Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang papunta sa kusina. Nilapag ko sa lababo ang kawali. Kinuha ko naman 'yong ice bag sa kabinet. Nilapitan ko ang ref at kinuha ko ang ice cubes mula sa freezer. Bumalik ako sa kitchen counter. Kinuha ko ang ice bag at nilagyan ko 'yon ng ice cubes. Kinuha ko rin sa CR ang first aid kit namin bago bumalik sa kanya.

Nakagat ko ang labi ko ng makita kong mahimbing siyang na tutulog. Para siyang anghel na mapayapang natutulog.

Mabagal ang bawat hakbang ko papalapit sa kanya. Tama bang lapitan ko siya? Shit, malamang Destiny Haven! Kailangan mo na siyang lapitan agad dahil patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo mula sa sugat niya dahil sa kagagahan mo.

Huminga ako ng malalim bago umupo sa tabi niya dito sa sofa. Nilapag ko muna sa center table ang ice bag. Binuksan ko naman ang first aid kit at kinuha ko ang betadine at bulak. Nilagyan ko na ng betadine ang bulak.

Bumuga ako ng hangin at nag-angat ako ng tingin sa kanya. Napalunok ako ng makita kong nakaawang ang labi niya. Agad akong nag-iwas ng tingin. Shit, bakit ba kasi ang gwapo ng nilalang na to? Kainis!

Muli kong binaling ang tingin ko sa kanya pero deretso na sa sugat sa noo niya. Inangat ko ang kamay ko upang magamot ko na ang sugat niya. Nanginginig ang kamay ko habang dinadampian ko ng bulak ang sugat niya.

I pursed my lips. Aish! Pwede ba mga peste kumalma muna kayo? Tsaka paano ba kayo na punta sa tyan ko? Wala naman akong masamang nakain. Wag mong sabihing dahil sa lalaking 'to kaya kayo na punta sa tyan ko.

Nanikip ang dibdib ko ng bigla siyang dumaing.

"Hmm." Ngumiwi siya

Nanlaki ang mata ko at agad kong binaba ang kamay kong gumagamot sa sugat niya.

Shit! Magigising ba siya? Fuck! Anong gagawin ko? Pano kung magising siya? Anong sasabihin ko sa kanya? Anong magiging reaksyon niya? Tangina, malamang magagalit, Haven.

Bahagya siyang gumalaw at tinikom niya ang labi niya. Pinanood ko lang ang bawat galaw niya at guminhawa ang pakiramdam ko ng hindi na siya gumalaw ulit.

Aish, akala ko mabubulyawan na ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang paggagamot ko sa sugat niya. Nilagyan ko ng band aid ang sugat niya saka ko nilagyan ng ice bag para tumigil na ng tuluyan ang pagdudugo.

Pilit kong iniiwas ang tingin ko para hindi ko matitigan ang mukha niya pero yung mga peste parang lumipad papunta sa ulo ko at pinilit nilang iharap ang mukha ko sa mukha niya.

Napalunok ko. Nagdiriwang na naman ang traydor na mga peste. Ginala ko ang mata ko sa buong mukha niya. Sinimulan ko sa medyo magulo at bagsak niyang buhok na para bang iyon ang estilo nito. Ang makapal niyang kilay. Ang nakapikit niyang mata na para bang sobrang lalim ng tulog niya. Ang pilik mata niyang alam kong mahaba at mapilantik. His angled jaw. Ang matangos niyang ilong. Ang makinis niyang mukha. Ang labi niyang makapal at mapula.

Mas bumaba ang tingin ko. Mariin akong napalunok. His Adam's apple. His broad shoulders. His collarbone. His hard looking chest. His well built triceps and biceps. And I'm sure underneath his shirt is his abs that can make any girl drool.

He's like a Greek God. Sculpted to perfection. Na kahit anong gawin niya maaari kang mahulog. Para siyang patibong, na kahit anong iwas mo mahuhulog at mahuhulog ka. Tama 'yong babae kanina sa restroom. He is illegal.

Napatalon ako ng marinig kong nagring ang phone ko. Agad kong na hampas ang ulo ko. Aish! Anong ginawa mo, Haven? Why the fuck are you fantasizing about this guy? Don't freaking fall for this trap!

Tumayo ako at kinuha mula sa single seater sofa ang shoulder bag ko. Patuloy pa rin ang pagri-ring kaya mabilisan kong hinugot ang phone ko.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita kong wala namang tumatawag.

Colliding of two Different WorldsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt