Ika-apat na Kabanata

391 3 0
                                    

PAGBABALIK

Ayon nga sa iba, ang pag-ibig ay sadyang komplikado lalo na sa mga taong nagmamahal ng tunay ngunit lagi silang niloloko. Sino nga ba ang may sala, ang taong di ka pinaglaban? O ang taong ginawa ka lamang laruan?

Baka naman parehas, parehas na nagkulang. Napakasakit isipin na sadyang may mga bagay na hindi maibabalik sa dati...mga bagay-bagay na hindi na maisasayos pang muli.

Sa isang sulok sa puso ni Kerubin siya ay nakaala-ala. Naalala niya ang tungkol kay Karimlam at sa supling nilang si Puso.

Sino bang magaakala na siya ay binurahan ng memorya ng dakilang si Bathala? Ang Bathala na dapat sana ay magpalaganap ng kabutihan, ngunit ika nga nila: Lahat ng pangyayari ay may rason. Hindi naman natin alam ito.

Ano naman kung bumalik ang memorya ni Kerubin? Mababago niya ba ang dikta ng Langit? Mababago niya ba ang mga pangyayari. Mabubura niya ba lahat ng masasakit na ala-alang dinulot ng kaniyang pagkalimot, marahil hindi ngunit sinisugurado niyang gagawa siya ng paraan upang maibalik ang lahat sa dati.

Inumpisahan niya ito sa pakikipaghiwalay sa kaniyang asawa. Masakit rin sa kaniya na mawalay sa isang tao na natutunan niya ng mahalin pero mas nangingibabaw ang dikta ng kaniyang puso at ang isinisigaw parin nito ay pangalan ni Karimlan.

Si Karimlan na walang hinangad kundi ang kabutihan ng minamahal niya sa buhay.

Teka...bakit nga ba naging baliktad? Ang diyos ng kasamaan ay naging mabuti at ang mga diyos at diyosa ng kabutihan ay naging masama.

Walang makapagsabi dahil lahat ng bagay at tao sa mundo ay nagbabago. Ito ang nanatiling permanente sa mundo.

Napapatunayan na nga lamang nito na ang mga taong masasama ay maari rin namang magbago. Nababago ito ng dahil sa pagmamahal na tunay at pakikipag-sapalaran sa walang katiyakang ugnayan.

Hindi ito isang bagay na basta mo na lamang makukuha dahil lahat ng bagay ay kailangang pagsikapan at kailangan nararamdaman. Ito dapat ang bumubuo sa tao, ang siyang nangingibabaw sa lahat ng tao. Kailangang siguraduhin at piliin.

Balik kay Kidlat, hindi siya pumayag sa isinasaad ng asawa. Alam naman niya na sa una pa lamang ay pinarusahan na ni Bathala si Kerubin sa pamamagitan ng pag-alis nito ng kaniyang memorya ngunit wala siyang ginawa. Pinagpatuloy niya lamang binibilog ang utak ni Kerubin at sinasamantala ang pagkakataon upang makuha ang puso nito.

Napakasama ng kaniyang ginawa pero lahat ng tao ay hahamakin ang lahat ng masasamang bagay sa mundo para lamang sa pag-ibig pero hindi mo na maituturing na pagmamahal ang pagkontrol sa isang tao. Isa na itong anyo ng pag-aari sa isang tao at mali ito, maling mahalin ang isang tao na naghahangad ka ng nakakasama para sa kanya.

Ito ang mga bagay na dumadaloy sa isip ni Kidlat pero wala na siyang magagawa e, wala na siyang laban. Hindi niya na rin pwedeng ipagpatuloy ang laban dahil ang utak lamang ang nakakalimot ngunit ang puso ay hindi.

Alam niya na sa puntong iyon ay naihatid na ng puso ang mga imaheng nalimutan ng kaniyang minamahal at wala na siyang nagawa kundi magparaya. Hindi lamang para sa ikakabuti niya kundi para na rin sa ikakabuti ng lahat.

Labis ang galak na naramdaman ni Kerubin, siya ay dali-daling umalis ng palasyo at pinuntahan ang kaniyang mag-ama.

Napakagaan ng pakiramdam niya dahil sa wakas, masisilayan na rin niya ang kaniyang irog. Hindi na siya makapaghintay na mayakap ang dalawang tayong nagpapasaya sa kaniya. Ang taong naging rason ng kaniyang pagkabuhay.

Sa bawat daan na kaniyang tinatahak ay napakalawak ng ngiti niya sa mga labi, tila isang hayop na nakawala sa kulungan at tila isang presong nakawala sa piitan. Nakaramdam siya ng kapayapaan at ang pagmamahal na matagal na niyang kini-kwestyon kay Kidlat dahil hindi pagmamahal sa kapwa tao ang kaniyang naramdaman dito kundi pagmamahal sa isang kaibigan.

Ngayon, ramdam niya na ang isang pagiging ina at ang mga gampaning kailangan niyang harapin at bigyan ng paliwanag. Kailangan niyang linisin ang kaniyang pangalaan para sa pinakamamahal na kasintahan niya na si Karimlan.

Nakarating na nga siya sa palasyo ni Karimlan. Nagbago na ito ng tuluyan kung dati nasisigurado ang kalinisan at kagandahan nito, ngayon ay parang hinayaan na lamang na lipasan ng taon at lipasan ng kagandahan. Napabayaan na ang tahanan nila.

Tinubuan ng napakaraming mga halaman ang palasyo at muka na ring abandonado dahil sa taglay nitong kalumaan. Bagama't napakaraming nagbago sa lugar na ito ay naaalala na niya ang mga ala-ala nila ni Karimlan dito. Ang pagmamahal na hinandog nila sa isa't-isa.

Naglakad siya papasok sa palasyo at ang unang bumungad sa kaniyang harapan ay isang taong tinubuan ng buhok at balbas. Si Karimlan, saad ng kaniyang puso.

Tulad ng una nilang pagkikita, nagtitigan lamang ang dalawa at unti-unting lumapit si Karimlan kay Kerubin. Dinama nito ang maamong mukha ng dalaga. Iniisip niya na baka panganip ang lahat ng ito.

Tumulo ang luha ni Kerubin at dagling niyakap si Karimlan. Labis ang pangungulila sa kaniyang asawa.

Nagyakapan at nag-iiyakan ito ang eksenang nadatnan ni Puso. Naramdaman niya naman ang pagkabuhay ng dating sigla ng ama kaya nakangiti na lamang siya habang pinapanood ang ama na masaya. Napakarami na ring ginawang sakripisyo ang ama niya para sa kaniya at kaya niya ring tanggapin muli ang ina makita lang na masaya ang ama. Gagawin niya ang lahat para sa ikakaligaya at ikakabuti ng ama.

Sila ay nabuo muli sa hapag-kainan at doon na nai-kwento ni Kerubin ang ginawa sa kaniya ni Bathala.

Nagkapatawaran ang mag-pamilya at natulog ng payapa ngunit ang hindi nila alam ay sa susunod na umaga, may bago na namang pagsubok ang darating upang masukat ang tibay ng pagmamahalan nila. Isang pagsubok na wawasak na talaga sa kung anong meron sila. Mga pagsubok na maghahatid ng kalungkutan at aral para sa mga tao ng sanlibutan.

-------------------Last 4 chapters----------------

Don't forget to vote, comment and follow me😍

Xoxo,
Mara Agustin Chinayeo

Digmaan ng Langit at Lupa- Mitolohiya (On-going)Where stories live. Discover now