20. Engagement

591 32 1
                                    

Author's Note/s:

Yehey! Chapter 20 na tayo...finally!. *sabog confetti sabay party-party*

At dahil nasa 20th chapter na nga po tayo, hayaan niyo po akong magpasalamat sa aking mga silent readers and voters na walang sawa po sa pag supporta sa walang kalatoylatoy na kwentong ito.

Hindi ko po talaga akalaing aabot nang 1k plus reads at 100 plus votes ang FT (medyo teary-eyed na 'ko...char!), kaya maraming maraming thank you very much po sa inyong lahat.
At asahan niyo po na mas pagbubutihan ko pa ang pagsusulat sa mga susunod na chapters ;)

More characters to come and more plot twists to be revealed SOON. (SPOILER ALERT!)

Ayun lang po for now... ;)))
Again, happy reading and keep on voting and supporting Forever-Together.

I ❤ YOU ALL!

- Author

-----------------------

[ Yana ]

Akala ko no'ng una'y hindi magiging maayos ang lahat according sa plano ko na medyo iniba lang namin nang kaunti, as in konti lang talaga. Para lang maiiwas ko ang aking bestfriend na si Lia sa kahihiyan and at the same time, sa galit nang parents namin ni Andrei.

The original plan was to find a girl who would pose as a "third-party" sa amin ni Andrei. But since this is my bestfriend we are talking about eh, ginawa na lang naming iba ang kwento.

Papalabasin naming si Lia ang totoo niyang girlfriend na matagal na niyang itinatago sa publiko, and that i am actually their third wheel.

Hindi ko naman p'wedeng hayaan na si Lia ang mag mukhang masama dito. Ako na nga yung hihingi nang favor, ako pa ba ang magiging santa at siya ang maldita?.

Kaya for her sake i'd sacrifice myself. Kasi naniniwala akong that's what bestfriends do.

Napag usapan naming tatlo na sa loob nang isang linggo ay kinakailangang sadyain nilang makita in public na silang dalawa lang ang mag kasama para maging usap-usapan sila nang mga tao at makarating sa media ang lahat.

At kagaya nga nang inaasahan namin, isang araw na lang ay kabi-kabila na ang mga blind items na ang lumabas tungkol sa isang di umano'y "Mystery Third-wheel" nang isang kilala at soon-to-be-engaged couple from two prominent families.

Nag react din naman ang parents namin patungkol dito, as expected na din. They were asking us both kung totoo ba ito o hindi.

Ngunit napagkasunduan na din namin (at kasama din sa plano) ni Andrei na hindi muna kami mag labas nang statement sa media o i-confirm kahit sa parents namin kung totoo ito o hindi, until the day of our Engagement kung saan namin ilalahad ang aming malaking pasabog.

Lahat ay planado na kung tutuusin, mag mula sa kunwaring pag gi-gate crash ni Lia hanggang sa pag amin niya na siya ang tunay na"girlfriend" at kinahuhumalingan talaga (kunwari lang din) ni Andrei. At pagkatapos ay magkukunwari silang mag bi-break after a few weeks. And that would be the end of our little scheme.

Alam kong at the end of it all everything in my life would be back to normal again (Halleluja!).

And i know for sure na makakalusot kami sa palabas naming ito. Our plan is flawless, so what could possibly go wrong...right?.

I went home after school feeling nervous but excited.

Nervous na baka pumalpak kami at excited na makawala na sa lahat nang ito.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon