#Chapter35

617 9 0
                                    

#Chapter35

Misha's POV

"I hate you" mahina kong sabi, nakita ko naman nag iba ang emosyon sa mukha.

"Bakit mo kailangang sabihin ang mga bagay na yun JM? I hate you for that"

"I know I know, I'm sorry" gumalaw naman ito at hinalikan ako sa noo.

"Magising mo si Masha" suway ko sakanya.

"Babawi ako Misha, babawi ako, j-just accept me please" mahina nitong sabi at hinalikan ulit ako sa noo ko.

"Hindi madali yun JM"

"Hahayaan mo ba akong ligawan kita? uhm?" tinitigan niya naman ako, sobrang lapit na ng mga mukha namin na pati ang hangin mahihiya ng dumaan sa gitna namin.

"Fine" nakita ko naman ang pag ngiti niya at hinalikan ako sa labi ng mabilis agad naman itong lumayo pero hindi pa din nawawala ang ngiti niya.

"Bakit ka nang hahalik? nangliligaw ka palang" reklamo ko sakanya, ninakawan niya talaga ko ng halik? ganon ba siya mangligaw ha?.

"Hindi ko mapigilan sorry" pag hingi niya ng tawad pero nakangisi pa ito, hinawakan niya naman ang kamay ko at hinalikan niya ito.

Siguro nga kailangan kong tanggapin si JM sa buhay namin, pero hindi naman ganon kabilis yun.

"Matulog ka na Misha"

"Yeah goodnight"

"It's morning"

"Whatever"

Narinig ko naman ang pag tawa niya ng mahina, umayos naman ako ng higa, babawin ko na ulit sana ang kamay ko pero he intertwine it kaya wala na akong magawa.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at nagpatangay sa antok.

"Mommy good morning" nagising naman ko sa pag halik ng anak ko pero hindi ko minulat ang mata ko.

"Daddy good morning"

"Uhmm Good Morning din baby"

"Shh, mommy is sleeping" saway ng anak ko sa tatay niya.

"Good Morning Misha" bati naman saakin ni JM at hinalikan niya ako sa noo ko.

Naramdaman ko naman ang pag galaw ng kama. Pinakiramdaman ko muna ang paligid.

"Careful baby, where are you going?"

"Bath"

Tahimik naman ang paligid ng ilang segundo, naramdaman ko naman ang paggalaw ni JM, niyakap niya naman ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo.

"Ito ba galawan ng mga manliligaw dito sa Pinas?" minulat ko na ang mata ko at tumingin sakanya. Nakita ko pa ang pagkagulat niya pero napalitan ito ng ngiti.

"Hahayaan mo ba ako kung ganito?"

"No let's do the Spaniard's thing"

"Hayaan mo muna ako hanggang hindi pa tayo lumalabas sa kwartong to"

"Ang kapal mo naman!" tinulak ko ito at bumangon na ako, medyo nahilo pa ako sa pag bangon ko.

"Okay ka lang? matulog ka kaya muna? ilang oras lang ang tinulog mo"

"I'm fine JM, pupunta pa ako sa kompanya ngayon"

"Bakit naman?"

"Alice's offer me some work there"

"Kung ganon bakit ka pa umalis kagabi kung may lakad ka pala ngayon"

"Pa fall ka" biro ko sakanya, nakita ko naman ang pag tawa niya.

"Bakit nahuhulog ka na ba?"

"Hindi ako marupok gago"

Niyakap niya naman ako sa likod ko at siniksik ang mukha sa likod ko.

Ang clingy niya masyado ngayon? ganito ba talaga to? o ngayon lang? dala lang ng kalasingan niya.

"Mommy Estás despierto" masayang pahayag ni Masha na kalalabas lang ng cr at may hawak na toothbrush at toothpaste.

"Sí baby, qué quieres?" pag tatanong ko kung anong kailangan niya.

"Daddy Está realmente aquí Es verdad?" tumawa naman ako ng mahina, hindi pa pala makapaniwala yung anak ko na andito na yung tatay niya at talagang tinanong niya pa ako.

"Sí baby"

"Hey please no other language please, tagalog or english only so that we'll understand each other" kumamot pa itong si JM sa batok niya, tumayo na ito at kinarga si Masha, inabot naman ni Masha ang toothpaste kay JM, binuksan naman ito ni JM at nilagyan ang toothbrush nito.

Nawala na siya sa paningin ko, pumasok na sila sa CR, kaya tumayo nadin ako at niligpit ang kumot at inayos ang mga unan bago ako sumilip sakanila sa CR.

"I told mommy if it's true that you're my daddy"

"I am baby"

"Yes I know we have the same eyes"

Bago ko pa marinig ang ibang usapan nila, umalis na ako at lumabas nalang ng kwarto.

"Lil sis, you're awake, where's JM?"

"Nasa loob, inalagaan si Masha"

"You okay"

"Yeah I'm fine"

"It's good to hear" sabay naman kaming bumaba ng hagdan nag usap kami ng kung ano ano gamit ang sarili naming lenggwahe.

Nalaman ko sakanyang tinanong pala siya ni JM kagabi pagkatapos namin mag usap, na talaga bang anak niya si Masha, sarap nga daw upakan ni JM kagabi dahil sa kung ano ano ang iniisip.

Pinagalitan niya din ako dahil nalaman niya kung san ako pumunta, buong bahay daw kasi hinahanap ako ni JM tumigil lang ito ng sabihan siya ni Kuya na bigyan lang ako ng oras makapag isip.

"Hasta detenido con los comandantes del corazón del tío" (Tumigil ka na sa mga pinapagawa sayo ni tito)

"Papatayin ko pa sa Hansel" sabi ko naman na may galit na sa tono ng pananalita ko, hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa saakin ni Hansel, dapat talaga akong bumawi, kailangan ko siyang patayin.

"Puedes besar a Misha, pero los demás lo detienen." singit naman na sabi ni Alice saakin.

Andito na kami ngayon sa hapag kainan, hinintay nalang namin yung iba dumating, yung pamilya ni Belle at ni Alice wala pa dito kahit sila JM at ang anak ko wala pa.

"Let me think first Alice" nakita ko naman ang pag buntong hininga niya at umiling nalang sa tugon ko.

Hinding hindi agad mawawala saakin ang pag patay lalo na't ito lang ang naging trabaho ko sa Spain, kung sila kaya nilang iwan yun ako hindi, hindi ko din alam anong rason bakit nila tinalikuran ang dati nilang buhay na sa katunayan sa buhay na yun sila lumaki.

Naging normal na saamin ang pag patay o pag nakaw dahil sinanay kami noon paman pero simula nung ikasal itong dalawang to, tinalikuran na nila ang buhay nila noon.

Napaisip nalang din ako sa naging rason, siguro dahil narin sa mga asawa nila, imagine mananakaw tapos yung asawa police? tapos mamamatay tao ka tapos yung asawa mo doctor?

Kaya may parte din saakin na ayaw ko kay JM dahil abogado ito baka pag magkataon matulad ako sa dalawang to wala ng kaexcite excite yung mga buhay nila.

Kung wala lang talaga akong anak mas gugustohin ko pang maging single na may excite padin sa buhay ko kaysa sa mag patali sa isang pamilya na tulad nitong sila Belle at Alice.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now