Halos lahat ay takot sakin
Halos lahat din may gusto sakin
Well...
Pogi at maganda kasi eh wala magagawa
Ang mga kaibigan ko lang naman ang hindi takot sakin at ang may lakas na loob na pagtawanan,pagtripan at asarin ako
Madalas mangyari ang ganung eksena (yung nangyari sa room)
Lagi ko kasing nakakalimutan na makipag break sa mga girlfriends ko
Never akong nainlove
Wala lang. Para kasing hindi ko pa SIYA nakikita
But i know na dadating SIYA
Kasi lahat ng tao ay may nakatadhana
Yung tatlo ko namang kaibigan ay mga rainbow din pero never din nainlove kagaya ko
"Psst! Guys!" sigaw ni hyebin at tumayo saka kumaway
Di na ako nag-abalang lumingon dahil kilala ko naman na kung sino yung mga yun
Patuloy lang akong kumakain ng fries habang katext ko ang girlfriend ko
Yes. May bago na ulit ako
Nakilala ko lang kanina habang naglalakad ako papunta dito
"Hi guys!" di ako lumingon at patuloy lang sa pagtext sa girlfriend ko
Naramdaman kong may umupo sa harap ko pero di ko na tinignan kung sino yun
"Hoy!" napaangat naman ako ng tingin
"Problema mo?" tanong ko
"Di mo manlang ba ako babatiin?"
"Bakit sino ka ba para batiin ko?"
"Well isang dyosa lang naman" sabi niya sabay flip hair tss
"Oo dyosa ka" sabi ko at binalik ang tingin sa cellphone ko
"Wait what? Sinabi mo ba talaga yon?"
"Dyosa ng mga halimaw" pagpapatuloy ko at kukuha na sana ng fries pero nilayo niya yun
"Ano ba?!" saway ko
"What did you say?!" taas-kilay niya tanong
"Bingi?! Sabi ko dyosa ka ng mga halimaw! Ano narinig mo na?"
"You-!"
"Hoy kayong dalawa!" parehas naman kaming napatingin kay hyebin
"Nag-aaway nanaman kayo! Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang, wag kayong mag-away? Nakakarindi na!" reklamo niya
"Siya yung nauna!" turo ko sa babaeng kaharap ko
"Anong ako?! Ikaw kaya!"
"Ikaw! Nananahimik na nga ako dito ginugulo mo pa ako tss" sabi ko
"Ikaw kas-"
"Tama na yan" saway ni nayun samin
Inirapan lang ako ng babaeng kaharap ko
Aba!
"Kala mo kung sinong maganda, panget-panget naman" bulong ko
"May sinasabi ka?!"
"Wala"
"Narinig ko eh, may sinasabi ka"
"Narinig mo pala eh. Bat nagtatanong ka pa?"
"Eh sa hindi ko nga maintindihan"
"Ikaw ba binubulungan ko?"
"Eh sino kausap mo?"
Chapter 1
Start from the beginning