Chapter 1

21 1 0
                                        

Chapter 1
Kawali

DESTINY HAVEN

TUMALIKOD AKO AT sumuong ako sa dagat ng mga tao. I need to go to the restroom! I can't stand there while my heart is going crazy inside my chest. Hindi ko na rin inabalang magpaalam kay Serene because she's already smitten by Jadrien Del Valle.

Nilibot ko ang paningin ko ng makawala na ko sa mga tao. Shit! Why is this bar so huge! Pahirapan pang hanapin ang restroom kainis!

Naglakad ako hanggang sa wakas ay matagpuan ko na ang restroom. Dali dali akong pumasok sa loob. I sighed in relief nang wala akong na abutan na tao sa loob.

Naglakad ako papunta sa sink. Tinukod ko ang dalawang kamay sa gilid ng lababo at tinignan ko ang reflection ko sa salamin.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Shit. Para akong na sunburn sa pula ng pisngi at tenga ko. May butil butil rin ng pawis sa noo ko. Shit! Its freezing here but why am I sweating?

Marahan kong hinampas ang dibdib ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin ito tumitigil sa paghuhuramentado. Ngunit mas lalong nagwala lamang iyon ng marinig kong nagsisimula na silang magtanghal sa labas.

Mariin akong napapikit. Seriously, why am I feeling this way? Never akong nakaramdam ng ganito sa kahit sinong lalaki! Kahit nga nung sinama ako ni Serene sa concert ng favorite boy band niya hindi ako nagkaganito.

Pero bakit? Bakit sa lalaking 'yon? Bakit ang lakas ng impact niya sakin? I barely even know him but why?

Naghilamos ako upang pakalmahin ang sarili. Wala na kong pake kung mabura 'yong make up na nilagay ni Serene kanina. Hindi rin naman ako sanay.

Nanatili ako sa loob ng restroom hanggang sa narinig kong magpaalam na ang Climax sa mga tao.

Inayos ko ang buhok kong nakahalf ponytail at ang strap ng bag na bigay sakin ni Serene.

Palabas na sana ako ngunit may narinig akong hagikhikan at tilian galing sa labas. Palakas ng palakas iyon kaya agad akong pumasok sa isang cubicle.

Narinig kong bumukas ang pinto at malinaw kong narinig ang mga pinag-uusapan ng mga dumating.

"Oh my gosh! Colin is so hot on stage! The silent guy in school but a monster when he's performing!" Kinikilig na sambit niya.

"I know right! But Damon is so hot too! Ugh! I really like him! Aside from he's so handsome, he's also boyfriend material!" Napatili pa siya sa kilig.

Marami pa kong papuring narinig ngunit parang bumaliktad ang sikmura ko sa sinabi ng isa sa kanila.

"BI is too much! He took his shirt off! And oh his steaming hot chest and abs!" Tumili siya. "He's so illegal I swear!"

Mariin akong napapikit. Shit! Destiny Haven stop visualizing that man half naked in your brain! Geez!

Napabuga ako ng hininga ng marinig kong lumabas na sila ng restroom.

I can't stay here any longer. It's so suffocating in here. Para akong kinakapos sa paghinga. I need air, fresh air.

Naningkit ang mata ko ng salubingin ako ng nakakahilong ilaw. Kainis, ano nakikisayaw rin sila sa mga tao? Paanong nakakayanan ng mga tao ang ilaw na 'to? Enjoy na enjoy pa sila.

Natigilan ako sa paglalakad nang may biglang humawak sa siko ko. Mabilis ko 'yong hinawi at ginawaran ko siya ng suntok pero agad rin naman siyang nakailag.

"Gosh, Haven! Ako 'to si Serene! Chill!" Humalukipkip siya sakin.

Bumuntong hininga ako at nilagay ko sa tapat ng dibdib ko ang kamay ko. "Shit, ginulat mo naman kasi ako, Serene."

Colliding of two Different WorldsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora