Pumasok sila doon.

"Sir, Mr. Monteverde is here." May ibinigay itong folder sa lalaking nakaupo sa likod ng mesa.

Hans Lorenzo is not that old katulad ng inaasahan niya. Hula niya ay kasintanda niya lang ito.

Nginitian nito ang sekretarya. "Thank you, Angel. You can leave us now."

Tumango lang ang babae at lumabas na.

"Have a seat, Mr. Monteverde."Iminwestra nito ang upuan sa harapan ng mesa nito.

Tumalima siya.

Sumandal ito sa swivel chair at binuklat ang folder na ibinigay ng sekretarya. Hula niya ay resume niya iyon.

"Uh-huh... Khiane Harold Monteverde. How must I call you?"

"Khiane is fine, sir."

"Okay, Khiane. Nagtapos ka ng architecture sa Ateneo then nag-aral ka at nagtapos ng Fine Arts Photography sa UP. That's good."

"Thank you, sir," nahihiyang sabi niya.

"After some experiences in architectural firm, naging freelance photographer ka. How was that? Bakit bigla kang nagshift sa photography?"

"Bata pa lang po ako, hilig ko na ang photography. Nang makatapos ako ng Architecture, naisip kong kumuha ng ilang units sa Photography. Then as years gone by, mas nagustuhan ko ang pagpi-freelance. Mas kontento ako sa pagtake ng pictures."

Tumatangu-tangong sabi nito at muling bumaling sa resume niya. Binasa nito iyon saglit at muling bumaling sa kanya.

"Monterverde is somewhat familiar to me." Saglit itong nag-isip. "MVM Holdings. Right! Kaanu-ano mo si Mr. Leonardo Monteverde?"

"Actually..." Napalunok siya. Pagkuwa'y nahihiyang tumingin dito. "He's my father."

Nabigla ito sa sinabi niya. "Oh?"

Ngumiti lang siya.

"Why... Why? I mean, bakit ka nag-apply dito gayong hindi mo na pala kailangang maging employee lang? You're already a boss in your company."

"As I said,  I'm more contented in my career now. Mas gusto kong sundin ang sarili kong pasya. Mas gusto ko ang buhay ko ngayon kesa sa buhay na ibinibigay ng father ko."

Sa totoo lang ay matagal na siyang kinukulit ng ama para tumulong sa pagpapatakbo ng sarili nilang negosyo. But he refused. Ipinaubaya niya na lang sa dalawang nakatatandang kapatid ang tungkuling iyon. Mas ginusto niyang mabuhay sa sariling paraan. Nasusunod niya kasi ang sariling gusto niya at hindi na niya kailangang magpanggap na gusto niya ang mga ipinagagawa ng ama.

Napatangu-tango naman si Hans. "Can I see you sample shots now?"

"Sure." Hinagilap niya sa bag ang folder niya at ibinigay iyon dito.

Iyon naman ang binuklat buklat nito.

"It's awesome. You're really good."

Ngumiti lang siya.

Ilang tanong pa ang ibinato nito sa kanya.

"Very well then. Come back here tomorrow for your orientation. Saturday bukas. So hopefully, makapagsimula ka na on Monday."

Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga po?"

Nakangiting tumango ito. Pagkuwa'y tumayo at inilahad ang palad sa kanya.

Masiglang tumayo rin siya at inabot ang palad nito.

"Welcome at Lee Advertising Company, Khiane."

MY DILEMMA By Syana JaneWhere stories live. Discover now