Ikatlong Kabanata

660 3 0
                                    

Pagsasama

Dumating na nga ang araw na nagkaroon din ng lakas ng loob ang dalawa. Sila ay nagkita. Hindi naman nag-usap pero parehas nilang tinahak ang lugar kung saan nila unang nasilayan ang isa't-isa at pagdating nila sa naturang lugar, natagpuan nila ang isa't-isa.

Nagtitigan lamang sila at walang ni isang tinig na lumabas sa kanilang mga bibig ngunit ang puso ay tila nag-uusap. Hindi man mag-usap pa, alam na nila na may isang bagay na nagkokonekta sa kanila...at ito ang kanilang mga puso.

Pagkatapos ng napakahabang titigan, nag-usap na rin sila. Nagpagpasiyahang kilalanin ang bawat isa. Naglakbay ng magkasama habang nagkwekwentuhan.

Maraming nilalang ang labag sa kanilang pagmamahal pero wala nqman silang magagawa. Ang kanilang pinuno ay nagmahal na.

Nagtungo ang dalawang magsing-irog sa palasyo ni Karimlan at doon nga ay napagpasiyahan na ring tumira ni Kerubin sa palasyo ng mga ito.

Wala ng kasalan pang naganap, ang mahalaga ay magkasama sila. Nagtago sa mundo na puno ng panghuhusga. Namuhay ng payapa.

Ngunit hindi lahat ng kwento ay nagtatapos sa ganitong sitwasyon. Alam nilang marami pa silang pagdadaanan lalo na sa ganoong sitwasyon.

Ilang taon na nga ang lumipas at nagkaroon sila ng supling, ang pangalan ay si Puso. Ipinangalan sa mga puso nilang nagkakaintindihan.

Pagkapanganak kay Puso ay siya namang pagsugod ni Lagalab at Sinag. Sila ay sobrang nagalit sa kinahinatnan ng kanilang anak at ng diyos ng kasakiman kaya naman kanilang itinakas ang kanilang anak na hindi nila nalalamang may naiwan itong supling.

Dinala si Kerubin sa kanilang palasyo, pinaalis papalayo samantalang naiwan ang isang batang walang kamuwang-muwang na maingat na binabantayan ng kaniyang ama.

Labis na pagmamaka-awa ang ginawa ni Kerubin sa kaniyang mga magulang at ipinaliwanag ang tungkol sa anak nitong naiwan at sa kaniyang pinakamamahal na irog ngunit sarado ang isipan ng kaniyang magulang. Hindi siya pinakinggan at ginawa na siyang preso ng tuluyan.

Si Karimlan naman ay humuhugot na lamang ng lakas sa kanilang anak ni Kerubin. Hindi niya malaman kung nasaan ang kaniyang pinakamamahal na asawa pero hindi rin niya naman kayang iwan si Puso na nangangailangan pa ng aruga sa kaniyang mga magulang.

Gusto niyang hanapin ang asawa pero kailangan niya ring bantayan ang kaniyang anak kaya masakit man para sa kaniya ay nanatili muna siya sa kaniyang palasyo, inalagaan ang anak at pinalaki ng maayos.

Limang taon na ang nakakalipas at sobrang talino ng kaniyang anak na si Puso. Alam na nitong bumasa, maglakad, magsalita at lumipad.Labis man na nagalak si Karimlan sa anak ay hindi niya parin mai-alis sa kaniyang sistema ang asawang bigla na lamang naglaho.

Nangako siya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ang asawa at silang dalawa ay haharap sa bathala upang ipaglaban ang pagmamahalan nila.

Siya ay nangako hanggang sa isang araw ay naisipan niya ng iwanan ang kaniyang anak at magtungo sa kaharian ng mga magulang ni Kerubin. Nakarating naman siya ngunit siya ay nabigla sa kaniyang nadatnan.

Nakita niya si Kerubin na ikinakasal kay Kidlat, ang diyos ng langit. Siya ay labis na nasaktan ngunit ng makita niya ang ngiti sa labi ni Kerubin ay napangiti na lamang siya. Isang malungkot na ngiti. Ngiti na mapagparaya. Tumalikod na siya at naglakad papalayo habang ang mga luha ay walang pasidlan ang pagtulo.

Nakabalik siya sa kaniyang kaharian at nakita niya ang bunga ng minsan nilang pagmamahalan ni Kerubin. Nakita niya si Puso. Niyakap niya ito ng mahigpit sabay bigkas ng mga salitang, "Hindi kita papabayaan anak. Pasensiya na kung wala akong naipakilalang ina sayo pero sana huwag kang maiingit sa iba dahil simula noon hanggang ngayon, ako ang tatayi bilang iyong ina at iyong ama"

Lumuluha na nagyakapan ang mag-ama. Nakikiramdam sa kalungkutan ng isa't-isa. Nangako rin si Puso na simula sa araw na iyon, proprotektahan niya ang kaniyang ama.

Paminsan-minsan ay dinadalaw parin ni Karimlan si Kerubin sa kanilang kaharian ngunit patago niyang pinagmamasdan ang dalaga.

Napakasaya ng mukha nito. Laging nakangiti. Mas gumanda. Mas makikita ang pagmamahal sa napaningning nitong mata. Tila mas sumigla kesa ng huli niya itong makita.

At tulad ng nakaraan, uuwi si Karimlan na laging may luha sa mga mata pero lagi niyang sinisigurado na hindi ito mapapansin ni Puso dahil ayaw niya ring makita itong malungkot.

Si Puso naman, tinitingala ng mga kababaihan dahil sa taglay nitong kakisigan. Ito ay lumaki ng mabilisan at naging isang matipunong binata. Hindi niya man sabihin sa kaniyang ama ngunit kilala niya ng ang kaniyang ina matapos niyang sundan ang ama patungo sa tuktok ng bundok.

Lagi niya ring nakikitang luhaan ang ama kaya naman isang araw na hindi niya na makayanan pang makita ang amang malungkot ay sinugod niya na ang kaharian ni Lagalab at Sinag na kasalukuyang tinitirhan ni Kerubin at Kidlat.

Nakita niya ang ina at muling sumidhi ang galit nito sa dibdib. Sinugod niya ito.

Tinitigan lang siya ni Kerubin at nagtanong kung ano ang kailangan niya.

Napatulala si Puso sa tinuran ng kaniyang ina. Sobra siyang nadismaya.

"Tama lang na hindi kita itinuring na ina dahil wala kang idinulot kay ama kundi puro kalungkutan. Labis kng nagkulang," sagot na lamang ni Puso sabay lumipad papalayo.

Naiwang nag-iisp si Kerubin at ng nalaman niya kung ano ang pinupunto nila ay nanghina siya at siya ay napa-upo.

Bumalik sa kanya ang mga ala-alang matagal na niyang ibinaon sa isipan. Muling nabuhay ang mga katanungan sa kaniyang isipan. Naalala niya ang mga naganap sa nakaraan na ginusto niyang takasan.

---------------------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and follow me na rin po❤️

You can also check my other stories 💗 hihihi

Digmaan ng Langit at Lupa- Mitolohiya (On-going)Where stories live. Discover now