Opposites Ch. 42

105 2 0
                                    

Ch. 42

Zaire

Natulak ko si Lauren ng bigla siyang bumahing. Nakahiga kasi siya sa hita ko habang nagc-cellphone. Buti na lang talaga at may libro akong hawak, ew mukhang di ko na magagamit ang librong ito maghahanap na lang ako ng isa pang kopya.

"Aray ko ha!" Ngayon ko lang narealize na nahulog pala sa couch si Lauren, nakaface-to-face siya sa sahig.

"Feeling ko mas lalong napango yung ilong ko, shemay ka Pierce!" Umiwas naman ako ng umambang hahampasin niya ako, she started calling me Pierce since grandma's birthday.

"Your fault," sabi ko naman habang maingat na nilapag ang libro, kadiri...

"I can't control that! Shemay ka!! I hate you!" Napatawa naman ako.

"No you don't, you love me," nakangising sabi ko namula naman siya, hay kahit ano atang gawin ko kinikilig siya.

"Okay love birds, snacks is ready," napatayo naman si Lauren.

"Tita este mommy tinulak ako ni Pierce," parang batang pagsusumbong ni Lauren, sinamaan naman ako ng tingin ni mom.

See? Mas close pa siya sa family ko susko.

"Zaire," may pagbabanta sa bosses ni mom.

"She did something disgusting," I defended, I'm a future lawyer and I don't want to be wrongly accused.

°•°•°

"What's with the sudden meeting?" Tanong ni ate bago kami umupo sa swivel chair, na sa conference room kami.

"The Cartizen children is back," agad na nagsunodsunod ang pagkahulog at pagkabasag ng mga bagay.

Nahulog ni kuya yung pen niya, nabasag ni ate yung baso niya, at nahulog ko ang libro ko. The Cartizen family is trouble, a big big trouble.

OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon