Chapter 9: Error - 8757 Not Found

Start from the beginning
                                        


"Hindi maganda ang tanong niya," bulong ni Alvin sabay tingin sa paligid. Nagbubulungan na ang mga tao sa kanyang likuran.


"Anong ibig niyang sabihin?" tanong naman ni Alvin.


"Well...uhmm..." wika ni Diana ngunit hindi pa man niya natatapos ang kanyang sagot ay agad nang sumabat si Eric.


"We didn't thought of that as for now. But the reason Diana was made is to serve humans in comfort. She is not for war," sagot niya.


Ang lahat ay natahimik naman nang tumayo ang CEO na si Howard Stein. Inayos niya muna ang kanyang coat at saka siya inabutan ng mikropono ng isang host.


"This question is for you, Eric," tanong niya.


Napatingin si Diana sa kanya at sinimulan siyang i-scan. Lumabas naman ang ilang mga datos sa kanyang pagkatao.


'Chief Executive Howard Stein.'


'Military trained, Businessman, Special Unit - White House, US Marines - 14 years.'


'Russia, Afghanistan, North Korea...'


"H-hindi..." bulong niya. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng kaba.


"Eric, is it possible for Diana to be weaponized?" tanong muli ng CEO. Napalunok naman ng kaunting laway si Eric at tumingin sa mga kasama sa ibaba.


"Hindi pa natin napag-uusapan 'to," wika ni Abby.


"Sir, mas mabuti pang 'wag mo na lang sagutin ang tanong niya," pinagpapawisang sambit naman ni Leonard.


"CEO 'yan! Hahanap 'yan ng sagot. Anong gagawin natin?" pag-aalala naman ni Alvin.


"Her body is made of metal yes. But for her to be lightweight we used a mixture of alloy and metal. I don't think Diana can be a super soldier..." sagot naman ni Eric.


"You didn't answer my question. I'm asking, if it's possible for her to be weaponized. It means changing her materials, changing her code," seryosong tanong ng CEO. Napaatras naman si Diana. Ang lahat naman ay napatayo nang siya'y biglang tumakbo patungo sa backstage.


"Diana? Diana!" bulyaw ni Eric.


Naging maingay sa loob ng hall na iyon, nakatitig na lamang nang matalim ang CEO. Ang mga reporter naman ay hindi magkamayaw sa paghabol ng kuha sa pagtakbo ng prototype. Nadismaya ang mga tao sa labas ng gusali nang mapanood nila sa malaking hologram screen ang nangyari.


"Looks like we have a technical problem," wika ni Eric.


Sinenyasan niya ang kanyang mga ka-team. Mula naman sa hanay ng mga reporter ay tumayo sina Abby, Leonard at Alvin. Dali-dali silang naglakad patungo sa backstage.

D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)Where stories live. Discover now