KAPITOLYO (Yohan's P.O.V.)

24 2 1
                                    

KAPITOLYO

(YOHAN’S P.O.V.)

Gustuhin ko man na kasama si Sapphire sa muling pagpunta ng Kapitolyo, ay hindi maari. Nag-aaalala ako sa ano mang panganib na mangyayari ngayong mas mara nang Rokus ang nandoon sa Kapitolyo. Pilit kong iniwasan ang mga mata ni Sapphire dahil di ko matiis na makita siyang nag-aaalala sa akin.

SI Danica ang nagmamaneho ng trak namin. Tahimik kaming dalawa sa loob. Di ko pa rin maalis sa isip na binugbog niya ako dahil di siya naniniwala sa mga sinasabi ko na talagang wala akong alam sa tunay na dahilan ng pagkawasak ng Haram.

DANICA: Pano kung totoo ang aming mga hinala, at napatunayan mo mula mismo sa mga computer ng Kapitolyo?

YOHAN: Paano kung mali ang iyong mga akusasyon? Sasama ba kayo sa amin papunta sa Alcamo?

DANICA: Kitang-kita ko sa aking mga mata ang mga nangyari. Alam ko dahil nandoon ako!

YOHAN: Lumaki ako sa grupo na kung saan kami ang namumuno sa Alcamo. Imposible ang mga ibinibintang ninyo sa amin!

Biglang tumahimik si Danica. Ilang minutong katahimikan. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa Rotunda. Agad namin napansin ang mas dumaming bilang ng mga bangkay ng Aquila ang nakakalat sa daan.

YOHAN: Paanong---

DANICA: May kasamahan kayo na may armas na panglaban sa mga Aquila?

YOHAN: Hindi. Mga solar powered weapons lang ang dala namin. At ang mga Aquila ang pinakamahirap na patayin dahil di ganon kalakas ang aming mga armas laban sa kanila.

DANICA: Kung ganun, sino ang may armas na kayang labanan ang ganito karaming Aquila?

Kinuha ko ang Elecro Rifle at ilang Solar Panels at inilagay sa aking utility belt. Kinuha naman ni Danica ang armas niyang AK47 at ilang mga bala.

Binigay ko sa kanya ang Elecro Gun at tatlong solar panel.

DANICA: Hindi ko kailangan niyan.

YOHAN: Tanggapin mo na. In case na mauubusan ka na ng bala.

Tinitigan niya ito saka kinuha.

DANICA: Salamat.

YOHAN: I-park mo muna sa tabi. Titingnan ko lang ang mga bangkay ng mga Aquila.

Hininto niya ang trak, saka ako bumaba para tingnan ang mga bangkay ng mga Aquila. Bumaba din sa sasakyan si Danica. Isa-isa koi tong tiningnan at pansin ko na puro mga tama sa ulo ang ikinamatay nila.

DANICA: Sniper?

YOHAN: Wala akong makitang bala mi isa dito.

Tiningnan niya ako at sinagot ng:

DANICA: Maybe solar-powered sniper?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

REVAWhere stories live. Discover now