Chapter 38: Trending

Start from the beginning
                                    

"What you mean iba pa yung appointment niyo na urgent?"

"Yes anak, sorry we can't make it. But I'm sure you and Kai can do it, right?" Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

"Okay, I understand."

"Nga pala nabalitaan kong nakauwi na ang Mommy ni Kai."

"Yes Mom, and Tita Andeng told me to comfort Kai while missing her Mom."

"Si Kai mamimiss ang Mommy niya, parang bago naman yata sa pandinig ko iyan." Nagtaka ako sa sinabi niya."

"What do you mean Mom?"

"Hindi naman mama's girl si Kai pero mas mabilis niyang mamiss ang Tita niya kaysa sa Mommy niya. Akala ko nga dati si Andeng ang tunay niyang nanay hindi pala."

"So you're saying that, missing her Mom is not her habit?"

"Yeah, pero malay mo naman sadyang namiss niya nga ang Mommy niya. Hahaha sige anak mamaya na lang hinahanap na ako ng Daddy mo."

"Sige po, bye." Ibinaba na niya ang cellphone ng mapabuntong hininga ako. Napatanaw na lang ako sa labas kung saan nakatayo nagtataasang building gaya ng Citigroup Centre, Meriton Suites World Tower Sydney, the Building 8 at ang St. Mary's Cathedral. Hindi ko alam ang susunod na mangyayari kaya may kaba pa rin sa dibdib ko.

Napatingin na lang ako sa watch wrist ko, may oras pa ako para makapaghanda para sa event. Muli kong chineck ang site ng event, laking gulat ko ng makita ang resulta. Kung kanina tatlong kompanya ang nag aagawan sa rank 1. Ngayon isang companya ang nangunguna, 99.56 ang rate nito habang ay sumunod naman ay 96.99 at 96.79, napapaisip ako kung anong kompanya ba ang nangunguna sa ngayon.

"Jane hinahanap ka  ni Miss Hikari." napalingon ako kay Rea na nakatayo sa may pinto ng room.

"Yeah I'm coming." Inilagay ko na sa bulsa ng pants ko ang cellphone na ginamit ko.

.

.

.

.

.

Kai's POV

Pinatawag ako ni Miss Hikari at kasalukuyan akong nandidito sa isang room kung saan matatanaw ang Sydney Opera House, ang pinakasikat na establishment dito sa Australia. Napaupo na lang ako sa isang bench. Umalis sandali si Miss Hikari kasama si Jethro. Alam kong tungkol ito sa event para mamaya pero ang pinagtataka bakit ngayon lamang kasi isang oras na lang magsisimula na ang event. 

"Thank you sir, yeah. Bye." Rinig ko ng pumasok si Miss Hikari, humarap na ako sa may table ng mapansing ibinaba na ni Miss Hikari ang cellphone na hawak niya.

"Kai this sudden meeting is about the photo of you and Jane that uploaded yesterday. The producer wanted you and Jane to go at this place after the event." May tanong sa isip ko ng sabihin sa akin ni Miss Hikari iyon.

"Sa katunayan niyan trending ngayon ang picture ninyo ni Jane na mas tinatangkilik ng mga fans. But as we observed, padami ng padami ang media na nasa labas ngayon ng building." Nagulat ako sa sinabi ni Miss Hikari, paano naman nila nalaman na dito sa hotel kami nakacheck in?

"How about our rank?" Pag iiba ko ng usapan, ayaw kong mag alala si Miss Hikari dahil sa paparazzi na iyon.

"Don't worry about that, we can handle the  changes of our ratings and votes."

"Sorry to interrupt." Napalingon si Miss Hikari habang ako napatingin sa may bandang pinto. Mabilis na naglakad si Jane papalapit kay Miss Hikari, at agad na umupo sa tabi ko.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now