Opposites Ch. 14

108 2 0
                                    

Ch. 14

Zaire

"God! Nakinig ka ba sa lessons niyo noong senior high?" Tanong ko sa kaniya.

How could a person be so dumb? No offense ah.

"Eeee, kasalanan ko bang nakakaantok yun?" Humihikab pa na sabi niya, halatang bored na bored e di man lang tinago.

"Sabihin mo nga, paano ka nakalagpas ng senior?" Tanong ko napa-pout naman, anak ng! Mukha siyang bibe!

"Tigilan mo nga yan, ibabato ko talaga sayo itong libro," pagbabanta ko habang umambang itatapon sa kaniya ang librong malapit sa akin.

"Oo na ito na ito na. Magaaral na po attorney," sabi naman niya, bwiset talaga ang babaeng ito.

Napalingon naman ako sa pinto ng may kumatok. Pumasok naman ang isa sa mga katulong namin, may dala-dalang pagkain.

"Sir, inutos po ni Madam na kumain daw po muna kayo ng dinner," tumungo naman ako at sinenyas na ilapag na lang sa isang tabi.

Pagkatapos niya ilapag ang pagkain ay umalis na din siya at ito namang si Primavera ay agad na tumingin sa pagkain.

"Tsk, oo na sige na," na sabi ko na lang agad naman siyang tumayo at lumapit sa pagkain.

Walanghiya talaga ang babaeng ito, ganito ba lahat ng mga ano yun? Wattpidian? Wattpader? Sabagay pader naman talaga siya ahaha!

"Ba't ganyan ka makatingin? Parang iniinsulto mo ako sa isipan mo?" Mataray na tanong niya pagkatapos niya mag dasal.

"Naisip ko lang, naisipan mo pa palang magdasal sa gutom mong yan. Akala ko lalantakan mo na agad ang pagkain," na sabi ko na lang kaya naman di mapinta ang mukha niya.

"Anak ng! Shemay ka Zaire, pupusta ko buhay ko pag nagkaroon ka ng gf sa ugali mong yan," sabi naman niya.

"Hoy iniinsulto mo ba ako? Nakalibre ka na nga ng dinner," sabi ko naman, walanghiya talaga ang babaeng ito!

Magp-paparty talaga ako pag may nagkagusto dito. Siguradong may himala kunsakali!

"Heh! Di ka nga magaling na tutor e!" Sabi niya.

"At least running for summa ako e ikaw? Plano mo bang grumaduate sa lagay mong yan?" Sabi ko naman.

"Walanghiya ka talagang attorney ka!" So ayun sinimulan niya na akong pokpokin ng libro.

"Yuck! Yung kinakain mo tumatalsik sa akin!!!" Agad naman akong tumakbo palayo sa kaniya at agad na naghanap ng alcohol at tissue.

Kada room kasi dito sa bahay ay may cleaning set.

Kadiri talaga!

OppositesWhere stories live. Discover now