31. Mr. abs meets Muy-Moy

680 36 3
                                    

[ Yana ]

"Anong ginagawa mo dito?. Halika na, lumapit ka sa'kin..."

I was chasing a chocolate waffle na tumatakbong palayo habang kumakaway kaway pa.

"Uyy...hintay!. Hintayin mo 'ko, wait!". ang sabi ko, habang hinahabol parin siya.

Wait....did i just say that i'm chasing a waffle?.

Ang bango naman no'n!. sa isip-isip ko habang nakapikit parin at 'di namamalayang nagkakanda-haba na ang aking nguso sa pag amoy.

Was that the waffle?. Am i still dreaming?.

Naramdaman ko na lamang na kumulo na naman ang tyan ko kasabay nang isang malakas na blag ang pumailanlang sa aking kwarto, senyales nang pagkahulog ko mula sa higaan.

And then i woke up in reality after having a delicious, but rather weird dream.

At doon ko napagtantong gutom na naman pala ako. Dahil siguro sa hindi ako masyadong nakakain nung inorder ni Andrei na pizza kagabi kaya't heto at kumakalam na naman ang sikmura ko.

Siyempre kahit naman may pagka- PG ako, nakakahiya parin do'n sa tao lalo na't alam kong galing pa sa savings niya iyon.

Napasinghap ulit ako nang maamoy nang aking ilong ang mabangong bagay na gumising sa akin.

So hindi pala talaga panaginip 'yon dahil may naaamoy nga talaga akong mabango. pagkukumpirma ko sa aking sarili.

Kaagad akong bumaba para tingnan kung saan nangagaling ang amoy na iyon.

Galing sa kitchen?.

Wala sa loob na sinundan ko na ito habang nakapikit.

Nagsisimula na akong mag laway sa sarap nang naaamoy kong pagkain nang biglang...

"What are you doing!?."

Napamulat ako nang mga mata't napaatras nang makita ang nasa aking harapan.

N-nag sasalitang abs?. takang bulong ko sa sarili habang titig na titig sa parte nang katawang tumambad sa aking mga mata. Minamaligno ba 'ko?.

"Ano bang ginagawa mo ha?".

Napaawang ang aking labi nang mapagtanto kung sino pala talaga ang nag sasalita.
Hindi ito abs, at mas lalong hindi maligno.

Dahan-dahan akong tumayo nang tuwid at nag angat nang tingin. Namulagat pa't kamuntik mawalan ng balanse nang makitang halos magkadikit na kami ng mukha ni Andrei.

"Alam kong yummy ako, pero don't you think cannibalism nang matatawag kapag ako ang kinain mo?". natatawa-tawang sabi pa niya sa'kin na nakatingin sa mga mata ko.

Habang ako nama'y halos pamulahan na nang mukha sa sobrang hiya. Idagdag pa na ang lapit namin sa isa't isa at naaamoy ko na ang bango nang kaniyang hininga, dahilan para panghinaan ako nang lakas.

"A-ahhh...e-ehhh-..."

Kukurap-kurap at hindi ko na maintindihan ang gagawin. Ni hindi ko na nga din alam kung anong sasabihin ko dahil napaka-awkward na nang sitwasyon at nararamdaman ko ngayon.

Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami pa nang p'wedeng amuyin nang ilong kong ito, sa abs pa talaga ni Andrei napadako.

Iiling-iling na nagpasya na lamang akong maupo sa kitchen counter at hintayin ang kung anumang niluluto ni Mr. Abs...este ni Andrei pala.

Parang mas gusto ko kasing kumain dito kaysa sa dining area na sobrang laki. Besides, kaming dalawa lang naman sa bahay na ito kaya okay lang naman sigurong 'wag nang masyadong pormal kung saan kami kakain.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon