirty."

Possessive 4: STOLEN (PUBLISHED - Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon