1. Sue and Kai

55 2 0
                                    

Ang ingay sa classroom at malapit na ang uwian. Kalat kalat ang mga upuan at wala kaming ginagawa. Nakaharap ang upuan ko sa mga kaibigan ko kaya nakatalikod ako sa blackboard.

"Malapit na mag time Sue, bukas natin ituloy 'tong activity." Sabi ni Angela. Tiniklop niya ang activity sheet at pinasok to sa bag niya.

"Gesiii." Sagot ko habang nagsusulat ng kung ano sa notebook.

Sinusubukan ko magsulat ng storya tungkol sa dalawang tao na gusto ang isa't isa, ngunit natatakot sila sa iisipin ng mga tao.

Ano kaya ipapangalan ko sa mga karakter? Cody? Hmm, masyadong papogi. Archer? nahhh, gamit na gamit na! Napa 'tsk' ako at sumandal sa upuan.

I crossed my arms and closed my eyes. Hayst, ba't wala ako maisip? Tanong ko sa sarili ko.

Habang nagiisip ay may naramdaman ako na parang may nakatitig saaken. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka si Sir lamang iyon na nag g-grade ng conduct namin.

Taragis, bat blangko utak ko? inis na dumilat ulit ako at hinawakan ang ballpen. Tinaas ko ang paa ko at pinatong ito sa gilid ng upuan ni Angela. Mukhang siga ang lagay ko sa pagkaupo.

Pake ko sakanila, nakakatamad eh.

Mayamaya pa ay nagsimula ulit ako magsulat. Nagskip muna ako sa pagiisip ng pangalan ng mga karakter para hindi sayang sa oras. Pagkatapos ng ilang minuto ay naramdaman ko nanaman na may nakatitig saaken.

Sinubukan ko ulit na hindi ito pansinin, ngunit masyado nang intense ang stare nito kaya iniangat ko na ang ulo.

Muntik ko nang mabitawan ang lapis ko nang makita ko kung sino ang nakatingin.

"HOOOOOOHHHH SHEEEEET! SI KAI!" napasigaw ako sa isip ko.

Potcha! Nakatingin saaken si Kai! Fockkk tama na!

Iniwas ko ang mata ko sakanya at umastang walang pakeng pinagmamasdan ang classroom.

Baka nagkataon lang na nakatingin din siya saaken? Jusko bes! Wag ka asyumera! May Claudia na yan at wala kang laban don.

Si Claudia ay ang babaeng liniligawan ni Kai. Maganda siya, matalino, sexy, at magaling sumayaw. Napaka bait niya pa sa lahat ng tao at kung nakikita niyang nahihirapan ka sa isang subject ay kusa ka niyang tutulungan.

Parehas silang dancer ni Kai, kaya alam ng lahat na sila ang nakatakdang power couple ng school namin.

Did I mention na hindi nag mumura si Claudia? Kahit hindi niya sinasadya? Never. Hindi katulad ko, madumi ang bibig, letse.

Anyways back to the story, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin parin si Kai sa direction ko. "Namumula na ba ako? WAG SANA!" Bulong ko sa sarili ko, at tinuloy ang pagsusulat. Nagantay ako ng ilang minuto at dahan-dahang sumulyap ulit kay Kai.

Hindi. Hindi siya nakatingin sayo beh. MAY ALTAR SA LIKOD MO AT DUN SIYA NAKATINGIN.

Crush StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon