Chapter 2
iPhone
DESTINY HAVEN
NAPAILING AKO. "TSS, mahina ka naman pala."
Binaba ko ang kawaling hawak ko para tignan ang akyat bahay na naknock out ng kawali ko.
Agad kong na bitawan ang kawaling hawak ko at umalingawngaw ang tunog nun sa tahimik kong bahay.
That sexy back looks so familiar. Humahalimuyak ang pabangong suot niya na paniguradong mamahalin. That shirt. That well built triceps and biceps. That messy hair.
Bumalik rin ang mga pesteng lumilipad sa tyan ko. Para bang nabuhayan silang lahat at masasaya nagpye-pyesta sa loob ng tyan ko.
No, no, no. This is not him. Please, tell me this is not him!
Nanghihina akong lumuhod sa harap niya. Nanginginig ang kamay kong iniabot ang mukha niya. Inangat ko 'yon at para kong binuhusan ng malamig na tubig.
Shit! What have I done?
Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Para bang nakipag-drag racing siya sa sobrang bilis.
Kinagat ko ang labi ko. Shit! Anong gagawin ko? Anong dapat unahin ko? Buhatin siya papunta sa sofa o I check muna kung may sugat siya?
Nanlaki ang mata ko at umupo ako sa gilid niya. Marahan kong hinawi ang buhok niya. Na ilayo ko bigla ang kamay ko. Shit! Bakit para kong kinuryente?!
Pinalig ko ang ulo ko. Baliwalain mo lang muna, Destiny Haven! Ang importante ngayon ay malaman mo kung may sugat ba siya para magamot mo na siya agad! Baka ano pang mangyari sa kanya. Sa sobrang maimplusensya ng pamilya nila, for sure baka kasuhan pa ko ng mga Del Valle dahil sa ginawa kong ito.
Muli kong pinasada ang palad ko sa buhok niya. Habang sinusuri ko ang anit niya hindi ko maiwasang purihin ang malambot at mabango niya buhok. Halatang alagang alaga.
Nakahinga ako ng malalim. Walang sugat or bleeding sa anit niya. Marahan kong pinalig ang ulo niya upang matignan ko naman ang noo niya.
Nahigit ko ang hininga ko at nanikip ang dibdib ko.
May bleeding siya sa gilid ng kanan niyang noo. Hindi naman ganun ka laki pero patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo mula duon.
Shit! Kailangan ko nang magamot ang sugat niyang iyon para matigil na ang pagble-bleed.
Lumuhod ako sa harap niya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at agad ko rin 'yong na bitawan dahil sa kakaibang sensyasyong nadama. Mariin akong napapikit at kinagat ko rin ang labi ko.
Ano ba, Destiny Haven! Pwede ba? Calm your fucking senses! Kainis!
Dahan dahan ko na siyang binuhat. Kahit na mabigat siya kinaya ko pa rin siyang buhatin. Pfft, sanay na kong magbuhat ng mabibigat. Naging kargador rin ako sa palengke noon.
Tinayo ko siya at inakbay ko ang braso niya sa balikat ko. Pinilig ko ang ulo ko ng maamoy ko ang bango niya. Napabuga ako ng hininga at binaliwala ko ang mga pesteng masasayang nagdiriwang sa tyan ko.
Naglakad ako papunta sa sofa at dahan dahan ko siyang pinaupo doon. Maingat kong hinawakan ang ulo niya at pinasandal ko sa likod ng sofa.
Mabilis akong lumayo sa kanya. Hindi ko namalayang hindi ako humihinga habang binubuhat ko siya. Hinampas ko na ang dibdib ko. Baka sakaling tumigil na siya sa paghuhuramentado.
Huminga ako ng malalim saka kinuha ang kawaling pinanghampas ko kay- Shit! Just by thinking of him, nagwawala na ang sistema ko!
This is not good, damn.
ESTÁS LEYENDO
Colliding of two Different Worlds
Novela JuvenilON-GOING Destiny grew up without her parents by her side. A devastating car accident happened when she was five years old. She lived with her grandmother but also passed away when she was in 10th grade. She was forced to live independently. S...
